CR sa Sunshine Mall

137 4 0
                                    

Shared by : jctheman

Noong 2009 dito sa Sunshine Mall.

Malakas ang hangin at may dalang ulan. nang biglang mag-blackout sa mall. nataranta ang lahat kasi biglaan. nasa shop ako that time at may inaayos ako nun. hindi ko natapos dahil walang ilaw. kaya pinaiwanan ko nalang sa customer yung phone niya. naramdaman kong naji-jingle ako. ayun umakyat ako sa second floor para mag-CR. sa hallway papuntang CR ay napakadilim at walang tao dun.

Nung papunta na ako doon ay naalala ko yung kumakalat na balita dito samin na may nagpapakita daw sa CR ng mga babae. hindi ko pinansin dahil sabi ko sa sarili ko sa CR lang ng mga babae nagpapakita yun at hindi sa CR ng mga lalake. kaya dedma ko nalang. magkatabi lang kasi ang CR ng Male at Female.

Pero may naramdaman na akong kakaiba noong dumaan ako sa CR ng mga babae. medyo kinilabutan ako. nakaramdam ako ng malamig na hangin pero di ko pinansin.

Nung pumasok na ako sa CR ng mga lalaki ay pinagana ko ang cellphone ko para magsilbing ilaw.

At nang biglang may malamig na hangin na dumampi sa likod ko. hindi ko pinansin pero kinabahan ako, tumayo mga balahibo ko.

Sabi ko wala ito naiihi lang ako. ayun nag-jingle na ako. pero laking gulat ko dahil naramdaman ko na may parang dumaan sa likod ko. napalingon ako. kinabahan na ako ng sobra at ang ginawa ko nagmura ako sa loob ng CR sabi ko "T&* ina! wag ako takutin mo hayop ka!."

Ayun lumakas ulit loob ko. pagkatapos kong jumingle ay nag-ayos ako ng pants at dumiretso ako sa salamin. tinapat ko ang cellphone ko na may ilaw. nagulat ako dahil sa bandang kanan ko ay may napansin akong nakatayo na maputi sa salamin. nilingon ko agad pero biglang nawala.

Agad akong lumabas ng CR and guess what mga bossing paglabas ko biglang nabuksan ang gripo. hindi ko na pinansin dahil sa takot. tumakbo na ako palabas.

Mula noon naniwala na ako sa sabi-sabi dito samin na may nagpapakita nga talaga.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon