Shared by : RuiAko ay isang call center agent. Hindi ako napipirmi sa isng call center, hindi ko na usually inaabot ang regularization lumilipat na agad ako sa iba. In a few weeks on the floor, ewan ko, that is how it works for me.
Kung pwede nga lang na magkulong sa kuwarto at mag-fb buong araw o di kaya ay mag-movie marathon o di naman kaya ay mag-soundtrip, yon ang gagawin ko maghapon but sometimes, it still bothers me, di ko pa ito naikukwento sa iba but I'm a ghost magnet yata. most of the time graveyard shift ako so pag lumalabas ako ng bahay mga past 6pm na, madilim na rin sa nilalakaran ko, papunta sa sasakyan ng jeep na magbababa ng Edsa. Maraming beses na kasing nangyari na may makasalubong akong naglalakad, weird,dahil nakatitig sakin na para bang nanlilisik ang mga mata. Tapos pag pinipilit kong i-spot ang nilalakaran nila parang hindi ito naglalakad at nakalutang lamang ang mga paa nila sa lupa.
Alam yata nila na nakikita ko sila. May mga kaluluwang gumagala na ayaw nilang magpaabala, nagagalit sila pag sinusundan sila ng tingin.
Naalala ko minsan nung bata pa ako, naglalaro ako sa may bangketa, tapos my dumaang karo ng patay, dun sa kapamilyang nakabuntot, sa may karo may nakita akong lalaking maputla na nakapamburol na nakatitig sakin, hindi na yon naalis sa isip ko.
Ganun din sa call center na pinasukan ko, sabi nila may bata daw na naglalaro sa may training room sa 25th floor, madalas hinahampas niya ang mga swivel chairs.
Yung cr na sa may dulo na wala masyadong gumagamit dahil my nagpaparamdam, kala mo my laman ang isang cubicle dahil may maririnig kang mga kaluskos, wala naman pala. minsan nga ng-cr ako dun mag-isa, habang naghuhugas ng kamay ay biglang kumindat ang mga ilaw, tapos sa gilid ng mata ko ay para bang may makikita kang payat na naka-blue uniform.
Sa tapat ng ihian. nakalutang ang mga paa niya, mga 2 feet mula sa floor. Baka yon yung multo na namatay sa elevator.
May isang utilityman daw ang nagkukumpuni ng sirang elevator, tapos ng short circuit ata ang mga cable kaya't ayun nabagsakan siya ng elevator mismo at patay kaagad.
Isang madaling araw ng mag-rounds ang guardya, binuksan niya yung training room, may nakita raw syang tao na nakaharap sa computer, akala niya agent, pagsasabihan na sana niya dahil bawal mag-stay sa room kahit before mag-start ang class, kaso nakatalikod ito sa kanya, kaya tinawag lamang niya ito ngunit hindi sumagot, pagbukas niya ng ilaw, wala siyang makitang tao.
Sa workforce naman nila may isang area na sobrang lamig kahit nakapatay ang aircon. isang araw, nang makausap ko ang ka-batch ko dun, bigla na lang tumilapon yung ginagamit namin sa calls, nagtaka kami, minsan din kasi biglang umiikot yung upuan ng 360 degrees ng walang tao na gumagalaw nito na malapit dito. sa takot namin magtakbuhan kami palabas dahil baka poltegeist yong multo, sabi ng ka-batch ko hindi ko na lang daw sana binanggit ang nakita kong reflection ng bata sa salamin ng window, tumakbo ito at nagtago sa ilalim ng computer station na para bang naglalaro. para bang nasanay narin ako sa dami ng manifestations, at least di pa rin nakakakita ng mga multo na sabog o putol-putol ang mga katawan o kung anumang bahagi ng katawan, yung tipong naaksidente.
Hanggang sa mag work ako sa isang company sa may Ortigas, Sabado kaya konti lang ang agents, tsaka rest day ng mga nag-oopisina mga 8pm, kaya si manong na lang naabutan ko sa 36th floor, ang mga work staff nila, bago niya i-swipe ang id niya bgla na lang syang kinilabutan sa lamig, sabi ko baka malamig lang kasi malakas ang ulan sa labas, nag-good evening kay manong. "Pauwi na?" usisa niya saka binusisi ang bag ko. tapos kinuha yung payong don sa lalagyan malapit sa door.
Hanggang sa tapat ng elevator sa 36th floor ay aburido ako nun, pinindot ko yung down at binilang ko sa isip ko yung changing numbers sa itaas ng dingding ng elevator at bumukas ang pinto. walang tao, nakita ko yung reflection ko sa salamin, nakita ko si manong na nag-wave sakin, pumasok na ko ng elevator at pinindot ang "G" para bumaba sa ground floor, kulob yong katahimikan, kaya binilang ko ulit sa isip ko ang numbers, nang biglang dumating yong elevator sa 31st floor. bumukas yung door, walang tao, nang malapit ng mag-close ang door, biglang may lumapit na matandang babae, my kasunod na bata, pinindot ko ulit yung button para bumukas ulit ang door.
"Salamat" sabi niya sakin.
Nakahawak sa braso niya ang bata. nakaputi na parang transparent, pero basang-basa ang buhok niya. basa pati yung gilid ng mata niya, sumugod yata ito sa ulan. sabi ko sa sarili ko, "ito kamong nanay, hindi pinayungan ang anak niya, ang lakas pa naman ng ulan sa labas", hindi ko na masyadong pinansin ang itsura ng nanay, medyo stocky ang katawan niya na naka-tshirt at maong na parang ahente ng cosmetic products, yong tipong mag-oorder ka gamit ang brochures nila, may dala siyang malaking shoulder bag.
Dinukot ko ang cp ko at isinaksak ang earphones sa tenga ko at ini-open ang playlist at ini-scroll down dun sa radio.
Pababa ng pababa yung mga numbers, 28, 27, 26, 25, 24. Nang biglang bumukas ang pintuan sa 23rd floor. Hinintay naming may pumasok ngunit walang tao, nakakayamot ng pagsara ng elevator nagbukas ulit. ganun siya mga dalawang beses yata, parang nagha-hang half open, pinindot ko yung close button.
Pagkababa namin sa ground floor, nauna akong lumabas ng elevator, sumunod lang yung ale sakin, ni-check ng guard ang bag ko at binigay ulit sakin, gumilid ako para isara ang bag ko at sumunod yung ale sakin, napansin kong wala na yong bata na kasabay niya kanina kaya't di ko mapigilang di magtanong.
"Ale, nasaan na po yung anak nyo?".
"Ha? anong anak?" pagtataka niya.
"Kanina po kasi may kasunod kayong bata eh nakaputi,"
"Mag-isa lang akong bumaba" sagot niya.
Nagbiro na lang yung guard na baka yun daw yung multo ng batang na nagmumulto sa elevator.
"Manong naman!" sabi ko.
Nanahimik na lang ako sa nakita ko. Di ko parin alam kung anu-ano pa ang susunod na makikita ko, pero kahit na may makita man ako, panalangin ko na sana ay di nila ako galawin. Kontento na akong makita sila. Ayokong makialam sa kanila o kahit ano pa man.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HororDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)