Jeepney Driver

183 3 0
                                        


Shared by : anne76

Here's another one na first hand experience naman ng father ko.

My father used to drive a jeepney nung araw, byaheng Baclaran -Paliparan, Cavite. It was during those times na nire-relocate yung mga illegal settlers sa may reclamation area sa Pasay. It was around 10pm-11pm when it happened. 5 na lang daw yung pasahero nya and mga tulog pa. Along the stretch of the highway na medyo madilim. Di ko matandaan exactly kung ano name nung highway papuntang Paliparan. Actually, pinapag-ingat din nga yung mga drivers dun kasi dun madalas yung mga holdap-an. That night, may nakita syang babae na pumapara malayo pa lang, Di raw nya maaninag ang mukha basta't babaeng napara. So tinigilan naman daw nya, pero walang sumakay. Wala na rin daw syang nakitang babae. So dumiretso na uli sya ng takbo at di na pinansin.

After a while, he heard na may pumara, boses babae. So nag-stop naman daw sya, tapos tingin sya sa rearview mirror ng jeep, wala namang bumaba. Pero naramdaman daw niya na gumaan yung sasakyan, yung parang may bumaba. Kinilabutan na daw sya pero di na sya nagpahalata at nagdiretso na sya sa terminal ng Paliparan. Pagdating nya dun, nakwento nya sa mga drivers dun and pinayuhan sya na next time it happens again, yung di mo makita yung mukha pero may katawan naman, businahan na lang daw parang nagpapa-tabi-tabi po.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon