Complied Stories 21

39 0 0
                                    


Psychiatric Ward : Mezzanine
Shared by Ira


Hindi pa ako nakakakita ng multo pero nakaramdam na ako. Noong ginagawa ko ang psychiatry rotation nung internship ko, mag-isa lang ako noon kasama ang isang resident. Mga bandang 3AM, nasa call room ako, located sya sa mezzanine at psych ward. Nang bigla akong makarinig ng malalakas na yabag ng paa paakyat sa mezzanine at para itong naglalakad pabalik-balik sa labas ng pinto kung nasaan ako.


Hindi ko ito pinansin pero ang naririnig kong mga yabag ay pababa na ngayon. Tapos non ay narinig ko na naman itong paakyat, tapos pababa, nangyari ito mga tatlong beses. Yung pangatlong beses na narinig ko itong paakyat, napikon na ako kasi may tinatapos ako noon na census. Inisip ko pa nga baka ito yung resident-on-duty kaya tinawag ko "Doctor, ikaw po ba yan?", walang tugon. Kaya ginawa ko lumabas ako ng kwarto and in-explore ko ang buong mezzanine area pero wala namang tao doon. Kaya ang ginawa ko bumaba ako sa main wards at tinanong ang guard-on-duty doon kung umakyat ba ang resident sa taas. Tumingin sa akin ang guard at sinabi niya "Sorry Docktora, wala namang umaakyat sa call room nyo kanina pang 10PM eh. Kayo lang po ang huling pumasok. Si Doctor nauna pa sa iyong bumalik sa kwarto nya."


Kaya ang ginawa ko nalang ay nag-check ako kung may psychiatric patient bang nakalabas pero lahat ng patients ay present naman. Doon na ako kinabahan pati nga mga nurses doon ay pinag-uusapan na ang narinig ko. Sa wakas nilisan ko na ang area na yon at nakiusap sa orthopedics department na kung pwede nila akong patulugin sa call room nila. Tapos ayon, hindi ako ulit bumalik sa psychiatric department's mezzanine ng mag-isa.


Ghost with socks and more...

Shared by Ada

Hindi ako naniniwala sa multo pero hindi natin maikakaila na nag-e-exist sila. Naniniwala ako na masama silang espiritu.

Yung mga kaibigan ng kuya ko nakakita ng multo sa loob ng bahay namin 2 years ago. Sabi nila nakalutang daw from our hallway to the living room at nakakagulat na yung multong nakita nila ay nakasuot ng medyas. Ang nakakatawa lang kami kasi ng pamilya ko ay naninirahan sa bahay na yon ng mahigit 9 years at hindi pa namin nakikita si "medyas" (ang tawag namin sa house ghost).


Eto pa, ang kaibigan ng kuya ko at ang gf nya ay nakakita ng headless female sa bakuran ng kapitbahay namin. Kasama nila ang kuya ko nung time na makita nila yon, itinuturo pa nga sa kanya yung headless female pero si kuya wala namang nakikita.May isa pang incident na may babaeng lumitaw sa rearview mirror sa kotse ng kaibigan ko nung time na paalis na sya sa bahay namin. Yung multo nakaupo sa backseat ng kotse. Well siguro sanay na rin syang makakita ng multo kaya hindi na sya natakot. Yung multo naman daw ay nawala nung mapadaan na sila sa kapitbahay namin na may tree house na ayon sa mga sabi-sabi ay pinamamahayan daw ng mga white lady (na nakita na ng mga kaibigan ng kuya pero kami ay hindi pa).


Ang creepy diba? Nakatira kami sa neighborhood na puro puno na halos magmukha ng forest. Medyo nakakatakot lalo na sa gabi dahil magkakalayo ang mga streets at tahimik pa. Hindi na ako magtataka kung palaging ipipilit ng mga kaibigan ko na samahan sila ng iba pa naming kaibigan kapag ibababa nila ako sa amin.Wala namang dapat ikatakot lalo na kung may sapat kang pananampalataya sa maykapal.


Comm Dept Bldg

Shared by NoisyCricket

Nakaupo ako sa sahig ng Comm Dept Bldg. Sa unang pagpasok mo sa bldg, may makikita kang film studio sa kaliwa. Ang kwarto sa harapan mo ay ang main lobby na may mga VHS tapes na nasa kaliwa nito. Ang pinto naman na nasa kanan mo ay magdadala sayo pababa sa madilim na corridor ng actual offices.

Sa unang pagpasok mo sa pinto sa kanan may makikita kang waiting room, madilim doon. May 2 upuan, isa sa kaliwa at kanan, sa gitna naman ay ang sofa.Nakaupo ako sa sahig katabi ng upuan sa kaliwa, sa madilim na kwarto, mag-isa lang at busy sa paperworks.


Nakatingin ako diretso sa sahig nang bigla kong mapansin ang isang pares ng itim na sapatos, itim na trench coat at itim na slacks, nakatayo sa harap ko mismo.Nung tumingala ako para alamin kung sino yon, bigla naman siyang nawala.


Sabi nila ang Comm Dept Bldg daw ay dating Jesuit Cemetery.

Ghosts in Ozone Fire

Shared by husky150

My housemate is a journalist, and one time she was assigned to do a ghost story. She asked me to tag along when she decided to do a story with the Spirit Questors. It was the anniversary of the Ozone fire, and the Questors were going to the site to see if any of the dead kids' spirits were still there. Out of ghoulish curiosity, I agreed. Kala ko adventure, eh.


It was creepy to see the mangled steel beams and the debris lying around what was left of Ozone. Meron pa ngang mga scattered shoes, burnt items of clothing, and other assorted detritus. We split up into about four groups, formed a circle, and the Questors started making contact with the spirits. The strange thing was, when our group leader asked the spirit to give us a sign, pebbles started raining on the roof. 


At any rate, I joined two different groups that night, and mas creepy yung next group kasi the leader channeled an angry spirit. Not one of the Ozone kids, but a man who had been murdered at the spot years earlier and who was still very very angry at his murderers. As in nanginginig siya sa galit. Takot ko nga baka bigla na lang manlisik yung mata nung leader at pagtatatagain na lang kami. But he was able to persuade the spirit to let go of his anger and "go towards the light".


The story doesn't end there, though.


Once we were back outside, it was only then that the Questors said that "Oh, by the way, some spirits might take a fancy to you and follow you home. So to play safe, burn some paper at your doorstep then cross over the flame so they can't go in. And then take a bath with water and salt before going to sleep." I swear, I almost slugged them right there and then - kung kelan tapos ang session, dun sila magbibigay ng babala.


At any rate, my friend and I decided to have a drink before going home, but in the cab going to Makati, she kept getting this uneasy feeling that someone was looking over her shoulder. Now this is a girl who's not easily given to flights of fancy, so I started freaking out. Once we were in the bar, the moment we sat down an entire row of bottles behind the bartender just suddenly crashed to the floor. My friend and I looked at each other .


Buti na lang, Venezia was packed that night, and we figured that the spirit - if one did follow us from Ozone, would've gotten lost in the crowd. Anyway, I was freaking at home for a couple of nights after that, and promised myself I'd never go ghost hunting again.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon