Compiled Stories 14

165 4 0
                                    


Shared by Student Nurse SY 2005

Isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan ay noong ako ay estudyante pa lamang ng Nursing at aking matandang pasyente sa I.C.U o Intensive Care Unit. Naalala ko pa ang tagal na din ng taong 2005 pero parang noong nakaraang linggo lang para sa akin. Tuwing umaga ng alas sais ang umpisa ng mga rounds ng mga nurse at doctor sa ospital na iyon. Nandoon na din ang endorsement ng mga kakagaling lang sa night duty. Kung ako ang tatanungin napakahirap ng night duty ito ang mga oras na nilalabanan mo ang iyong antok at kailangan focus ka sa lahat ng iyong mga ginagawa na para sa akin mahirap lalo na kapag madaling araw. Ang gusto ko noon ay matulog lang sa gabi kaya't nagpapasalamat ako at ako'y napunta sa umaga.

Sa totoo lang ayoko ang I.C.U lalo na kapag pang publikong ospital, alam na natin kung bakit at hindi ko na iisa-isahin pa sa mga mambabasa ang lahat. Dito ko lang nakita na may tatlong matatandang pasyente sa iisang kama, habang ang isang bantay ay hawak-hawak ang suero ng kanyang pasyente. Madalas dito sa din sa I.C.U ang pag-aabono ng mga nurse at estudyante para sa ikagagaling ng pasyente.

Isang beses natoka sa akin ang
isang matandang babae.
Nakakapag-usap na lamang siya sa pamamagitan ng pag galaw ng
kamay. "Lola, naririnig mo ba ako?" sabi ng kanyang doktor. Igagalaw niyang pilit ang kanyang kanang kamay. Si lola ay tinanggalan ng appendix, ngunit binalik sa I.C.U dahil sa karagdagan pa niyang sakit na ang pinagmulan ay dahil na rin sa kanyang operasyon. Napansin ko na mahahaba na ang kuko ni lola kaya naman matapos ko siyang ayusin at palitan ng suwero naisipan ko na gupitan ang kanyang kuko. Napatingin ako sa kanyang tahi kung saan tinanggal ang kanyang appendix, namamaga ito at may lumalabas na tubig na tila kulay berde. Hindi na din nawawala ang lagnat ni lola.

Nang biglang tinawag ako ng aking guro upang tumanggap ng
isa pang pasyente. Umuwi kami ng bandang alas singko ng hapon. Nakakalumo ang kondisyon ng ospital pero ang sabi nila ang trabaho ay trabaho. Kung tutuusin, kapag tapos na ang oras ng pagtatrabaho iwan na ang trabaho.

Kinaumagahan, habang nag-rounds ibinalita sa akin ng ilang nurse na patay na ang aking pasyente. Hindi nakayanan ni lola ang impeksyon.
Sa kasalukuyan ng mga panahon na iyon, binigyan naman ako ng
pasyente na mas bata nasa edad
trenta na lalaki. Kahawig din ng
kaso ni lola ang aking bagong
pasyente. Nabasa ko din sa
kanyang chart na apat na araw na ang pasyente sa unit at sa awa ng
Diyos ilalabas na siya bukas kapag wala na siyang lagnat. Tinawag niya ako at ako'y lumapit "Nurse, ubos na ang suwero" napatingin ako at totoo nga. Naramdaman ko agad ang pagod sa buong maghapon dahil madami na naman ang bagong pasyente. "Nurse, may gumagaling pala dito, ano." dagdag pa niya. "oo naman" ang sagot ko. "Kasi yung pasyente kahapon nakakatayo na eh, nandon siya sa pinto oh." nguso niya sa pinto. Walang tao sa pinto at base sa talaan tatlo ang pasyenteng namatay sa nakaraang tatlong araw. Walang umuwi na buhay. "Naisip ko sa sobrang lagnat siguro ni kuya, kung anu-ano na ang nakikita." maya-mayang kaunti binalikan ko siya para bigyan ng Paracetamol. "Gusto ko ding maglakad-lakad" sabi niya sa akin "Nababato na ako dito." dagdag pa niya ng pangungulit. "Mamaya kuya." Higit na ipinagbabawal ang pamamasyal ng pasyente lalo na kapag may balanse pa ito na bayarin, isip-isip ko. Marahil natuwa siya sa sinasabi niyang may nakita siyang pasyente na gumaling kahapon. Sa totoo lang natatakot ako pero nangingibabaw ang pagod ko.
Maya-mayang kaunti iginiit na naman ni kuya na gusto niyang maglakad-lakad "Nurse, pupunta lang kaming cashier." kasama na niya ang kanyang asawa. Habang
papalakad lumingon siya sa akin at sinabing "Sabi ng pasyente mo
kahapon, di mo daw tinapos ang
paggupit sa kanyang kuko, eh
bigla ka daw umuwi." hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni kuya, marahil na din sa marami akong
ginagawa.

Hanggang sa naalala ko ang aking pasyente kahapon. Oo nga, ang
gulat ko. Nakalimtuan ko nga na
hindi pa ako tapos maggupit ng
kuko ni lola. Sa kung papaanong nangyari na alam niya ang tungkol sa bagay na iyon. Tiyak ko na si
lola lang ang makakaalala non.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon