The Story of the Twin Sisters

140 3 0
                                    

Shared by : not specified

A/N : basahin na lamang po ang mismong istorya at iwasan ang latin spell. pero kung matapang ka... read at your own risk! :)

***********************************

This is the story of my twin classmates in Cavite State University. They are Martha and Maria. Martha gave me the permission and opportunity to put their story into texts. This story was made in honor of my late classmate, Maria. What you are about to read was told in Martha's point of view.

"Ano ka ba, pag ang letter 'V' ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang pa-letter 'U' at kapag ito naman ay nasa pagitan ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang pa-letter 'V'" ani Maria.

MORITVM TE SALVTAMVS
EST DEXTRVMI CVRITE
AVE VERSVS CRISTVS
VERVM DE TREVI

VERMI EST REFLEXVM
ARVM DRI TRIPVM
DEXTRVMI LENTENVM
AVE SATANI

Eto lamang ang huling alaala ng kakambal kong si Maria bago siya namatay.

September 12, 2002. Tandang-tanda ko ang araw na ito. Ito ang sumunod na araw matapos bombahin ng mga terorista ang twin tower sa US. Ito rin ang araw kung saan ko huling nakasama pauwi ng bahay ang kakambal kong si Maria.

Mga bandang alas-kwatro y medya na ng hapon. Nakasakay kami ng kambal kong si Maria ng bus pauwing Cavite City ng may nakita siyang isang lumang wallet ng lalaki sa lapag ng inuupuan naming bus. Medyo luma na ang wallet na ito, kulay itim at medyo laspag na. May isang litrato sa loob. Tama kami ng hinala, lalaki nga ang may-ari ng wallet. Medyo may kalumaan na ang litrato. Malutong na ang papel at black and white or should I say brown and white pa ang kulay ng litrato. Bukod sa litrato ay mayroon ding mga nakaipit na tarheta (calling cards), papel na may sulat, reseta ng doktor, mga tickets sa bus at P78.

Wala naman talaga akong habol sa wallet maliban sa P78. Gusto ko sana ay paghatian naming magkapatid yung pera, pambili kahit man lamang ng burger. Ngunit iba si Maria. Sa aming magkapatid masasabi ko talagang mabait siya ng higit kaysa sa akin. Gusto niyang isauli namin ang wallet sa may-ari dahil baka mahalaga raw ito sa kanya dahil nga may resetang nakaipit sa loob. Noong mga oras na iyon gusto niyang ibigay na lamang sa driver ng bus ang wallet. Kaya naman agad-agad akong nag-isip ng paraan upang huwag na niyang magawa ang binabalak niyang pagsauli ng wallet sa driver.

"Para!"

Kahit mga dalawang kanto pa ang layo ng bababaan namin ni Maria ay pinahinto ko na ang bus. Dahil sa hindi pa handa sa pagbaba ay nataranta si Maria dali-daling inayos ang mga bitbit niyang gamit at bumunot ng pamasahe namin sabay bayad sa driver.

"Eto pong bayad, dalawa galing Tanza."

Matapos magbayad at masuklian ay bumaba na rin siya.

"Ano ka ba Martha, dalawang kanto pa ang layo ng bahay natin dito sa pinagparahan mo."

Biglang bumalik sa akin ang sisi. Medyo may kalayuan nga talaga ang pinagparahan ko ng bus. Medyo naiinis na natatawa sa akin si Maria, galing kasi kami sa dorm noon at marami kaming dalang maruruming damit kaya naman may kahirapan nga talaga ang maglakad ng malayo.

"Tricycle!"

Lumapit ang tricycle. Una akong sumakay at sumunod naman si Maria.

"Sa Novero po."

"Ano ka ba Martha, kulang na ang pera natin pang-tricycle."

"Diba may napulot kang wallet?, Eh di yung pera muna dun ang gamitin nating pambayad sa tricycle. Palitan nalang natin paghumingi tayo ng pera kina mama."

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon