Compiled Stories 15

154 5 0
                                    


Shared by Portia Beatriz

Hello mga readers. I will share again some stories.

Nangyari ito years ago pa, nasa college ako noon. Meron akong naging close friend nung high school na super ganda at bait na tao. Mayaman sila, pinsan sya ng isang sikat na artista. Parehas kami ng pinapasukang school, all girls catholic school ito. Although nasa pilot section sya, naging close kami. Tumagal ang friendship namin even after high school. Nag-aral sya sa isang sikat na university sa Quezon City, ako naman eh sa medyo sikat lang na college. Year 1990, 2nd year college kami noon nang mabalitaan ko na namatay ang close friend ko na ito at ang balita ko eh dahil sa abortion daw. Since sobrang mayaman sila, nang mabalitaan ng madrasta nya na nabuntis sya ng isang tambay, dinala sya sa manghihilot at sinabi lang sa kanya na ipapahilot lang ang tyan nya kasi mali daw ang posisyon ng bata, eh since wala syang say kasi mahigpit din ang dad nya, wala syang nagawa kundi sumama. At yun nga hinilot ang tiyan nya, un pala in-abort na ang baby. Kinabukasan pa sya namatay dahil sa continuous bleeding. Kwento sa akin ng kapatid nya, nung tinatawag na daw nya ang ate nya para pumasok, nakahiga pa ito. Pero nung binalikan nya para gisingin ulit, di na daw nagising at pagbuklat nya ng kumot, nakita nya na sobrang dami ng dugo sa kama, at yun nga ang kinamatay ng kaibigan ko. Nung tinawagan ako ng isa ko pang dating classmate para sabihin na namatay na nga ang friend ko, napaupo na lang ako at umiyak nang umiyak, and for some unknown reason, bigla kong nakita ang kaibigan ko na nakahiga sa kabaong na may suot ng magandang pink na gown.
Kinabukasan, pumunta na kami sa burol nya kasama ang iba naming ka-batch nung high school, at nang pumunta ako para tignan sya, nakita ko na ang suot nyang gown eh ung eksaktong gown na bigla kong nakita. Di ko alam kung paano nangyari na nakita ko agad ang itsura nya sa diwa ko bago pa man makita ko sya ng personal na nakahiga sa kabaong.

Eto pa ang isang insidente. Yun namang ate ng kaibigan ko nanganak sa pangalawa niyang anak. Nung gabi na naghuhugas ako ng pinggan, tinawagan ako ng kaibigan ko para sabihin na kung pwede ba daw akong pumunta sa ospital kasi naging delikado ang kalagayan ng ate nya pagkapanganak sa baby. Dali-dali akong nagbihis at bigla kong nakita ang ate nya na nakahiga sa kabaong na may suot na puting damit. Kinabahan ako bigla at nagdasal na sana eh huwag namang mangyari ang nakita ko. Pero pagdating ko sa ospital, tina-try na i-revive ang ate ng kaibigan ko ng mga doctor, sabi ng kaibigan ko na-revive na daw ng isang beses, kaso nagdelikado ulit, kaya nirevive ulit, kaso, hindi na nagawan ng paraan at tuluyan na ngang pumanaw ang ate nya. Umuwi na ako kasama ng ilan pa naming kaibigan. Kinabukasan, naayos na ang burol at pumunta na kami, at tulad ng una kong experience, eksakto kung anong itsura ng ate ng kaibigan ang nakita ko sa diwa ko eh ganun na ganon din ang itsura nya sa loob ng kabaong. Pero di ko na sinabi sa kaibigan ko na nakita ko ang itsura ng ate nya sa kabaong kasi baka lalong malungkot.

Thank you for reading folks!

Shared by not specified

Kwento ko na kaagad, wala ng paliguy-ligoy pa haha. Nitong September 12, 2019 ay isinugod ang lola ko sa ER dahil nahihirapan na siyang huminga at maglakad. At ang findings naman ng doctor is bumalik ang Pneumonia niya so kailangan siyang i-admit. After nyang ma-check up at magpa-laboratory ay inilipat na kami sa isang semi-private room (yung pang dalawahang pasyente). Solo pa namin ang room kasi bakante pa ang isang kama. yung bed ni lola ay nakatapat sa bintana which is magandang posisyon kasi makikita mo ang maraming puno. maganda naman ang ambiance ng hospital kahit na makikita mong may kalumaan na ito. wala naman akong nararamdamang kakaiba dito not until nung nagkwento ang kapatid ni lola about sa malagim na sinapit ng hospital na ito.

Sabi nya ay nasunog daw ang almost 80% ng Lung Center at marami daw ang na-trapped na mga pasyente at namatay ng dahil sa sunog. may usap-usapan pa na marami daw ang nagpaparamdam dito. binalewala ko lang yung kwento niyang yun at inisip ko na lang na tinatakot nya lang ako until isang gabi habang nakabukas ang bintana ay nagsalita ang lola ko na may kumakaway daw sa kanya dun sa puno. sh*t bigla akong nanlamig at sinara agad-agad ang bintana. then ng kinagabihan nun ay naririnig ko ng bukas-sara ang gripo sa cr which is imposible naman na may magbukas kasi kaming 2 lang ni mama ang nasa kwarto.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon