Shared by : skyblue
Ang kwento ng aking ama bago siya namatay.
Buwan ng Marso taong dalawang libo't isa, nakalimutan ko na ang exact date bata pa kasi ako noon ng nabawian ng hininga ang aking lola. Hindi maganda ang pakiramdam ng aking ama noong mga panahong iyon. Kinabukasan libing ng lola ko nagpasiya ang aking ama na dalhin siya sa ospital. Kasama ang aking ina, bunso kong kapatid, pinsan at tiyahin ko nang dalhin ang tatay ko sa hospital.
Kinagabihan lahat kaming magkamag-anak ay nandoon sa bahay ng aking lola maraming tao dahil kinabukasan na ang libing. Kinagabihan dumating ang tyahin ko na sumama sa paghatid sa hospital tahimik ito at balisa. Tinanong siya ng kapatid niyang babae na tyahin ko rin kung ano ang nangyari instead na sagutin niya ang tanong humingi muna siya ng tubig para uminom pagkatapos ay bigla na lamang bumulalas ang katagan nagpa-iyak sa aming mag-anak. Wala ng buhay ang aking ama bago pa sila makarating ng hosptal ay nalagutan na ito ng hininga.Kinaumagahan, pagkatapos mailibing ang lola ko umuwi na kami at saka naman dinala sa bahay ang labi ng aking ama.
Gabi na noon ng pumunta ang aking tiyahin sa bahay at nakita kaming tulog lahat, walang gising para magbantay. Ginising kaming lahat at nagkwento na dapat daw may gising sa amin kahit isa lang para magbantay. Saka siya nagkwento ng isang pangyayari na di ko alam kung totoo.
"Isang gabi habang tulog na tulog ang mga mag-anak nagulat na lamang sila ng biglang bumangon ang nakalagak na bangkay mula sa kabaong nito ayun dito sinapian daw nang diablo ang bangkay."
Dahil dito pinanatili namin na may isang gising sa gabi para magbantay.
Kinagabihan ulit nagkwento ang tiyahin ko tungkol naman sa ikinuwento ng aking ama sa kanya bago ito namatay hindi niya daw ikinuwento sa aking ina dahil baka daw matakot ito."Gabi at himbing na himbing kaming natutulog na magpamilya nang bigla na lamang daw may kumalampag sa bubong ng bahay namin. Lumabas ang aking ama para tingnan at ayon sa kanya ay may nakita siyang isang bibeng kulay puti at may nakataling kadena sa paa (ayon sa kwento, doon sa lugar namin kapag saan dumadapo ito may mamatay doon mismo sa bahay na dadapuan niya at sa tuwing siya naman ay huhuni na parang ibon kung saan ang direksyon niya ay doon din may mamatay at ito ay proven dahil marami na rin ang nakakita dito at nakarinig ng huni nito at iyon na nga sa mga sumunod na araw ay may namamatay, although ngayon ay parang hindi ko na naririnig ang tungkol dito). Pagkakitang-pagkita ng aking ama ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay. Mga ilang sandali ang lumipas meron na namang kumalabog sa bubong ng bahay namin. Nilabasan niya ulit ito at laking gulat niya ng makita ang nasa itaas ng bubong ng bahay kalahating kawangis ng namayapa kung lolo at kalahati naman ay kawangis ng bibe na may nakataling kadena sa paa. Sa takot ng aking ama dali-dali siyang pumasok ng bahay nagulat pa nga daw ang aking ina sa naging reaction niya. Tinanong niya ito kung anong nangyari bakit parang takot daw ito sumagot lang ang aking ama na wala." Nang matapos magkwento si tita ay nagkwento din ang bunso niyang anak na babae, ayon sa kanyang salaysay nanaginip daw siya bago namatay ang aking ama. Nakaupo daw sila kasama ang aking ama at bunso nitong kapatid na lalaki sa plaza sa harap ng simbahan ng biglang dumaan ang aking lolo na tatay nila. Nakasakay ito sa kalabaw at may karosang hila-hila ng kalabaw kagaya ng nakagawian ng lolo ko ng nabubuhay pa ito. Tinanong niya sila ng mapadaan sa harap nila kung sino ang nais sumama sa kanya. At ang sumama ay ang aking ama. Sumakay ito sa karosa at bigla silang naglaho.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)