Kakaibang Soup Base

152 2 0
                                    


Shared by : grim_reaper1814

A/N : hindi ko ma-imagine ito promise! naiisip ko pa lang parang hindi ko kayang kainin. kayo na pong bahalang humusga!

--------------------------------------------

Here's my story.

Ikukwento ko ngayon yung isa sa mga pinaka-memorable stories ni Jojo Acuin. May column kasi siya sa People's Tonight at puro mga kakaiba yung stories niya na mala Maalaala mo kaya. Pero matagal na siyang patay.

Meron daw isang karinderya somewhere outside Metro Manila. Siguro yung mga karatig sa mga probinsiya lang. Itong karinderya na ito ay simple lang pero marami daw customers at pabalik-balik daw sila. Madalas daw de-kotse pa yung customers nila. Yung karinderya ay pagmamay-ari ng mag-asawang matanda. Sila lang dalawa yung nagsisilbi sa karinderya. Wala daw silang mga katulong or serbidora. Lahat daw silang mag-asawa ang gumagawa. Mabili daw yung pagkain nila at dahil dito nakapagpundar sila ng mga ari-arian nila. Hindi ko maalala kung may na-mention tungkol sa mga anak nila pero sila lang dalawa yung nakatira doon.

So ayun, dati daw mayroon silang isang katulong. Yung gawain daw nung katulong ay mag-serbidora lang. Hindi siya tumutulong sa pagluluto. Pati siya ay kumakain din dun sa mga niluluto nung mag-asawa kasi nga ubod daw ng sarap. Pero isang araw, nabisto nung katulong kung ano yung secret ingredient nung mag-asawa...

Magic Ginisa Mix! (joke lang hehehe).

Eto talaga yung secret ingredient. nahuli daw nung katulong na naliligo ng sabay yung mag-asawa at yung pinagliguan nila eh sine-save nila. Tapos yung pinagliguan nila eh magiging soup base ng paninda nila. Isipin niyo yung bulalo, sinigang, adobo, nilagang baka eh may halong libag ng mag-asawang matanda. Masuka-suka daw yung katulong dun sa nalaman niya kaya na never na niyang tinikman yung mga hinahain nila. Napansin daw nung mag-asawa bakit di na daw niya kinakain yung niluluto nila. Ayun napaamin din siya kung bakit. Napagkasunduan nila na ire-retain siya bilang katulong basta hindi niya ipagsasabi. Okay naman daw sa katulong. Tumagal din daw yung set-up hanggang isang beses nakituloy sa kanila yung pinsan nung katulong. Nung kainan na daw, sinabihan nung katulong yung pinsan niya na huwag daw kainin yung mga nakahanda. Siyempre tinanong siya kung bakit, ayun kinuwento niya. Tapos nalaman nung matanda na kinuwento niya kaya tinanggal sa trabaho. Nung sumulat daw yung katulong eh malakas pa rin daw yung karinderya. Hindi na daw sila kumuha ulit ng katulong nila.

Imagine "masarap" pala yung libag nung mag-asawang matanda. Hehehe. So isipin niyo na kung meron kayong suking karinderya at hindi nyo ma-explain kung bakit sobrang sarap nung pagkain nila eh baka espesyal din yung soup base nila. Hehehe.

Kaya siguro hayok na hayok ang mga aswang sa laman ng tao dahil libag palang eh nakakaadik na.

Eto medyo related. Kwento ng tita ko, ganyan daw ang gagawin mo para mapaamo mo yung tao. Yung isang saleslady niya kasi nagpunta ng Hongkong. Medyo malupit yung amo niya. Hindi daw siya pinapakain tapos masyadong matrabaho. Ang ginawa daw niya eh yung pinaghugasan ng ari niya yung ginawa niyang soup base para dun sa mga amo niya. Tapos yung mga damit nila, pinagtatapakan niya. Pero, effective daw. Naging mabait naman na daw yung amo niya.

Yung lola ko rin, pinagbawalan kaming bumili ng biko dun sa isang naglalako kasi kinuwento niya sa lola ko na dinuduraan daw niya yung biko para mabilis maubos.

Siguro there's an inner aswang in all of us. At pag nakatikim tayo ng laman ng tao eh hahanap-hanapin natin. Hindi ko lang alam kung paano magkaka-super powers. Kailangan yata nung bato nung aswang.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon