Shared by : Crazy_Piggy
Dito samin sa IT Department weird lang naman ito sa tingin ko, di naman kami natakot.
Nagta-type ako na naka-slouch na, inaantok na kasi ako, tapos yung aking mga kasama ko ay may pinag-uusapan na kung ano tungkol sa programming. documentation staff lang ako (taga gawa ng user manual, system documentation etc) kaya di ako nakikigulo sa mga ganung discussion.
Napansin ko bigla na parang may tumayo sa may likod ng upuan ko saglit, tapos naglakad papunta sa restroom. maya-maya, may naramdaman ako naglalakad tapos tumigil ulit sa likod ko, di ko lang pinansin. ugali na kasi nila dito na tingnan kung nakatulog na ba ako pag-slouched na yung pagkakaupo ko. tuloy lang ako sa paggawa ng diagrams. maya-maya, narinig ko yung isang programmer tinatawag ako, so lumingon lang ako. sabi niya i-save ko daw sa public folder or sa folder ko yung document na tinatrabaho ko tapos lumipat na lang daw ako sa workstation malapit sa kanila. ako naman sumige lang, di naman ako mabusisi na tipong kelangan dun ako parati sa station ko, keri lang lipat din ako.
Tapos nung pauwi na kami kaninang 9pm, sa FX sabi nung programmer na inutusan akong lumipat. napansin daw kasi nila habang nag-uusap sila na may parang anino na panay daan dun sa kung saan ako nakaupo. pero pag tinitingnan nila direkta, wala naman silang nakikita, ika nga sa peripheral vision lang nila napapansin. kaya ayun nag-decide na lang sila na palipatin ako dun sa station malapit sa kanila. hindi na lang ako kumibo. tatandaan ko na lang sa susunod pag-overtime ulit ako lilipat agad ako ng station malapit dun sa marami pang tao.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HororDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)