Doppelganger Stories

271 3 0
                                    


Doppelganger ni Teacher
Shared by Doomed365

I would like to share my experience with a doppelganger in high school.

We were 4th year students then, and during that time our section was the only section occupying a room on the 3rd floor and yung faculty room. Matagal ng nabakante yung floor na yun kasi konti lang naman mga sections nung time na yon.

Magki-christmas na nun, so few of us stayed to decorate our room with our adviser. Natapos kami mga around 8pm. Pababa na kami when our adviser told a classmate na "Hintayin nyo na lang ako sa baba, may kukuhanin lang ako sa faculty." Katabi lang ng room namin yung faculty.

Dire-diretso lang kami, madilim na din yung corridor nun kasi nga late na, so nagkakatakutan pa kami. Until yung isang classmate ko lumingon and nakitang kasunod na namin yung adviser namin, so sabi niya, "Ma'am! Bilisan nyo na!" Pagbaba namin sa ground, nagtataka kami ba't nawala bigla yung adviser namin, eh kitang-kita namin lahat na kasunod namin siya, as in nasa likuran lang. Few minutes bumaba na siya, so tinanong namin ba't ang tagal niya eh kasunod na namin siya, sagot niya lang sa'min "Eh di ba sabi ko nga babalik akong faculty room?" So ayun, natakot na kami, kasi nga kung hindi si ma'am yung kasunod namin nun, sino yun?

Another classmate din namin claimed na nakita nya din yung doppelganger ng adviser namin na yun nung magpapasa siya ng assignment niya, nakita daw niyang nakatayo siya may corridor katapat lang ng faculty then pumasok sa loob. When that classmate got inside the faculty, walang tao sa loob.

Doppelganger kaya?
Shared by LastKraken

A few years back I was still living with my mom. It was late afternoon at ako lang ang nasa bahay. Everyone went out, my brother and sister were both out, my Mom I think went to the market. I was taking a nap. Matagal na akong natutulog, then naalimpungatan ako dahil dumating na si nanay. She always comes home in her usual manner (maingay kasi 'yon eh), she would greet the dog, and talk all the way inside (she would talk regardless if anyone is home). Then she would check each room (still talking) if anyone is home. Binuksan niya 'yung pinto ko so napadilat ako, medyo half shut 'yung mata ko kasi antok na antok pa ako. But I could see her clearly, may mga bitbit pa nga siya. She greeted me "Ikaw lang ba ang tao dito? May uwi akong pasalubong (pagkain)". I just groaned "Ako lang po. sige mamaya na.". Pamaya-maya parang nagutom ako, naisip ko kung ano kaya ang delicious na pagkain ang uwi ni nanay. Bangon tuloy ako, went directly to the kitchen looking for the food. Binuksan ko 'yung mga takip ng pagkain pero wala namang pasalubong under them kundi 'yun lang inulam ko earlier. Tapos I looked around, parang ako lang talaga ang tao sa bahay. I looked for my mom in the bathroom, on her room, on the terrace, sa labahan, wala talaga. Ako lang ang tao sa bahay. Habang nag-iisip ako biglang may pumarang tricycle sa harap ng bahay, tapos I can hear that familiar voice. It was my mom talking. She greeted the dog, unlocked the door and came talking all the way to the house. She greeted me, so I asked her where she went and where is the pasalubong. Baffled, she told me that she just came from the market and that she didn't bring home any pasalubong! But who was that who came in earlier? I told her the story and she insisted that she just came in and brought nothing home except the groceries.

I was not dreaming. There is someone who looked and sounds just like my mom that I saw and talked to earlier.

Ang matampuhing si Nanay
Shared by not specified

Hi Spookify readers! Just want to share another story with you guys. I think 3rd story ko na ito, so let's start.

It was year 2017, I used to work with Grab Ph. And if you can still remember nung panahon na nagsuspend si Uber? That was the time na naglipatan sila kay Grab. Most of the time 4am na kami nakakauwi nun sa sobrang OT.

Okay so here's the story, it was my Mom's birthday, hindi ako nakauwi to celebrate with her dahil OT sa work. So syempre hindi maaalis sa yung magtampo. I took a restday after her birthday and still nagtatampo pa rin sya.

Normal kay mama ang mag-siesta sa tanghali, but usually sa sala lang sya. Galing ako sa labas non, pagpasok ko ng kwarto nakahiga sya sa kama. That is so unusual, kasi mainit sa kwarto ko. Pero dedma na, humiga ako sa tabi nya and niyakap ko sya, nilambing ko pa kasi nagtatampo but she didn't respond. So sabi ko "malala tampo nito" and since napakainit sa kwarto, lumabas ako. As I opened my door, tears fall down on my face...

I saw my mom coming out of the bathroom and she asked, "sinong kausap mo sa kwarto?" I looked back inside my room but no one was there.

But then again, until now she's completely okay wala namang nangyaring hindi maganda after that.

Kwentong Doppelganger
Shared by gredsap

Pa-share din ako. Hindi ako naniniwala sa mga multo pero parang may nagpaparamdam sakin, hindi ko lang pinapansin kasi baka maniwala ako.

1st: This happens about 6 years ago. Yung bahay kasi namin nasa labas yung dirty kitchen, may pinto papasok sa sala tapos sa sala may pinto papunta sa living room pero tinanggal yung pintong kahoy at pinalitan ng kurtina. Nasa living room ako naglalaro ng PS1. Alam ko ako lang mag-isa ang gising nun mga 1am na yata pero nung may narinig akong kaluskos, napalingon ako sa may sala. Parang na-malikmata ako na nakita ko erpat ko kasi gumalaw yung kurtina. Ayun tinawag ko tapos sinundan ko, pagtingin ko wala. Ayun tuloy sa paglalaro ng PS1.

2nd: Kapanahunan ng thesis namin sa college about 2 years ago, nag-overnight kami ng groupmates ko sa house namin para gumawa ng documents. Iba na layout ng bahay namin kasi nagpa-renovate kami. Mga 12mn na nun, hindi kami natulog kasi deadline na kinabukasan. Nagpaalam mag-yosi sa labas ang isa kong groupmate na malakas ang pakiramdam sa multo. After ilang days, nagkwento sya sa gf ko na groupmate ko din na nakita daw nya ako na lumabas ng bahay at tinitigan ko lang daw sya tapos pumasok ulit ako sa loob. Nakwento naman sakin ng gf ko, sabi ko naman, hindi ako pumunta sa labas at nagdodota ako nun (ako kasi pinaka masipag samin).

3rd: Eto ang pinaka malala. Bandang tanghali 'to. Live-in na kasi kami ng gf ko, dito na sya nakatira sa bahay namin. Gumagawa ng pang cosplay kuya ko sa may gate namin kaya kita nya mga pumapasok at lumalabas. Umalis ako ng bahay para bumili ng chichirya. Tapos sinundan daw ako ng gf ko papuntang tindahan pero ako lang talaga lumabas ng bahay. Pag balik ko hindi naman ako pinansin ng kuya ko kaya diretso lang ako papasok sa loob at diretso sa pc ko. Tapos bumalik naman daw gf ko at nginitian kuya ko sabay pasok ng bahay. After ilang secs, binati ng gf ko na bagong ligo yung kuya ko sa labas (close kasi sila at parehong mahilig sa anime). Nagtaka ngayon ang kuya ko sabi nya and bilis daw maligo ng gf ko at kagagaling lang sa labas. Hindi naman talaga lumabas gf ko kasi naligo na sya bago pa ako umalis ng bahay at pagbalik ko hindi pa sya tapos nun.

Meron daw nakikita ang ermat ko na kapre sa puno ng mangga sa likod-bahay namin. Nabanggit lang sakin ng gf ko ito, hindi kasi kami nag-uusap ng ermat ko. Magkagalit kami mag-3 years na.

Doppelganger ni Nanay
Shared by requiemcaster

Here's my experience.

During my college days, 4th year to be exact. syempre thesis to the maxx kami. so merong time na umuuwi kami ng mga 2am-3am. one time dumating ako sa bahay ng mga 2am.
so badtrip na si inay kasi ang tagal ko daw. pagdating ko pinagbuksan ako ni inay ng gate. sabi niya sakin "ikaw na magkandado ha" then she gave the padlock and keys so e di pumasok na. I locked the gate and enter the house. pagpasok ko sa bahay nakita ko ang nanay ko na nakatalikod at nakatayo sa tapat ng cr. tpos maya-maya pumasok. nagsara ng pinto at nagbukas ng ilaw. so tumawag pa nga ako kasi ihing-ihi na din ako pero walang sumagot kaya pumunta muna ako ng sala. and to my shock I saw my mother watching TV. sabi ko "nay. ang bilis mo naman. tska san ka dumaan?" she replied "ha? kanina pa ko dito. ano ba pinagsasasabi mo?" sabi ko "eh nakita kita na pumasok sa cr. kinausap pa nga kita."
creepy. natakot kaming dalawa. di na namin ni-check yung cr baka kung ano pa iyon. natulog na lang kami.

Meron ding experience ang grandma ko sa doppelganger. nanay nya naman ang kinopya.

Madami pa akong kwento. sana gusto nyo pang makinig.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon