Shared by : Amphitrite
Pang-gabi kasi ako sa college (6-9pm) lagi ang sched ng course ko. Na-wiwi ako so kahit ongoing ang class punta parin ako ng CR kasi sabi ko wala naman ako nararamdaman na kakaiba sa mga CR dun. I did my thing and nung patayo na ako para isuot yung pants ko, biglang may malamig ako na naramdaman sa likod ko. Nung una naisip ko baka yung bakal sa itaas ng bowl, yung pang-flush. Tapos naisip ko eh halos nakatayo na pala ako nun. Ayun, biglaan na lang tuloy ako lumabas ng cr. Hanggang ngayon hindi ako pumapasok sa cubicle na yun.
Eto nangyari sa oldest building ng school namin, na super bigat lagi ng feeling. Habang gumagawa kami ng activity sa isang subject. Lumabas ng room yung prof. Pagbalik nya, namumutla na siya, na-kwento niya samin na habang naghuhugas daw siya ng kamay, may dumaan sa likod nya. Sasabihan nya daw dapat ng "iha this is not the girls' cr..." kaso tumagos daw sa wall yung girl.
We had 1x a week afternoon class. Dahil may entrance exam, nalipat kami ng ibang room, dun pa sa may balita na may multo daw. Sabi namin ng friend ko, "hay, sa ingay natin, aalis yun. Ayaw nila ng maingay diba?" Sa pinakadulo na katabi ng bintana kami naupo ng friend ko. Habang nagtatawanan na kasi ang kukulit ng suggestions ng classmates namin about dun sa lecture, may narinig kami ni friend na umiiyak. Bigla kami nagkatinginan, though we said nothing. During the break, tinanong nya ako, yun pala narinig nya din yung iyak.
Nalaman lang namin na etong school namin ay dating make-shift hospital during world war 2.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)