A/N : dagdagan ko siguro ito pag may nakita ako ulit na BPO story. for the meantime, ito nalang po muna. enjoy reading!
Shared by
This is my real ghost call story sa first BPO company ko na hanggang ngayon I can't still forget it!!! Travel Account!
So, sa kalagitnaan ng shift ko magla-lunch na ako, may nagpa-book sakin ng ticket for 5 paxs to take the latest flight for today. Ayun na nga success at completed na booking.
Kinabukasan nag DSAT ako at syempre TL ko pinakinggan feedback but there was none. So, my TL tried to check and listen our convo kung why DSAT;
Me: Thank you for calling ******** Airlines. This is Lito, how can I help you?
Pax: Parang sirang tape siya.
Me: Sure! Let me check our availability for today from SFO to ORD. Just give me a moment please.
Pax: parang sirang tape ulet.
So wala kami narinig sa kabilang line kundi parang sirang tape lang talaga gang matapos yung call.
Si TL, he checked the reservation, flight has flown but paxs did not board the flight. Only to find out the booking did not go through pala, di pala siya na confirmed. When we checked their names sa history baka may isa pa silang reservation, nakita namin duplicate reservation but different year, last year siya same date, same time and same paxs. Flight has flown but paxs did not board the flight. Eh ugali kong mag stalk ng name ng mga passengers sa FB tas only I found out na they died na pala last year while papunta sa airport, car accident. Nalaman ko through comments ng picture ng mga paxs dahil sa condolence comment.
Ganun ka creepy yung ghost call ko. Grabe panghihina ko nun at takot. 3 months after nag resign na ako para makalimot. This time, ayaw ko na mag calls nag back office na lang po ako.
Shared by Lirica
Nangyari to year 2013 sa isang BPO company na located sa loob ng mall.
First day of training, nagpa head count si Raf, yung core product trainer namin, and nagpaikot ng paper na pipirmahan for attendance, rinig na rinig kong 20 nagstop yung bilang. After lunch, dahil may group activity kami, nagpacount ng 1 and 2 si Raf. Nagtaka kaming lahat nang maging uneven yung hati, kulang kami ng isa. Napatingin si Raf sa attendance sheet na pinaikot niya kanina, 19 lang yung nakapirma. Kahit yung mga trainer na naki sit in sa amin habang introduction, 20 din ang bilang sa amin. Since halos lahat samin nanggaling na sa ibat-ibang bpo companies, nagkabiruan na lang na si Jun-jun nagpapapansin.
A few days later, may panibago na naman. May ka-waive kaming madalas magpaiwan sa loob ng training room kapag lunch, natutulog lang, tawagin nating Stu. Bawal pa kasing matulog sa sleeping quarters ang trainees, at dahil working student siya, pinagbibigyan ni Raf. One time, maaga kaming bumalik from lunch, nasilip namin sa salamin ng pinto na nakahiga siya sa ilalim ng isang computer table, nakadapa and nakaharap sa pader yung ulo, sure din naming siya yun dahil sa jacket at buhok niya. Dahil ""toot card"" lang ng trainer namin ang may access sa pinto, kinatok namin siya ng kinatok para mapagbuksan kami. Mga 10 minutes na nakalipas, badtrip na kami dahil hindi siya nagigising. Nagulat kami nung magdatingan yung iba pa naming ka-waive, puny*t* bes, andun si Stu! Kasama nila galing labas! Parang nanigas kami sa kinakatayuan namin nun habang nakalingon sa gawi nila. Sumingit sila sa pwesto namin sa harap ng pinto para silipin yung loob ng training room. Nagtataka silang tumingin sa amin at nagtanong kung bakit katok kami ng katok sa pinto e wala naman daw tao sa loob. P*tang ama bes. Nagwalling talaga kaming 5 magkakasama nun. Mangiyak ngiyak pa kaming nagsabi kay Raf kung anong nakita namin.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
TerrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)