Entity ba talaga?

108 4 0
                                    

Shared by : iamsceptique

This happened sometime in January 2013, nearing 2:30 am.

Wala pa akong pinagkukwentuhan nito kahit na sino, lalo na sa ermats ko, otherwise 'di na ako papayagan no'ng lumabas. Isa pa, pilit kong kinukumbinsi yung sarili ko na baka pagod lang yung mata ko kaya may nabuong "entity" do'n sa harapan ko. But I'm writing it here, matapos yung mga sandali na 'yun hanggang sa pag-uwi ko sa bahay namin, naaalala ko yung creepy encounter na 'yon, and in some way, nag-silbi s'yang lesson at reminder na h'wag nang magpapagabi kung nakabisikleta lang at buksan ang front light sa mga madidilim na daanan.

Doon ako ipinanganak sa lugar na 'iyon, pero ni isa wala akong narinig na ghost story do'n. At siyempre, local ako ng lugar na 'yon, so over confident ako kaya kahit bumuhos ang mga settlers at naglipana ang mga kriminal, hala, sige, labas pa sa gabi.

Ang panukat ko doon sa daan ay wala pang 60 meters--yung less than 60m na 'yon, literal na walang ilaw. Kaya pag tiningnan mo pamula do'n sa kanto, pitch black talaga at pag binagtas mo ng walang ilaw, ewan ko lang kung maka-recognize ka ng pusang puti.

Yung kanto nung daanan, may saradong maliit na tindahan na may puting ilaw--as in yun lang yung pinagmumulan nung liwanag. Yung daanan, regular lang na highway na may 2 lanes, pwede pa nga bisikleta sa pinakagilid e. Yung kanan ko, isang maliit na palayan na nahaharangan ng barbed wire, yung mismong katapat no'n sa kaliwa, isang mahabang pastulan--yung kalagitnaang parte nun medyo matataas na damo at doon mo matatanaw yung mga kambing at baka. Yung malapit sa highway, pangkaraniwang damo lang at meron do'n isang malaking puno na nasa boundary ng pastulan pati nung highway (pero wala namang horror stories do'n at 'di naman nakakatakot yung puno at all). Pag nalampasan mo yung palayan at pastulan, karugtong no'n ay isang maikling konkretong tulay, siyempre wala ding ilaw.

Galing akong internet cafe no'n and I was online for 3 straight hours. Siyempre pagod ang mata--radiation plus yung state ng puyat. Nagbike lang ako papunta do'n--15 minutes kaya lalo pa't walang sasakyan at ikaw lang ang naka-"wheels" sa daan. So ako naman, confident na pa-bike-bike (e nakagawian na), no'ng pagliko ko do'n sa kanto papasok na sa area namin, natanaw ko na agad na may patawid. Nagmula s'ya do'n malapit sa may puno sa kaliwa tapos pa-diagonal yung direksyon ng pagtawad n'ya. Nakalkula ko na sa direksyon pa lang nung pagtawid n'ya, magbabanggaan kami. I'm telling you guys, nung nadatnan ko na yung tumatawid, ako'y 'di talaga kumurap lalo pa't pitch black yung daanan. Yung pagkakita ko sa kanya, ang pakiwari ko may hawak syang bata sa kaliwang kamay pero nung papalapit na 'ko na-realized ko na mag-isa lang s'ya, e di pinagwalang bahala ko na lang kasi daanan naman talaga ng tao yun e saka maya't maya ang daan ng sasakyan until 11pm. Kahit 10pm may naglalakad pa dun, yun nga lang by pairs. So ang inisip ko, patawid s'ya do'n sa isa sa mga bahay do'n sa may harapan ng palayan. Pero ang ipinagtataka ko, sino ba namang baliw ang maglalagi sa gano'ng kadilim na daan at saka pa tatawid kung kelan may nadaang sasakyan, and take note, sasalubungin pa 'ko. Again, ipinagkibit-balikat ko na lang dahil wala namang reputasyon yung lugar na yun sa mga ganun e, saka sino ba namang gustong mag-isip ng multo, 'di ba?

No'ng pagkakita ko na sa kanya pagkaliko ko pa lang, siyempre ang instinct mo no'n iilagan mo yung tumatawid--either bibilisan mo yung pagpedal para makadaan ka agad sa harapan n'ya o mag-i-slowdown ka. (Tantyahan na lang 'yan since madilim). So nag-slowdown ako. Imaginine n'yo yung stockings na suot ng mga sales lady, 'di ba parang flesh na parang light beige yung kulay? Papusyawin n'yo lang yung kulay ng stockings tapos gawing transluscent, gano'n yung kulay nung tumatawid sa dilim. Ang ipinagtataka ko, diretsong-diretso lang yung katawan nya tapos 'di nagalaw yung sa may bandang hita--as in diretso lang s'ya. I'm telling you folks, hindi ako kumurap no'n at ang napansin ko pa sa lower portion n'ya, para bang nakaangat sa semento, at yun nga, hindi nag-be-bend yung knees. At yung pacing ng pagtawid n'ya, pa-diagonal na talagang sasadyaing magbubungguan kami. Yung contour ng babae sa dilim, naka-dress na hanggang sakong tapos para bang may belo--all in light flesh-color; tapos yun nga diretsong-diretso yung katawan na parang nakaangat sa semento. Pero yung dating n'ya mukha s'yang solid, as in parang tao--may weight.
Noong nakalkula kong magsasalubong kami, nag-full stop na 'ko--right in the middle of that dark, (creepy-at-that-time) highway only to realize na walang matigas na bagay pala akong nabunggo. Noong nag-sink in sa'kin 'yun, do'n na kumabog yung dibdib ko. Nakapreno ako do'n sa gitna nung highway nang ilang segundo at pinakikiramdaman ko kung may mag-pa-pass through, pero wala. Pero right on that spot na kung saan ako huminto, doon kami nag-meet and we could've bumped to each other. Maya-maya, yung anino ko na lang sa semento yung nakita ko. Wala palang tumatawid pero mukha kasing buhay na buhay e.

Simula no'n, 'di na ko nagpapaabot ng 10pm tapos naka-bike lang. Haha! At pag nadaan ako do'n sa gabi, binubuksan ko na yung dynamo ng bike ko.

Hanggang ngayon iniisip ko kung entity ba talaga yun o pagod lang yung mata ko.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon