Mirror & First time nangyari

126 3 0
                                    

Mirror
Shared by : connecticut

Actually, every night nangyayari sa akin ito dati before ko malaman kung ano gagawin para matigil. kasi sa kwarto ko, katabi ng kama ko yung malaking mirror ko, mga 4 feet tall yung mirror ko na naka-dikit sa wall. nakapwesto pa siya sa tabi ng ulunan ko sa kama.

Anyway, every night na-e-experience ko ito. naaalimpungatan ako usually between 2am-3am, nagigising ako bigla. tas pag yung paghiga ko naman kaharap sa side ng mirror, lagi akong nakakakita ng maitim na lalaki, parang solid na anino at minsan pakiramdam ko pumapatong sa akin kasi biglang bumibigat pakiramdam ko sa katawan. pakiramdam ko pa nakatayo siya sa tabi ng kama ko.

Pinakamatindi yung experience ko na parang may pumipigil sa kamay at paa ko. di ko magalaw. tapos may malakas na hangin na tumatama sa akin, hindi galing sa fan ko kasi nasa side siya, yung hangin kasi galing sa ceiling. tapos sinusubukan kong magdasal ng 'Our Father', pero laging hanggang "Give us this day our daily bread" lang. di ko siya matapos-tapos. lagi akong bumabalik sa simula. parang may pumupigil sa akin na tapusin ang prayer. tas nag-sign of the cross na lang ako at nagdasal na lang ng 'Our Father' paulit-ulit hanggang sa mag-subside na lahat ng nasa paligid ko. Ayokong dumilat kasi ayokong makita kung anuman ang meron sa paligid ko.

The following week kinuwento ko siya sa mother ko, dun ko lang na-realize na malakas ang epekto nung mirror sa tabi ng kama ko, sa ulunan pa. kaya ginawa ko bago ako matulog, tinatakpan ko siya ng tela, sinasabitan ko ng parang kurtina bago matulog ang salamin para takpan.

At buti naman nawala na yung ganung experiences ko. actually kinikilabutan ako as I type this kasi naaalala ko na naman.

First time nangyari
Shared by : NeoDyn

May tanong lang ako dito bakit may nangyayaring ganito, nakaranas o nakarinig na rin ba kayo ng ganitong pangyayari?

Sa tabing gubat kami nakatira at yung forest na iyon ay tinatawag naming paradise dahil nandun na lahat makikita ang kagandahan ng kalikasan.

Last Friday, may krimen na nangyari dito at yung dalawang killer ay nagtago sa gubat na ito at until now hindi pa nakikita dahil sa sobrang lawak nito.

Dalawang pulis ang nasangkot sa krimen na ito at yung isa ay napatay.

Sa tinagal-tagal na sa serbisyo sa pagiging pulis ng namatay, ay nung mismong araw na yun, di nya isinuot ang armor vest nya, kaya nung paputukan sya ng killer, on the spot syang namatay.

Tanong ko dito, bakit parang alam na ng pulis ang mangyayari? Bakit sa unang pagkakataon ay di nya isinuot ang vest nya? May nagsabi ba sa kanya? Anong klaseng phenomena ito?.

May nangyari na ba sa inyo na kagaya nito?

Yung tatay ko namatay sa gitna ng kalye, inatake sa puso.

Regular ang remittance ko sa parents ko pero direct sa bahay nila dumarating ang support ko, yung tinatawag na door to door. Ginawa ko ito para di na mahirapan ang matatanda sa pagbibiyahe. Kauna-unahang pagkakataon na nagkamali ang bangko na pinapagdalhan ko ng pera, imbes na i-door to door, naipadala sa account ni tatay.

Yung araw pa namang kukunin ni tatay ang pera nila ay kasagsagan ng traffic at sobrang init. Magpapasko nun. Di bumiyahe ang matanda, sa madaling salita nakuha nila ang kanilang pampasko. Sa sobrang pagod sa byahe, si tatay ay inatake sa puso at 5 minutes lang ay nawalan na ng pulso si tatay na kahit isinugod na sa ospital ay wala na ring saysay.

Bakit may ganitong sitwasyon? Unang pagkakataon mong gagawin tapos yun na pala ang huli ng buhay mo.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon