Shared by : einjhel_miguel
May mga narinig na akong kwento at may mga nakapagsabi na sa akin tungkol sa babaeng nagpapakita dito sa opisina bago ko pa siya unang maramdaman at makita.
Noon solo ko ang isang malaking space dito sa opisina.
Isang malaking opisina lang ang meron at walang mga cubicles na naghihiwalay sa bawat department. Ako lang kumbaga ang nakahiwalay at may sariling space/cubicle. Sa likuran ko ay may lamesa na may lumang electronic typewriter. At sabi nang nakararami ay doon siya sa likod ko madalas naglalagi lalo na at madalas tahimik sa lugar ko dahil nag-iisa ako at maaga ako kung umuwi at pinapatay ko na ang ilaw sa lugar ko bago ako umalis.Sa totoo lang hindi naman ako nag-aalala kung meron man laging nakatayo sa likod ko. Dahil hindi ko naman talaga siya nakikita pa noong mga panahong iyon.
Ngunit may mga tao nang nakakapansin sa kanya. At minsan nga nangyari ito sa oras na nakauwi na ako mula sa opisina.
-----
Minsan isang hapon, hindi pa naman nagdidilim nun at kakauwi ko pa lang at pinatay ko na ang ilaw sa lugar ko. Ang naiwan sa opisina ay yung EVP namin na Japanese, VP namin na Pinoy at isang Supervisor.
Narinig nilang tatlo na may umiiyak na babae. Nanggagaling sa lugar ko. Hindi nila makikita kung may tao dahil may harang na whiteboard as wall between sa lugar nila at lugar ko.
Dahil na-curious sila kung sino yung umiiyak tumayo yung EVP at VP namin para sundan yung iyak at tignan kung saan galing. Pumunta sila sa lugar ko pero wala silang nakita, huminto na rin ang pag-iyak. Nagkatinginan na lang sila at tumawa ng mahina dahil sa kaba. Alam na alam kasi nilang dalawa na totoong may narinig silang umiiyak at sa pwesto ko galing pero nakakapagtaka naman na wala silang nakitang tao.
-----
May kasamahan ako sa work na may third eye. At lagi niyang nakikita yung babae sa likuran ko. (dahil sa may area ko nga siya nakatambay) Ang pinagtataka ko bakit ako hindi ko siya nakikita (though I always block anything 'paranormal' every time na nakakaramdam ako nang kakaiba). Pero minsan sadya yatang napakakulit ng 'black lady' eh bigla ko na lang siyang naramdaman na nakatayo sa likod ko.
Sobrang kilabot ang naramdaman ko nung mga panahon na yun. (office hours nangyari 'to 7am-4pm) Ramdam ko talaga na nakatayo lahat ng balahibo ko sa likod at sa braso. At ramdam ko rin na nakatayo lang siya sa likod ko. Para mawala ang kaba at kilabot ko tumayo muna ako at naglakad-lakad pa-lobby. Pero nararamdaman ko pa rin na nakasunod lang siya. Balik ulit ako sa pwesto ko kinikilabutan pa rin ako. Nagdesisyon ako tumambay na lang muna sa CR. pagpasok ko sa CR sinalubong niya ako bigla sa ikalawang pinto. As in sumalubong siya na parang may tao kang makakabangga sa bilis ng paglalakad mo. Ang kaibahan lang ay hindi siya buo na parang sa tao. Para lang siyang anino o usok na itim na korteng babae. At sa pagsalubong niya at nagulat niya ako bigla na lang siyang nawala.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)