Shared by : ryanphShare ko lang experience ko.
This was just earlier this year. January or February, I forgot the exact date e. Medyo malimit akong umuwi ng dis oras ng gabi kasi wala akong trabaho ng mga panahon na ito. It happened around 2am nandito ako sa kwarto ko as usual nag-iinternet sa iPod ko matapos manggaling sa galaan. Nagpapaantok ako ng mga ganitong oras ng biglang may kumalabog sa bubungan namin na mabigat na kung anuman. Take note nasa 2nd floor ako at taga Las Piñas kami kaya medyo di naniniwala sa mga kababalaghan lalo na't halos tabing highway lang ang bahay namin. At wala kaming puno na katabi, fyi.
Medyo naalimpungatan ako kasi pagulong-gulong ang bigat na naririnig ko at sa takot ko nagtulug-tulugan ako dahil nababalisa na ako at napangunahan ng takot na di mo maintindihan. Iniisip kong mabuti kung ano kaya ang nasa bubungan namin at di ko din ma-picture na may pusa sa taas kasi mataas ang bahay namin at ang ingay ay nasa edge ng bubungan. Walang matatalunan ang pusa kung sakali kasi bakante ang katabi ng kwarto ko. isa pa ay di naman yata sila natalon vertically. hahaha. Nang lumaon wari ba'y nakasilip ang nilalang sa edge ng bubungan alam mong nakatingin kasi nararamdaman mo. Matapos ang ilang minuto nawala ang pakiramdam bigla akong tumakbo sa kwarto ng nanay ko at nagulat sya bakit ako nandoon. Di ko nalang ikinuwento sa kanya kasi baka matakot lang din sya.
Matapos ang ilang araw nabalitaan ko nalang yung isang umuupa sa apartment namin (meron kaming apat na pintuan sa tabi ng bahay namin) na nakunan siya. Ilang weeks old palang yung bata ng siya'y nawala. Wala akong idea na may buntis pala sa tabing bahay namin. At nung panahon na ng bayaran ng upa nakwento ng tenant na parating may mabigat na bumabagsak sa kanilang bubong. At may nakikita silang malaking pusa sa loob ng bahay na nawawala tuwing hinahabol nila at nagtatago lang daw ang malaking pusa sa likod ng aparador. Kaya pala pag umaga at gabi ay naamoy ko na nagpapausok sila ng insenso akala ko pantaboy malas lang o lamok hehe.
Ang weird pa nito kasi ang katabing bahay nila nakikita din ang umano'y hayop pero di nila pinapansin. At hiwalay na kwento din itong nasabi ng tenant sa nanay ko.
Weird lang kung anuman yun. Wala ng sinasanto ang kadiliman. Kahit sobrang urbanized ng lugar namin di mo maisip na may kababalaghan din na nangyayari.
------------
Ok last story bago matulog hehe.Medyo connected sya sa above post. Nung grade 6 ako siguro 12 yrs ago na ito. We usually go to our moms hometown sa South Cotabato define nature trip dun. Lol. Maliit lang ang barrio namin. Define bukid. Para makapasok dadaan ka sa plantation ng pinya for almost 30mins ng may sasakyan.
We have a small house there. Pero considering the town medyo well off na ang family ng mom ko dun. 2 days nalang at pabalik na kami ng Manila. It started nung 2nd to the last day. That night galing kami sa prayer vigil which ends around past midnight. Ayun safe naman nakauwi walang weird stuff na nangyari. But I was well aware sa mga kwento sa place kasi pag wala akong magawa I usually ask the people about the paranormal happenings doon.
That night it was time to sleep. Usually 4 kami sa room, sa taas ng bahay mom ko, tita ko na galing tate, ako at older brother ko. There were two rooms sa taas but yung isa stock room. My brother opted to sleep sa mga pinsan ko bonding-bonding daw sila e. E ako bata so naiwan kay mommy haha. Usually tabi kami ng kuya ko sa kama. And sa banig mom ko at tita. Ayun si tita sa sala na natulog kasi wala siyang katabi. Tinabihan ako ng mom ko.
Yung isa kong tita matandang dalaga. Parang crazy cat lady nga e (sorry tita) hehe she has around 10 cats and 6 dogs yata. that time sya yung pinaka-caretaker ng bahay. That night tensions were high kasi di namin pinapatay ang fluorescent light dahil takot din kami hehe. Si tita naman galit na nanermon at pinatay ang ilaw nagdala sya ng lampshade dahil daw sa kuryente at costs. Yung lampshade na pinalit yung nahihinaan ang ilaw through touch. Haha sosyal e. so naka-dim setting.
Around 3am (cliche no?) haha may bumagsak sa bubungan ng poultry farm namin. Then kinabahan na ako dahil nga sa mga kwento. My mom was still sleeping. Tas ilang beses paulit-ulit lahat ng aso nagtatakbuhan around the house. Dinig mo steps nila kasi kahoy ang walls. Then tahulan sa direction ng room namin and yung bagsak mamaya sa ibabaw na namin nangyari so ako. Wtfffffff. Haha. Tahimik lang ako tulug-tulugan. Then under sa kumot kinukurot ko nanay ko. I suddenly heard her na nagdarasal. E di natakot na ko lalo haha. For a while naririnig ko nag-i-screech yung bubungan parang kinakalmot. And scariest part is yung lipad ng hayop is ang lakas. Mala-shake rattle and roll yung tunog e. kulang nalang tumakbo ako. Still tulug-tulugan. Tagal din nag-hover ng kung ano na yun sa bintana once in a while tumatama sa jalousie window directly sa tabi ko. Akala ko katapusan ko na. Haha. Then nung tumilaok na yung mga manok sa kapitbahay it suddenly went gone. Wala na yung fear. And kami lang ang nakakaalam ng mom ko nun.
Still brings me the chills pag naalala ko. Sabi ng iba pag may dayo sa isang lugar they're just cheking up kung sino yung tao. Good thing we weren't harmed.
It was the day na naniwala ako sa aswang. Multo? Probably. Aswang is more sketchy. Ayun.
Sorry for the long post ulit. Gusto ko lang ma-share.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)