Complied Stories 6

141 3 0
                                    


Shared by bituin8989

This incident happened sa dating hotel na pinasukan ko isa as mga rooms eh? nag suicide ang isa sa mga guest doon dati. ang ginawa pa niya eh? tumawag sa pamilya niya para kunin na lang ang bangkay niya.. kaya yung mga recent housekeeper na naglilinis ng kuwarto meron na lang nararamdaman doon minsan naglalakad or minsan naman feeling nila meron nag mamasid sa kanila sa loob. may guest naman di lagi nakakatulog so madalas nagpapalipat sila ng kuwarto.

***

Shared by Crazy_Piggy

Naalala ko tuloy ang nanyari samin dahil sa previous post. around September 2009, wedding ng isa naming kasamahan sa SFC (singles for christ) dun sa Cagayan de Oro yung kasal. Timing naman napagbigyan yung leave ko kaya itong lakwatserang ito ay lumipad nga papuntang CDO. nag-rent ng van yung iba ko pang kasama sa SFC, along the way medyo nagkalituhan sa directions papunta dun sa bahay ng ikakasal, may napagtanungan kaming bahay dun, ancestral house ang style nun. mabait naman yung mag-asawa yata yun, detalyado talaga yung instructions na binigay samin, weird lang yung ayaw nilang magpatuloy nung nakisuyo kami kung pwedeng makigamit ng CR. as in sa tapat lang kami ng gate nila the whole time na kausap namin sila. tapos after nung wedding etc, pauwi na, kasama namin yung tiyahin ng kinasal para di na daw kami mawala pabalik sa airport (sila na din magsosoli ng rented van), nadaanan namin the same house talaga yun kahit sino samin tanungin, yun nga lang sunog siya tsaka poste na gawa sa bato na lang natira. naikwento namin dun sa tiyahin ng kinasal, na dun kami nakisuyo ng directions papunta sa kanila, sabi nila 1980's pa daw nasunog yung bahay na yun, namatay sa sunog yung mag-asawang caretaker na naiwan sa bahay. naisip namin, kaya siguro ayaw kami patuluyin para makigamit ng CR, baka nga naman kung ano pa mangyari samin kung nagpumilit kami pumasok dun sa bahay.

***

Shared by creamx

Ito kwento lang ng kapatid ko. Yung landlady nila sa Laguna, may anak na guwapo na nakabuntis ng GF. 18 yung guy at 26 yung girl. Since di pa pwedeng pakasal yung guy dahil bata pa, nag-live-in muna sila, tumira sa sila sa parents ng lalaki at naging 2 na ang anak nila.

Nung mag-21 yung guy, di pa rin sila napakasal. Until one day, umuwi siya na may kasamang ibang babaeng buntis at ipinakilala as GF. Dun na naging aburido yung babae at sinasaktan na yung mga anak.

Last week, nadatnan nila yung babae na sinasaktan yung bunso kaya inilayo sa kanya at ipinasyal yung mga bata. Pag-uwi nila, nakita nila na nagbigti yung babae at nakaharap sa salamin. Patay.

Sinubukan nilang basagin yung salamin pero ayaw daw mabasag. Nung pina-bendisyunan sa pari, dun lang daw nagkapira-piraso yung salamin. Creepy.

***

Shared by jhenhie

Another story.

Nangyari sa sa bahay namin sa Quezon City, past 12mn na nang mangyari ito. Sa bahay, dalawa lang kaming naiwan, ako at yung kasama namin sa bahay, usually uwian talaga siya kasi malapit lang naman ang bahay nila mula sa amin, pero that time dun siya pinatulog ni mama dahil wala akong kasama. Pumunta kasi sila sa burol ng lola ko (auntie ni mama). Mga 11:30pm nanunuod kami sa 2nd floor ng bahay, at dun na rin kami natulog sa mismong malapit sa T.V (parang may sala muna bago yung kwarto). Sa side nung T.V meron bintana at lagi lang siyang naka-open. jalousie kasi yun at may kurtina, kaya safe naman. Sa kalagitnaan ng panood namin, meron akong narinig na sumisitsit galling doon sa bintana, hindi ko pa iyon pinansin, mga 3 beses na sunod-sunod yun at biglang nawala. Maya-maya naulit ulit, at sinabi sakin nung katulong namin kung narinig ko daw ba yun, kasi kanina pa daw yun, ang akala ko ako lang ang nakarinig. Sa sobrang takot namin pinatay na namin agad yung T.V at nahiga at nagtalukbong ng kumot, pareho na kaming kinikilabutan that time, nang maya-maya meron kaming narinig sa kwarto na para bang may tao. Una parang may hinahanap tapos nun naglalakad parang pabalik-balik, sobrang takot na talaga kami that time, ang kinakatakot pa namin baka biglang may sumilip sa may pinto, sakto pa na yung ulo namin malapit sa pinto. hindi na kami nagtangka na silipin kung anong meron sa takot na baka may Makita kami.

***

Shared by crzysxycl

"Lapitin" ako nung bata pa ako. Akala ko nilubayan na nila ako, hindi pa rin pala. I realized this nung may na-encounter ako sa office, first job ko doon. May mga naririnig na akong kwento sa ladies' room pero deadma kasi wala naman ako nakita pa. Ang bali-balita dati raw club or bar something yung office na yon and parang may ni-rape at pinatay daw. Ewan kung totoo.

One time, our team had to stay late kasi may activity kami. Siguro 6 kami sa group, isa dun boy. Around 9PM patapos palang yung ginagawa namin. Nag-CR akong mag-isa. Bago ako lumabas ng CR may napansin na akong kakaiba, parang may tao sa likod ko. Dumiretso ako palabas so habang papunta dun sa may meeting room, habang naglalakad ako, lumingon pa ako ulit sa likod ko kasi feeling ko talaga may tao akong kasunod. Nakarating ako sa meeting room, sinara ko ng slight yung door. Pag-upo ko, bumukas ng malakas yung pinto na akala mo may tumulak. (Haay kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon kahit na 10 yrs ago na yun.) Pagbukas ng pinto, nagulat kaming lahat tapos sabi ng ka-team ko may sumunod daw sa akin, turns out may third eye pala sya. Naka-off white na long sleeves daw at lalaki daw. (Grabe goosebumps ko ngayon, hanggang ulo!) Natakot kaming lahat at nag-pack up, pati yung ka-team naming guy nakipag-unahan pa palabas ng meeting room.

***

Shared by Dustin

Dito sa borading house namin dati kahit tanghali na mag-isa lang ako may naghuhugas ng pinggan tapos pag tinawag ko walang sumasagot,  wala palang tao, then yung mga pinto ng ibang rooms dinig na dinig talagang nagbubukas at sarado pero ng lumabas ako ng kwarto para i-check kung may tao wala nman at naka-locked ang mga ito. One time nag-bible study kami, nakita ng dalawang pastor na may babaeng pumasok sa second room sa left side, kaya nagtanong siya kung may naiwan pa sa rooms kasi magsisimula na kaming mag-bible Study pero wala nang ibang tao dun dahil nadun na kami sa kitchen table lahat. One time naman exam week yun, nag-aaral ako sa kusina 1am na nun tapos biglang na feel ko na parang may tumitingin sakin at nagtitindigan na balahibo ko, nang lingunin ko sa taas ng lababo, may nakita akong shadow ng taong nakaupo na nakatutok sakin kaya ayun, diretso takbo na ako papuntang kwarto. Haha. Pero right after na pina-blessing ulit yung boarding house wala ng nagpaparamdam. Hindi na din siya nakakatakot.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon