Shared by Butterfly_AngelI just want to share.
My father had a stroke attack on 2005. His half body became paralyzed (right side). He was inflicted with different kinds of disease because of his condition. But still he was fighting to survive and was able to stand and walk with a support. My mother said he used to sleep early at night and wake up at around 4am. Bubuksan nya lang ng konti ang pintuan at uupo sa wheelchair. Ganun naman din sya dati noong malakas pa sya, maaga gumising. Btw, nandito ako sa middle east nagwo-work. I came here to work that same year when he had an attack. Masakit man sakin iwan ang family ko, pero kailangan to support them.
And then 9th of June, 2010, I received missed calls from my mom at 1am here in ME. Bale sa Pinas is around 5am pa lang.
Di ako maka-return call kasi wala akong credit, pero very persistent yung calls so sinagot ko na. It was my brother calling. Wala na daw si papa. I didn't know what happened, sabi nung roommate ko sumisigaw daw ako. Nung kumalma na ako I asked my brother what happened.
They are still sleeping pa daw. Bigla daw may humawak sa braso ng brother ko tapos ginigising sya. Pagdilat daw nya yung father ko nakatayo tinatawag yung kapatid ko na bumaba daw sya. Imagine, disoriented ka pa syempre inaantok kaya hindi agad naisip ng brother ko na paano nakatayo at nakapagsalita si papa. Kaya nung naisip daw nya bigla syang napatayo at bumaba sa first floor namin. Nandon kasi si papa dahil hindi na nga sya pwede sa kwarto sa taas namin.
Pagkababa ng brother ko, nakita nya ang father ko nakalugmok sa sahig and faced-down. Niyakap nya agad at nakita nya na may dugo sa noo at namumutla. Sumisigaw na sya kaya nagising pati mga pinsan at tiyahin ko na katabing bahay lang din namin. May isa akong pinsan na nurse kaya nung pinulsuhan nya si papa, sabi nya patay na daw mga 30 minutes ago na.
Shared by Siberius
paakyat ako ng 4th floor. nasa 2nd floor pa lang ako narinig ko na yung pangalan kong tinatawag, I mean pakanta yung pagtawag. ini-expect kong sasalubungin ako ng classmate ko sa dulo (yun ang usapan namin) kaya sinagot ko ng "OY". walang tao sa 3rd floor at konti nalang ang mga students sa school kasi last day na ng exam pero pinabalik kami para sa TV production.
Hindi naman ako nakaramdam ng kakaiba kasi nagmamadali ako, tig-dalawang baitang na yung inaakyat ko para di ma-late. hahaha yung weird lang na napansin ko eh yung pagtawag sa name ko eh parang nasa malapit lang, nasa tabi ko lang tapos biglang parang nasa itaas na yung tumatawag. pagdating ko sa 4th floor, nagulat yung janitor kasi may tinatawag akong wala doon (baka inisip pang baliw ako, walang tao eh)
Pagdating ko sa room, hinanap ko agad yung classmate ko. nakita ko siyang papasok ng room. nagtanungan pa kami sa kung saan siya naghintay. naghintay daw siya sa may drinking fountain sa 2nd floor malapit sa library eh ang pagkaka-text ko sa kanya sa may drinking fountain sa 4th floor nya ako hintayin. naghintay siya sa kabilang dulo.
Hindi nalang namin binigyan ng pansin kung anuman yun. alam naman ng karamihan na may batang babaeng nagmumulto sa 3rd floor.
Yung sa pinsan ko naman, naikwento niya minsang dumaan siya sa bahay namin. (more like nagsumbong sakin LOL) nagbabasa siya ng manga habang nakahiga sa sofa. biglang may dumagan sa kanya na hindi niya makita tapos may binubulong daw sa kanya na hindi niya maintindihan. nagdasal nalang daw siya. nawala rin daw pagkatapos.
Shared by Kongersman
Yung seminary namin before maraming nagpaparamdam don. sabi kasi nung mga nakatira sa paligid non eh ginawang dating barracks ng mga hapon noong giyera.
There's this one time habang nagdadasal kami eh biglang tumugtog yung organ. nagkatinginan na lang kami but then continued to pray kasi nga inisip na lang namin na baka dini-distract lang kami ni taning. some of my brothers are saying na meron pang bumubulong sa kanila at yung iba eh may kumikiliti pa.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)