Medical Student

104 6 0
                                    


Shared by : dylandarkk8

Another experience of mine, this happened when I was in college studying in my hometown.

We were doing some project and nasa 3rd floor kami ng school namin. Naalala ko yung 1st at 2nd floor madilim may konting aninag lang ng lights sa hallways pero konti lang. Nung umabot na kami ng 2am magdamag dun. Yung guard nasa station niya sa baba sa may entrance ng school so kami nalang talaga ang napabayaan doon sa school. Yung iba kong classmates gumagawa ng visual aides sa loob ng classroom kami naman may ginagawa sa labas and nasa hallway kami so kita ko yung 1st and 2nd floor na katapat ng building namin.

Maya-maya may napansin akong babaeng naglalakad sa may 2nd floor naka-medicine uniform siya. Kasi kami nursing. So parang nagtaka ako ano kaya ginagawa ng isang med student sa ganitong oras ng madaling araw. At nakakapagtaka naman kasi parang wala lang sa kanya yung dilim, kahit dim lights lang e palakad-lakad lang siya. Tinapik ko yung classmate ko, sabi ko may nakikita ka bang med student sa baba?.

Sabi naman niya wala, doon na ako naghinala. So bumaba ako ng floor namin. Ang tapang ko e no. Pumunta ako sa may building na yun at gusto kong tingnan kung nandon nga yung med student na yun, babae siya pala. May kasama naman ako kasi gusto din daw niya makita kung may estyudante pa sa school namin. Nung nandun na kami sa hallway wala kaming nakitang ibang tao kundi kami lang. Nakakapagtaka naman. Kasi kung umalis yung med student na yun dapat dadaan siya sa harapan namin diba? Ewan ko ba't ano pumasok sa isip ng classmate ko at dinukot niya cellphone niya at nag-record ng video sa hallway na yun. Wala naman kaming nakita. Pero nung nagbi-video siya nakaramdam ako na parang may dumaan sa amin.

Bumalik na kami sa taas kung nasaan ang iba pa naming kagrupo. Napagpasyahan ng kaklase ko na tingnan yung video niya. Doon kami nagulat. Yung med student nasa harapan namin, naglalakad patungo samin nung oras na yun. Kinilabutan kami kasi dinaanan pala kami ng multo. At kuhang-kuha sa video. Pinakita namin yun sa mga kaklase namin at hindi sila makapaniwala.

Turns out yung med student na nakita ko e patay na pala, siguro hindi maka-move on at gusto niya pang tapusin yung kurso niya. Yung video naman nasa classmate ko, nag-transfer siya ng school kasi na-eliminate siya pero balita ko binura na niya yun. kasi nakakatakot.

Meron pang ibang story about sa school namin I'll share them also.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon