Na-Twilight Zone

115 5 0
                                    


Shared by : jctheman

My college days.

Nagkayayaan kaming magkakabarkada na maglakwatsa gamit yung owner type jeep na kung tawagin namin ay getaway vehicle namin at minsan naman "to the bat mobile" (bakit bat mobile? kapanahunan na kasi ng kopong-kopong yung owner type jeep na pinamana pa sa kanya ng lolo nya).

Ang naging balak namin mall hopping, 4 lang naman kami. At kung saan-saan na kami nakapunta within Metro Manila Malls lang. Tapos naisip nung isa naming kabarkada kamustahin namin yung GF nyang buntis at may nangyayari sa kanilang hindi maganda sa relasyon kaya dinagdag namin sa lakad namin. Then unusual thing appear sa road to Makati, (sorry di ko na maalala yung lugar at yung name ng road basta hindi dun sa business center) ang saya-saya namin nun biglang may tumawid na pusang itim. Eh di parang nag-trip lang din kami na malas yun pero we never mind that so tuloy muna kami sa huling destination sa "Pasay para manood ng pyro olympics". Tapos naging next destination namin na yung bahay ng GF ng kabarkada namin.

Dito na nag-umpisa yung tinatawag kong na-twilight zone kami (mga pips hindi yung kumikinang na mga bampira ha. yung palabas dati sa TV na nakakatakot din alam 'to ng mga ka-age ko).

Nakatira yung GF nya sa Marikina Fortune. Tinahak namin yung Aurora Road papuntang Marikina. Pag-akyat namin ng fly over (yung Barangka) "siyet!" sabi namin, brownout yung Marikina. First time namin na nakitang brownout sa Marikina at konti lang yung mga namamasadang mga jeep at mga kotseng nakikita namin. Ok tuloy-tuloy lang ang biyahe namin. tapos nung nasa part na kami ng crossing (sorry again pero nakalimutan ko tawag dun sa road na yun basta dinadaanan sya ng Philstress, Palengke yun eh na malapit na mag-Fortune). Nakita namin dun, as in nasa gitna pa ng crossing road na yun may naaksidenteng tricycle driver nataga ng itak tapos tumatagas pa yung dugo kumbaga fresh kill pa eh di tingin kaming apat habang umaandar yung sinasakyan namin. Tapos yung driver namin peste, basta yung road na pa up-hill na rin yung dinadaanan namin tumingin sya dun sa parang gubat sa right side siyet nakakita sya ng unknown form hindi tao hindi rin hayop talaga (may psychic intuition kasi) sabi namin "mamaya mo na nga ilabas pagiging Professor X mo!"

While in the road alam nyo pa yung may matching fog pa, kaya parang kinikilabutan na rin kami dahil naalala pa namin yung:
1. Pusang itim
2. Marikina City blackout
3. at yung pagiging Professor X nung isa

Tapos napansin namin kami lang yung bumibyahe papuntang dulo ng marikina wala kaming kasabay which is dapat meron diba?

Andun na kami sa Fortune. Pagpasok namin dun, alam nyo yung mga tao natatakot di namin alam kung bakit, tapos may nakasalubong kaming tambay 2 lang sila napagkamalan kaming pulis. Kasi nga dala namin owner type jeep tapos yung iba samin naka-black na damit like me, kaya nasabi nila nung dumadaan kami "uy mga pulis with matching fear with their speech". After nun nakarating na kami sa bahay ng GF nung kabarkada namin. Konting usap nila tapos umalis na kami. After pag-alis namin sa bahay ng GF nya nagka-ilaw na.

Nung nagka-ilaw, alam nyo yung feeling normal na ulit tapos biglang nawala yung insidente dun sa tricycle driver na which is 15mins lang ang tinagal namin sa bahay ng GF nun. After ng mga nangyari samin tinawanan na lang namin at nasabi ko na lang "na-Twilight Zone tayo."

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon