Astral Projection kaya?

107 2 0
                                    


Shared by : Crazy_Piggy

Astral projection kaya ito nangyari sa officemate ko? Eto yung story, at least yung part na-experience ko.

Ang lunch time namin is 1am or 2am kaya lang kagabi may napakakulit kaming client na walang tigil kakatanong ng kung anik-anik kaya almost 4am na kami nakapag-break. Yung officemate ko naiwan siya sa desk niya, sabi niya after work na siya kakain iba naman kasi schedule niya, uwi na siya by 5am eh kami 7am pa out namin.

Nung nakapila ako sa McDo nainis ako dahil yung lalaki sa likod ko at yung gf niya yata yun nag-aaway habang nakapila, tinulak ng malditang gf yung lalaki at halos matumba yung guy tas ako pa nakapitan. Sa inis ko dahil parehas kami na-off balance sabi ko dun sa isa pa naming kasama "eto yung pera tapos eto yung order nila (mga ibang officemates), balik na lang ako mamaya pag nasa front ka na ng pila dyan lang ako sa labas tatambay."

Paglabas ko sumama yung isa pa naming kasama (3 kasi kami na nag-volunteer bumili ng food for the team) magyosi daw muna siya sa labas. Naupo kami dun sa bench na may Ronald McDonald para comfy naman habang yosi break yung officemate ko. Tapos lumapit samin si "A" yung officemate na sabi maiiwan na lang daw siya sa office at mamaya na kakain, sabi nagutom na din daw siya baka pwede pahabol ng order niya.

Pumasok ako tapos dinagdag ko yung order niya tapos inaantay ko na lahat ng food tapos sabi ko dun sa buddy ko nandiyan si "A" sa labas 4 na tayo magbitbit ng food pabalik. Aba paglabas namin wala na si "A" at nagtanong kami kay yosi break dude kung nasaan na si "A" sabi niya hindi niya napansin kung saan pumunta, baka daw bumalik na sa office. So balik office na kaming 3 kahit medyo mahirap na magdala ng maraming fastfood bags.

Pag-akyat namin nandun agad si "A" nakasalubong ko palabas siya ng pantry at ako naman papasok na dala yung mga drinks. Sabi ko "oi, nakalimutan ko itanong drinks mo, sprite na lang binili ko like the rest" tapos nagulat siya, sabi niya bakit daw namin siya binilhan ng food? Sabi ko "ay baliw naman ito eh nagpabili ka kaya tapos iniwan mo kami sa ere."

Ang nangyari, sabi ng supervisor namin after namin umalis itong si "A" ay nakatulog sa desk at napagalitan pa ng superior namin dahil panay na pala ang ring ng phone sa workstation niya, siya naman sarap ng tulog. Hindi niya nasagot return call nung makulit namin na client kaya nainis itong si sup pinapunta niya sa pantry si "A" para magtimpla ng black coffee ng magising naman daw.

Ako naman kwento naman ako na nakita ko siya sa McDo at nagpabili siya ng food, sabi niya nung inaantok na siya naisip niya daw humabol sana siya samin para magpabili ng food para makasabay na rin siya samin kumain pero sobrang antok niya daw hindi na niya ginawang tumayo, natulog na lang siya sa desk niya.

Astral projection kaya niya yung nakita namin sa McDo? Sabi kasi ni yosi dude baka daw gutom na talaga itong si "A" kaya yung sandaling pagkakaidlip niya eh sinundan kami ng isip niya papuntang McDo hahaha.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon