Para!

120 7 0
                                    


Shared by : smooth_76

I want to share mine:
This story happened when I was still a student. Nag-aaral ako noon sa Baguio and semestral lang kung umuwi ako sa probinsya namin and usually one week lang ang bakasyon then balik Baguio na naman.

My ghost story happened noong pabalik na ako ng Baguio, sa amin kasi, (anyway, Cagayan ang province namin) pwedeng sa Tuguegarao ka sasakay ng papuntang Baguio or pwede ring sa Laoag, Ilocos Norte. It so happened na kasama ko yung kapatid ko na pabalik ng Baguio kaya napagkasunduan naming via Ilocos na lang kami. So we boarded the Philippine Rabbit na papuntang Baguio. Noong una, wala namang kaduda-duda sa sasakyan kasi half full yung bus noong umalis ng Laoag City. Then pagdating namin ng Vigan, siguro nasa sampu na lang kaming pasahero. Ang ginawa ng ibang pasahero sa likod ng bus, nagsipuntahan na sa may bandang harap kaya wala ng taong natira sa may bandang likod. Mga 2/3 rows lang ang occupied ng mga passengers sa may bandang harap and that time mga 11PM na kaya medyo inaantok na kaming mga pasahero. Pagdating namin sa La Union, dun na nag-umpisa. Dahil sa antok siguro, hindi namin napapansin na laging may pumapara sa may bandang likod. (Yung pagpara na kinakatok ang bubong ng sasakyan para huminto ang bus.) Halos bawat barangay na madaanan e may kumakatok at humuhinto ang bus kaya ako'y nayayamot nun. Ako kasi hindi makatulog sa bus kapag laging humihinto kaya nawala yung antok ko at imbes na matulog na lang, nakatingin na lang ako sa dinadaanan namin. Ang pumapara sa may bandang likod ay tuloy pa rin pero di ko lang pinapansin. (Anyway, ordinary bus lang ang sinakyan namin nun. Yung mga bus na dalawa ang pintuan, isa sa may bandang harap at isa sa may bandang gitna ng bus kaya di ko pinapansin yung pumapara.) Napansin ko lang na sa bawat madaanan naming sementeryo saka pumapara yung nasa likod. Pagdating namin ng San Fernando, La Union, sa may pinakamalaking sementeryo pumara na naman at hindi na lang katok ang ginawa nya kundi sumigaw na para bang nagmamadaling bumaba kaya pati mga natutulog na ibang pasahero ay nagising at napatingin sa likod. Pagtingin namin sa likod wala namang tao pero patuloy pa rin ang pagkatok at pagsasalita. Saka lang natigil yun noong hininto ng driver ang sasakyan at sinabing "Sige, bumaba ka na." Magmula sa lugar na yon hanggang Baguio ay wala ng pumapara. Alam na pala ng driver at conductor na merong nagmumulto sa sasakyan na yon at ayon sa kwento nila, isa daw yun sa mga biktima ng hit and run.

Pag naaalala ko ito, kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon. Siguro mga 8 years na ang nakakalipas.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon