Premonition

116 5 0
                                    

Shared by : Aphrodite_xp

Guyz, do you believe in premonition? What's your opinion towards it?
I'm skeptic about it, pero how should we explain this incident?.

Nangyari ito sa family side ng wife ko 11 months ago. Bale naikwento na lang sa akin kasi di ako personally naka-attend ng funeral ng bro niya. Pero, solid na solid yung dating ng kuwento, yung mother niya and his bro's wife has the same version. as in parang isang movie.

It was November last year, when my wife received a phone call from her province (in Capiz). Nagulat ako kasi para siyang binuhusan ng malamig na tubig. She was speechless and biglang nanghina, at napa-upo. Mother nya pala yung tumawag, to inform her about the death of her brother. Both of us were shocked by the news, knowing her brother is as healthy as a cow. Bakit bigla na lang namatay?.

Days before the incident, my wife is often dreaming that her teeth has been uprooted. Mga 5 times yata sya nanaginip ng ganun. Binalewala lang namin, although we have heard from old stories na masama daw yung ganun, pahiwatig na one of the immediate family members is dying.

It was 7:30 in the morning, and her mother is about to attend an interment. Napansin ng mother niya yung bro niya na sobrang lungkot daw, as in parang masyadong malalim ang iniisip and that di daw maintindihan ang kilos. Di nakatiis yung mother niya and tinanong niya if something has happened. Kung meron daw ba masamang nararamdaman yung bro niya. Imbes na sumagot, bigla daw umiwas yung bro niya sabay sabi. "Ma, si lola kasi, sinusundo na ako. Nandiyan sa tabi mo, ayan kumakaway sa akin." BTW, yung lola niya ay patay na about 2 years ago. Nagalit daw yung mother nya sa bro niya at sinabi "Doy, wag ka magbibiro ng ganyan! Di nakakatuwa yan". Sinabi ng bro nya, "Totoo 'Ma, ayan siya sa tabi mo, kagabi pa nga nya sinasabi sa akin na sasama na daw ako sa kanya!"

Kinabahan din mother niya, pero iniwas na lang ang usapan. Tinawag yung asawa ng bro niya, sabay sabi: "Kausapin mo nga yang si Dodoy, kasi di nakakatuwa yung mga pinagsasasabi". Sabi ng kanyang asawa, "Ako nga rin Mama nagtataka kasi ibinilin niya sa akin yung polo daw niya plantsahin ko kasi isusuot niya daw. Yun daw ipasuot sa kanya, di naman niya sinasabi kung saan siya pupunta. Pinapagalitan ko nga Mama, kasi di magandang biro yung mga sinasabi niya. Pati nga yung baby namin, ako na daw ang bahala, as in aalagaan ko daw palagi. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya." (BTW, yung asawa niya pala ay buntis, a week after the incident, nanganak siya ng first baby nila).

Sinabi ng mother niya lahat sa tatay nila yung nangyari, at dahil din sa parang nahuhulaan na ng kanyang tatay yung mga pahiwatig ng anak, kinausap niya ito ng masinsinan. Ngumiti lang daw bro niya sabay sabi, " Yung mga kalapati ko 'Tay, aalagaan mo saka palagi mong papakainin ha?"--sabay talikod.

After that, parang wala naman nang nangyari. As usual balik sa dati yung ordinaryong araw nila. Nakalimutan na sana nila yung mga nangyari ng umagang iyon, hanggang sa mangyari ang di nila inaasahan.

2:00 pm, sinita ng kanyang bro yung kanyang pamangkin, dahil daw sa um-absent na naman at palaging tinutukso ng kanyang mga pinsan. Sinagot naman ng kanyang pamangkin, dahilan para magalit yung kanyang kapatid. Dahil sa galit, biglang piningot daw sa tenga ang pamangkin niya sabay 'kinutusan' daw sa ulo. Nakita ngayon ng older bro niya (tatay nung pamangkin) ang ginawa ng bro niya at sinaway yung tiyuhin (yung namatay). Sinabihan lang daw na wag babatukan sa ulo kasi masama daw yun sa bata at wag daw ganun sa pagdidisiplina sa pamangkin.

Dun na nagsimula yung sagutan ng dalawa niyang kapatid na lalaki. Hanggang sa talagang nagalit na ng husto pareho at mukhang mag-aaway na. Nakita ng kanilang tatay at biglang pumagitna sabay sabi sa nakababatang kapatid "Wag mong lalabanan yang kuya mo kundi lagot ka sa akin!" Di nila akalain yung susunod na mangyayari, bigla na lang hinimatay yung nakababatang kapatid nya. sinubukan nilang dalhin sa pinakamalapit na ospital pero, wala na daw magagawa. Patay na kapatid niya, at noon lang nila nalaman, meron pala itong sakit sa puso at di nakayanan yung unang atake sa kanya.

Saka nila ulit naalala yung mga nangyari ng umaga ng araw na 'yon.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon