Kulam / Barang

152 2 0
                                    

Kulam / Barang (My Sister's BF)

Before hindi ako masyadong naniniwala diyan, sabi ko din mas powerful si God kesa sa mga ganyan pero noong ang kuya ko na and my sister's BF ang naging biktima, naniniwala na ako. Kaya sabi ko, to see is to believe nga.

In Manila, most people hindi talaga naniniwala diyan, pansin ko, pero sa province, maraming ganyan talaga.

Eto po iyong story ko.

My sister's BF muna. This is according to my sister dahil she was there also from the 1st day pa lang na-admit ang BF nya up to the last day ng buhay ng BF nya. Ayaw daw kasi ng BF ni sister ko na wala siya, gusto daw laging nandon siya. Engaged na din kasi sila, ikakasal na nga sana.

Her BF was only 24 years old at that time. Mabilis lang siya, talagang gustong patayin.. Siya talaga'y obvious na kinulam.

It was January 2009, kakatapos lang mag-new year, her BF start to feel something na masakit daw on his butt, his parents told him na patingnan siya sa doctor.

Findings: Hemorrhoids!

Maliit pa lang daw po. So binigyan lang ng mga gamot. Pero on the 3rd day after his check-up, napasugod ulit sila sa ospital dahil parang lumala, as in mangiyak-ngiyak daw sa sobrang sakit ang BF ni sister ko, kasinglaki na daw ng 25 cents coin, imagine, ang laki nga! in fact pati doctor, nagulat daw sa nakita. (sabi ng sister ko, iyong hinihinala nilang suspect o iyong nagpakulam daw, nagtanong daw sa maid ng BF nya. kung anong sakit bakit pina-ospital, so sinabi naman daw nung maid.)

So after makita ng doctor, pina-opera. After po noon medyo ok na siya. Iyon pala, subok lang daw pala iyon kasi 3 weeks after his operation, laging gulat na naman nila kasi mukha naman po ang nagkaproblema, nung una parang manas lang, pina-doktor hindi na malaman ng doktor kung anong sakit iyon. Hanggang it's getting bigger & bigger daw tapos bigla ding bagsak ng weight niya, hanggang wala ng ganang kumain, iyon pala may bukol na din sa lalamunan. Saka pa lang sila naghinala na baka kinulam nga siya, it's too late na din kasi noong pinatingnan sa healer, hindi na din pala siya magtatagal, nalaman din yata ng nagpakulam na pinapagamot sa albularyo, 2 days after it, March 5, 2009 he died. Most painful part daw iyon ng sister ko kasi before his last breath, he whispered "I love you" pa daw.

During his wake, there's a lot of uod on his coffin, even at his nose may nakita. it's a sign daw na kinulam. Hindi naman po sila gumanti pero nabaliw ngayon iyong nagpakulam, ang cause daw eh parang madalas minumulto. Buti nga sa kanya. Inggit lang din ang dahilan.

Kulam / Barang (Kwento ni Kuya)

Mid 2008, nang simula nyang mafeel iyong pananakit ng tagiliran nya. Noong una, he said pasumpong-sumpong lang daw. so dedma lang siya until dumating iyong time na hindi na daw niya halos kaya iyong sakit, so nag-panic naman kaagad si mommy, pina-check-up siya. Pero ang findings, negative naman, walang problema. The doctor just gave him pain killer drug baka daw pananakit lang ng tiyan. Lumipas ang mga araw, padalas na ng padalas iyong sumpong. so nagpa-second opinion sila, wala pa ding nakita kahit sa 3rd wala pa din, nagtataka na kami bakit ganoon.

As what I've said hindi kami masyadong naniniwala sa mga ganyan, pero sa kagustuhan nga na mapagaling si kuya napilitan si mom & dad na lumapit sa albularyo.

Ayun, effective naman, gumaling si kuya. Naging active siya basta back to normal ulit siya, according sa healer nakulam nga daw, so my parents agreed na lang sa mga sinabi nung mangagamot.

Akala namin tapos na yung problema namin na iyon pero early January 2009 nakursunadahan si kuya ko, nabugbog po. ang duda namin nautusan. Grabe iyong pagkabugbog sa kanya so he was admitted at the hospital right away, laking gulat lang namin when the doctor said may cancer daw si kuya stage 3 na daw sa right kidney nya, nakasama daw iyong pagbugbog kasi pumutok daw iyong bukol, kelangan daw operahan. sabi ni mommy bakit ganun eh noong pina-check-up siya walang na-detect na cancer. nag-iyakan na. pero si kuya malakas pa din ang loob. may paraan pa daw kaya huwag daw kaming mag-alala basta po siya pa yung nagko-comfort samin.

The doctor asked him na, if he wanted to undergo chemotherapy, ayaw niya. Pa-opera na lang daw. Pero nagtataka naman kami na sa tuwing schedule niya for operation, may complications na nakikita like hindi maoperahan dahil nilagnat, nagka-diarrhea, inubo at ang pinaka-last nagkatubig na ang lungs, kaya hindi na talaga natuloy ang operasyon niya. So my kuya decided na umuwi na lang sa bahay, kasi parang nanghihina lang daw siya sa ospital. so inuwi.

Patingnan ulit siya sa albularyo, naka-limang albularyo pa nga eh, talagang lumalakas siya. Sabi pa hindi daw cancer iyong dinanas ni kuya. Nakulam nga daw. So gustong ma-prove ni Mommy na ganon nga, kinondisyon siya ng healer ibalik daw bale gumanti kami, ayaw namin kasi ang tendency non eh ubusan ng lahi kasi gantihan na iyon. Buti may isa pang option iyong healer, kung gusto namin daw malaman kung sino gumawa, mawawalan daw ng trabaho. Kinabukasan, yung pinagdududahan namin, nawalan nga ng trabaho. Sa galit yata nakabitaw ng salita iyong pinagdudahan namin na baka tuluyan daw niya. kasi once na magpagamot daw iyong kinulam alam daw nung gumawa, bale parang monitored nila sabi ng healer. So ayun, nakakalungkot lang wala pa ding nangyari, talagang tinuluyan siya, pinatapos lang ang birthday ng mama ko, ayun namatay na siya.

Ayaw ko na magdetailed pa, naiiyak ako eh. basta noong mamatay siya may sinuka lang siya na something fishy. 4 iyon na maliliit, tas umubo lang ayun na, wala na siyang buhay. On the 2nd day of his wake sa coffin niya may mga buha-buhangin naman na nakita tapos maliliit na flies. Taka lang kami kung saan nanggaling iyon eh diba close iyong coffin, malinis naman siya bago siya ilagay doon.

Sobrang kawawa iyong kuya ko. he's 26 years old and the only boy sa aming magkakapatid, he died last July 3, 2009 lang. fresh pa din sa alaala. Ngayon, iyong nagpakulam, hindi makatingin sa amin ng mata sa mata, it just shows na he's guilty for what he dis. Ang bilis din ng karma, yung anak niya nasagasaan, patay. kaya sana matuto na siya sa ginawa niya.

- Shared by slovy

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon