Balbal

144 3 0
                                    

Shared by : jctheman

May kwento pala ako tungkol sa isa kong ate. Matagal na rin ito, tungkol ito sa balbal. Kwento lang din nya ito sa akin kasi at that time nasa school ako, high school pa yata ako nun hehehe.

Ito yong story :

Umaga daw yon mga 8am yata. yung kasama lang nya sa bahay father namin. Nagpahinga daw siya sa sala kasi medyo sumasakit tiyan niya. Nang bigla daw may nagtatao po, tinignan ni ate pagbungad niya sa pintuan may matandang babae na sobrang haba at puti lahat ang buhok, nakakatakot daw yung itsura niya. Muntik na daw siya sumigaw, buti na lang naka-locked yung screen door namin. Kaya hindi agad makakapasok yung matanda, nagtanong daw kay ate kung may buntis ba daw sa amin.

Dun na natakot si ate kasi wala kaming pinagsabihang iba na buntis ate ko. Nagdahilan si ate na wala daw, sabi naman nung matanda na may nagsabi daw sa kanya na kapitbahay niya na may buntis nga daw sa bahay namin, isang manghihilot daw sya.

Narinig ng father ko yung sinabi nung matanda, hinarap niya yung matanda at may sinabi father ko at bigla na lang daw umalis yung matanda nang walang paalam. Sabi ng father ko balbal daw yon, siguro naamoy niya yung bata na nasa sinapupunan. Mabango kasi sa kanila yon.

Kaya simula nun pag may buntis sa pamilya kelangan lahat ng sulok ng bintana at pintuan ay may nakasabit na bawang or any matitinik or sharp objects na nakaharang or nakasabit. Pati sa bubong nilalagyan namin ng matitinik na bagay at bawang na rin. Pati yung buntis magdadala rin ng bawang kahit saan sya magpunta. At syempre kasama na yung pananalig sa Diyos.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon