Renz Death

115 3 0
                                    


Are ghosts real? Do spirits exist? Do you believe that they can hurt humans? If not, take a time to read this.

A close friend of mine (Jason) told me a horrible story a couple of years ago. It was about the death of his best friend. The death of Renz.

This is a true story.

Renz is one of the members ng band nina Jason. Mabait, walang bisyo, walang kaaway, pero Jason told me na hindi sya maka-Diyos. Isang gabi, napagpasyahan nila na gumala. Kung saan-saan sila pumunta. Hanggang sa narating nila ang Isang abandondong bahay somewhere in Batangas. (halata sa itsura ng bahay na walang nakatira) Napansin nila sa gate na may nakalagay na "Bawal Pumasok." As usual dahil sa curiosity nila, lalo na si Jason, eh pumasok sila sa loob nito kahit bawal. Pagpasok nila wala naman silang naramdaman na kakaiba. It's just a normal house for them. Pero si Renz daw hindi mapakali. Maybe dahil sa matatakutin daw ito. Nilibot nila ang buong bahay. Mula first floor hanggang sa second floor. At habang naglilibot, napansin ni Jason na hindi na nila kasama si Renz. Hinanap nila ito, sigaw sila ng sigaw. Hanggang sa may nakita silang pumasok sa Isang kwarto sa dulo. Kinabahan si Lloyd. Si Jason naman hindi pinansin ang kaba na nararamdaman. Lumakad papalapit sa kwarto ang dalawa para tingnan kung si Renz ba iyon o hindi. Pagpasok nila nakita nilang nakatayo ito sa may bintana. Nakatalikod ito sa kanila kaya hindi nila makita ang mukha. Iba ang kulay ng damit nito, kulay puti. Naalala nya na naka-asul si Renz. Hindi na nya napigilan ang kaba sa dibdib. Tumingin sya kay Lloyd at sinenyasan ito na tumakbo na. Ngunit bago pa sila makatakbo palabas ng kwartong iyon ay biglang nagsalita ang lalaking nakatayo sa tabi ng bintana. Natakot sila sa sinabi nito na naging dahilan ng pagkaripas nila ng takbo. Pagkarating nila sa sasakyan ay nakita nila sa loob si Renz at hindi ito nag-iisa dahil sa passenger seat ay may nakaupong tao. Natakot sila. Pumikit sila at nagdasal. Nawala ito.

Habang nasa biyahe tahimik silang lahat. Nagkatinginan si Jason at Lloyd. Tumingin sila kay Renz. Napansin naman ni Renz na nakatitig sa kanya ang dalawa. Inihinto nya ang sasakyan. At hinarap ang dalawang kaibigan. Tinanong ng dalawa kung bakit bigla na lang nawala si Renz kanina. Nung una ayaw pa magsalita ni Renz pero kinulit pa rin sya ng dalawa. Hanggang sa umamin na ito. Sabi nya may nakita daw syang mga bata na bumaba ng hagdan kaya sinundan nya ito. Ngunit bigla daw nawala ang mga ito. Tapos nakakita sya ng lalaking masama ang tingin sa kanya kaya lumabas na lang daw sya at pumasok sa loob ng sasakyan. Napaisip naman Sina Jason at Lloyd. Marahil yung nakita nila at ni Renz na lalaki ay iisa. Naalala naman ni Lloyd ang sinabi sa kanila nung lalaki.

Hindi nila sinabi kay Renz ang nangyari sa kanila. Ayaw nilang mag-alala ito. Buong byahe tahimik silang tatlo hanggang sa makauwi. Unang hinatid ni Renz ay si Lloyd. At huli si Jason. Inalok ni Jason na sa kanilang bahay na lang matulog si Renz ngunit hindi ito pumayag. Wala nang nagawa si Jason kaya hinayaan na lang nya ito. Subalit bago makaalis ang sasakyan, tumigil muna ito at sumilip si Renz sa bintana ng kotse at sinabing "Bro, astig talaga kayo ni Lloyd. I'm so lucky to have you guys as my best friends" pagkasabi nya nun pinaandar na nito ang sasakyan. Hindi agad nakapasok ng bahay si Jason. Nagulat daw sya sa ginawa ni Renz. Oo Mabait ito pero hindi ito sweet/masalita na tao. Napangiti na lang si Jason at pumasok ng bahay.

At exactly 1am, biglang tumunog ang cellphone nya. Tumatawag si Lloyd. Sinagot nya ito. Nagulat sya kasi umiiyak ito. At mas nagulat pa sya sa sinabi nito. "Bro tumawag si tita Jenny nasa ospital daw sila ni tito, naaksidente daw si Renz. Bro wala na sya. Wala na ang kaibigan natin" at patuloy itong umiiyak.

Hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Lloyd. Kasama pa nila kanina si Renz ilang oras pa lang ang nkakaraan. Lumabas sya ng bahay. Pupunta sya sa ospital na sinabi ni Lloyd. Subalit pagbukas nya ng pintuan, nakita nya mismo sa harap nya si Renz. Nakangiti ito sa kanya. Hindi na nya napigilan umiyak. Iyak lang sya ng Iyak.

Naalala nya ang sinabi nung nakita nilang lalaki sa abandonadong bahay.
"Papatayin ko ang kaibigan nyo!".

Matt

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon