Burol ni Lolo

112 3 0
                                    


Shared by : Jewel Mar

Etong kwento na ito ay nangyari
nung namatay ang aking lolo sa side ni mama nung 16 years old palang ako.

Dalawa ang bahay namin sa magkabilang barangay sa probinsya ng Tarlac. Naalala ko pa noon, nung ako'y nasa 4th year high school pa lamang. Friday morning, medyo hndi kasi okay ang aking mama kay lolo (tatay niya) kaya hindi nakatira samin ang lolo ko at ang kasama niya lang sa bahay nila ay yung pinagbilinan ng aking lola na bantayan si lolo. May diabetes at sakit sa puso ang lolo ko noon. Pero ganun pa man, mahal namin ang lolo namin dahil kami lang ang kanyang apo. Matagal na din naming hindi nakita si lolo kapag nag-decide si mama na bisitahin si lolo kinabukasan (Saturday) para kamustahin.

Paggising namin ng umaga ng Friday, sobrang baho ng paligid. Akala namin poopoo ng aso naming si Paty kasi mahilig syang gumala-gala sa bakuran. So, tinulungan namin si mama na hanapin kung saan ba nanggagaling yung amoy dahil sobra talaga siyang umaalingasaw sa bahay hanggang sa malapit na kami pumasok at sinabi ng aking ina na siya nalang daw ang maghahanap kung saan galing ang amoy at baka daw ma-late kami.

Pagdating ng tanghali, ganun pa din ang amoy para talagang pabango na nakadikit sa bahay dahil hndi matanggal-tanggal ang amoy kahit na buhusan ng Air freshener sa bahay.
Pagdating ng hapon, malungkot si mama at binalita samin na namatay daw ang aming lolo. Umiyak kami ng malaman namin yun dahil mahal na mahal namin ang aming lolo at kahit may sama ng loob si mama ay di niya din napigilang umiyak dahil dapat bibisitahin namin si lolo kinabukasan.

So eto ang kwento samin nung araw na namatay ang lolo namin. Sa probinsya, uso ang nagbibigay-bigay ng ulam sa kapitbahay, so yung kamag-anak namin mga bandang hapon daw ay nagpunta sa bahay para magbigay ng ulam. Malaki ang lupain namin sa side ng lolo ko kaya naman sobrang haba pa ng lalakaran mo sa bakuran bago ka makarating sa bahay at yun ay medyo liblib at madaming puno at kawayan.
Napansin daw ng aming kamag-anak na bukas lahat ng pintuan at bintana kaya pumasok daw sya sa bahay. Kilala si lolo samin bilang masungit at di makakausap ng maayos kaya siya ay nilalayuan nung nabubuhay palang pero samin naman ay mabait sya kaya di kami naniniwala. Pagpasok ng aming kamag-anak sa bahay, nakita daw nya ang aking lolo na nakahiga pa-sideview nakaharap sa pintuan at nakamulat ang mata.

Nagpaalam daw ang kamag-anak namin na may dala siyang ulam sa lolo namin ngunit di daw sya nito pinansin kaya di na daw nagtaka ang kamag-anak namin dahil kilala nya ito bilang masungit kaya dumiretso na lamang sya sa kusina. Dinaanan daw nya ang aking lolo na nakahiga at nakamulat ang mata papunta sa kusina. Pagdating sa kusina, nagtanong daw ang kamag-anak namin sa lolo ko ng pasigaw dahil medyo kulob sa kusina para marinig daw ng lolo ko, nang biglang lahat ng nakasabit na palayok at kung anu-ano pang kitchen tool ay nahulog mula sa pagkakasabit sa dingding. Tapos nagsisisigaw daw ang aking kamag-anak at pilit na tinawag ang aking lolo at sinasabi na may multo sa bahay ngunit nung di pa din daw niya narinig ang aking lolo na nagsasalita lumabas daw sya sa kusina at lumapit sa lolo ko ng naamoy nya na mabaho daw at sa likod ito ay may mga poopoo at ihi. Sinubukan daw niyang yugyugin ang lolo ko ngunit nung paghawak niya sa katawan nito ay sobrang tigas na daw at di na maigalaw. Dun na natakot ang kamag-anak namin at nagtatakbo palabas ng bahay.
Pagdating ng burol, naalala ko buhay pa noon ang lola ka sa tuhod pero medyo makakalimutin na. Eh diba bawal ang iniiwan ang patay ng walang bantay? So ang ginawa namin nila mama ko pinaupo namin si Apong (Lola sa tuhod na nanay ng lolo ko) sa tabi ng kabaong para magbantay at kami ay lumabas lahat upang asikasuhin ang bisita. Nang maya-maya ay bigla nalang namin narinig na nagsasalita si Apong na akala mo may kausap kaya kami ay nagtaka at pumasok sa bahay.
Tinanong namin si Apong kung sino ang kausap niya at sinabi niya na "Si tatay nyo kausap ko, dalhin niyo daw mga alahas niya na nasa kabinet niya at isama nyo sa kanya" Nagtaka ang lahat at sinabi nila mama na "Apong matagal na naming binubuksan ang kabinet niya kaso ayaw mabuksan, di naman namin pwedeng sirain yung kandado" sagot ni Apong "Ang sabi ng tatay nyo bukas na daw yung kabinet niya." So ang ginawa namin ay nagpunta kami sa kwarto ni lolo at nakita nga namin na yung kandado ay nakatanggal na at bukas. Kaya nailabas namin ang kanyang mga alahas ultimo yung paypay niya na nakasabit yung pangmatanda eh bigla nalang nahulog kahit walang hangin, pati yun sinama namin sa kanyang kabaong.

Pagkatapos niyang mailibing, hndi pa din natapos ang pagpaparamdam ni lolo. Kung san ka man ngayon lolo, miss na miss ka na namin. Thank you.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon