Maling Ruta

145 3 0
                                    


Nung college na ako, nagsimulang magtanong at mapaisip sa mga kung anu-anong bagay na nakikita at nararamdaman ko.

Nag-aral ako ng college sa UPLB sa Laguna. 1st year pa lang ako sinampolan na agad akong paglaruan ng mga di nakikita.

Minsan after class inaya ako nung classmate ko (na eventually ay naging super close and sissy ko pa sa organization) na magsimba sa chapel ng St. Therese sa loob ng campus kasama ung isa pang classmate namin.

5pm yata yung mass at ang tapos ay 6pm. pagkalabas ng simbahan diretso uwi na kami. dahil magkakaiba kami ng dorm, naghiwa-hiwalay na kami pagkatapos.

Bago ako sa lugar kaya akala ko iisa lang ang ruta ng lahat ng jeep.
di ko na tiningnan ung sign board nung jeep na nakaparada.
sumakay ako ng jeep pauwi ng dorm. nagbayad sa driver at sinabi ang destinasyon. isa na lang pala ung bakante kaya pagsakay ko umalis agad. after 3 minutes napansin ko iba ung daanan. kaya pumara ako agad sa jeep sa takot na baka lalong mapalayo at kung saan pa mapunta lalo't pagabi na. maling ruta pala ung nasakyan ko. pagbaba ko ng jeep lakad takbo ako pabalik papunta sa main road. takot na takot kasi ako lalo madilim ang lugar at puro nagtatayugan at malalaking puno ang mga nasa paligid. 3 minutes lang yung tinakbo ng jeep at hindi naman ganon kabilis ang takbo kaya nakakapagtaka na ang tagal kong marating ang main road. parang ang layo na ng tinakbo ko pero hindi ko pa din makita ung kalye na dinadaanan ng mga sasakyan na papuntang dorm.

Sa sobrang taranta ko eh nabitawan ko pa ung wallet ko at sumabog ang lahat ng laman sa kalye. pinulot ko pa un at saka nagtatakbo ulit. takot na takot na ko at tagaktak na ng sobra ang pawis. mangiyak-ngiyak na ko habang nagdadasal. after a few more minutes, narating ko na rin yung main road. pumara agad ako ng jeep at nagbayad sa driver matapos sabihin ang destinasyon ko. nawi-weird-uhan siguro sakin ung mga tao kasi lahat sila nakatingin sakin. mangiyak-ngiyak pa rin kasi ako, tagaktak ang pawis at nanginginig sa takot.

Pagdating ng dorm, gulat na gulat ung mga roommates ko. hingal na hingal ako at namumutla sa takot.
diretso agad ako sa kama ko at umiyak ng umiyak. tinanong nila ako kung saan ako galing, anong nangyari sakin at bakit ginabi na ko ng sobra. nagtaka ako. tinanong ko sila kung anong oras na ba. pasado alas nuwebe na pala ng gabi!

Imagine, inabot ako ng mahigit dalawang oras sa pagtakbo!
kinuwento ko sa kanila ung nangyari at sinabi nila na hindi malayo yung lugar na narating ko. wala pa daw 10 minutes yun kung lalakarin, what more pag tinakbo. pero bakit ako inabot ng mahigit dalawang oras?
dun namin napagtanto na napaglaruan ako nung araw na un.

Pag-uwi ko sa bahay namin kina-weekend-an, kinuwento ko kay mama ung nangyari. tas kinuwento nya rin sa ninang ko na may anak din na nag-aaral doon. sabi ni ninang napagkatuwaan nga daw ako. ganun daw usually ung nangyayari sa mga bago sa lugar. ganun din daw ang nangyari sa kinakapatid kong doon din nag-aral.

- Shared by jeannie01

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon