Multo sa ibang bansa

101 4 0
                                    


Shared by : victoris2011

This happened naman dito ng nangibang bansa na kami ni misis.

Medyo bago pa lang ako dito nun at kaka-start pa lang sa new company ko so pasok ng maaga tapos late na ang uwi. So bagong bansa, bagong company matinding adjustment.

So pagod lagi so weekend lang pahinga ko. One time medyo napahaba ang tulog ko mga 2pm na siguro nun ng maalimpungatan ako na may nagtatalonh lalaki at babae pero di ko maintindihan kasi indian ung accent (ung tipong bumubula ang bibig magsalita) tapos hindi english.

So nang naalimpungatan ako akala ko sa katabing unit may nag-aaway. Pero pagdilat ko (padapa ako kung matulog at takot na akong matulog ng patihaya dahil sa OBE ng high school ako) at medyo bumalik ung ulirat ko at hinahanap ng tenga ko un ingay wala naman akong nadidinig. So inisip ko nun baka huminto na un away so ilang minuto din ako sa ganung pwesto kumbaga nagpapainin ng antok. Since inaantok pa ako unti-unti ulit akong nakatulog then kinilabutan ako at napaupo sa kama kasi dinig na dinig ko na sinisigawan ako sa tenga ng boses lalaking indian!

Natakot ako pero nung bumalik un wisyo ko nagmura ako ng "f*ck you! Both of you! Get out!" Sabi kasi sakin ng bayaw ko sigawan daw if istorbo ung mga ganung sitwasyon. So lagi kong ginagawa un, maski nung mangyari din sakin ito ng tumira ako sa Dau, Pampanga.

Ito na kasi ung pinaka-worst na na-experience ko ung magising ako sa gitna ng pagtulog dahil may mga nag-uusap sa paligid at pagdilat ko. NADA!

------

Another experience that happened while I am sleeping.

Since dito sa bansang tinitirahan namin ay meron silang season ng Ghost Month (August) kung saan nag-aalay sila the whole month ng food para sa mga hungry ghost.

Since kami naman eh pinoy at practice natin is November 1. Hindi namin pinapansin ng mga kapwa pinoy yung practice nila.

Pero last year habang malapit ng matapos ang August at natutulog ako sa room naramdaman ko na may humihigit/humahatak ng right toe ko at sabi niya in tagalog pa "Uy! Mag-alay naman kayo para sakin!" saktong pagkasabi niya ng line na yan nagising ako at ang pagkakagising ko eh ung kanang paa ko eh nakalawit sa kama. So that instance lumabas kami ni misis bumili ng food at kandila nilagay namin sa tabi ng mga ibang alay ng kapitbahay. Nagdasal ng konti then after nun hindi naman na ako inistorbo.

BUT WAIT.

This incident happened naman ng papaalis na kami sa house na un at nagtalo kami ni misis kasi sobrang pagod ako nun galing work siya naman umandar ung pagka-manic niya na sa dis oras ng madaling araw gustong ituloy un pag-e-empake para sa umaga dire-diretso ang hakot. May point naman siya kasi marami pang ibabalot na gamit pero sobrang pagod na ako. nasabi ko na lang kung gusto mo sige gawin mo mag-isa.

So tampururot itong si misis nag-e-empake sa sala mag-isa ng mga gamit.

Ako naman sa room natutulog, ang hindi ko alam nakatulog din pala siya sa sofa habang nagbabalot.

Ito na.

While I am sleeping someone tapped my shoulder then said "Someone is staring at your wife!" medyo urgent ung pagkakasabi niya pati ung tapik so bigla akong nagising eh bukas ung pinto ng room so kita ko agad sa sofa un misis ko tulog nga.

Dali-dali akong tumayo at ginising ko misis ko at inalalayang makapasok sa room para matulog.

Honestly di ko na inaalam kung ano o sino ung nakatingin sa asawa ko or sino ung nanggising. Naghalo ang antok at takot. Nanalo ung antok!

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon