Brgy. Matalahib

228 2 0
                                    

Shared by : jctheman

Share ko lang. It happened last 2002.

May alaga kasing kabayo yung tatay ko na pinakilagay sa isang bakanteng lote para dun maglagay ng kwadra malaki yung bakanteng lote kasi dati may mga nakatira na parang squatter dun so ginawa ng may-ari binayaran yung mga tao at nilagyan ng pader yun, paikot ng lote so sa loob ng lote may balon at may grotto naman.

Nov 2, around 9pm ng gabi ako ang inutusan ng tatay ko na magpakain ng kabayo namin since medyo malakas yung ulan kaya walang tao sa labas at yung bakanteng lote na yun talagang sa simula pa lang, ayaw kong pumasok kasi iba ang pakiramdam ko, parang kung may anong nakatingin samin sa tuwing papasok kami dun sa umaga man or sa hapon para i-check yung kabayo saka sa bandang gitna ng lote eh matataas na yun talahib kasi mga 7-8 years ng abandonado yung place.

So ako ang may dala ng isang timbang pagkain ng kabayo at flashlight kasi walang ilaw sa loob ng bakanteng lote, madilim sa loob kasi may kalakihan yung bakanteng lote so pagpasok ko sa gate iba na talaga yung pakiramdam ko, parang gusto ko na lang itapon yun pagkain sa tabi kaso naaawa naman ako sa alaga ng tatay ko so kahit kinikilabutan na ako, ginawa ko nagtuloy na ako sa pagpasok.

Hindi pa ako nakakalayo sa gate pakiramdam ko may kung sino ang nakatingin sakin then yung mga balahibo ko sa katawan pakiramdam ko nagtayuan talaga so ginawa ko dasal habang palapit ako sa kwadra ng alaga naming kabayo "medyo malayo kasi yung place kung nasan yung kwadra ng labayo sa gate ng bakanteng lote.

Nang nasa harap na ako, bigla akong nakarinig ng parang nagagalit na aso or pusa basta kung ano yun naririnig mo pag na gagalit yung pusa parang ganun then sa estimate ko malayo sakin since mahina yung dating sakin parang nasa dulong bahagi ng place galing yun ungol so ginawa ko pinabayaan ko lang then ng binuhos ko na yung pagkain at hinalo ko na para mag-melt yung pulot ng maigi narinig ko na naman yung ungol but this time parang few feet na lang siya sakin kasi malakas na yung dating tas yung mga balahibo ko sa ulo pakiramdam ko talaga tumayo na lahat. Kaya ginawa ko dadamputin ko na yung balde na pinaglagyan ng pagkain ng kabayo namin at aalis na ako at dampot ko ng balde grabe dito ko na ramdaman yun sobrang takot hindi ako na niniwala sa mga multo or ano pa man.

Pero sa pangatlong pagkakataon kong narinig yun nakakatakot na ungol or parang galit na hayop pakiramdam ko nasa likod ko na kasi yung tunog sobrang lakas sa likod ng tenga ko. yung hangin na malamig dahil sa umuulan pakiramdam ko biglang nag-init yung buo kong katawan hindi ako makakilos hindi ko alam kung lilingon ba ako para makita or what, iba yung pakiramdam ko na hindi hayop or whatsoever yung gumagawa ng nakakatakot na ungol na yun kasi nanginginig na ako sa takot na hindi ko maipaliwanag.

Parang nawala ako sa sarili ko ng ilang segundo then pinikit ko yung mga mata ko nasambit ko lang tandang-tanda ko pa "Diyos Ko" after nun dun lang ako nagkalakas ng loob gumalaw at kumaripas ng takbo walang lingon-lingon.

Pag-uwi ko sa bahay ang init ng pakiramdam ko para akong hindi makatayo. nun ko lang naranasan yung sobrang takot sa buong buhay ko.

Simula nun hindi na ako pumasok sa bakanteng lote ng gabi at walang kasama.

Kinaumagahan sinabi ko sa tatay yun nangyari then na kwento niya na before na magkatao dyan sa area na yun.

Yung balon madalas kakitaan ng kung anu-anong bagay or nilalang na hindi naman normal nandiyang may makikitang asong malaki, kapre, white lady, kasi isa ang parent ko sa mga unang taong tumira sa lugar namin.

Nakilala daw yun lugar namin na Brgy. Matalahib dahil tapunan dati ito ng mga salvage victims dahil halos ga-tao ang taas ng mga talahib sa lugar namin ng mga panahon na hindi pa masyadong develop yung lugar namin.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon