Compiled Stories 7

144 6 0
                                    


Shared by hannahgirl

Ilang days na ako ng ba-backread sa part 1 and palagi ako umaabot ng midnight, so obviously, palagi ako puyat. Kaninang umaga, mga 8am, narinig ko sa kusina namin na me tao. Btw, ang room namin is next sa kitchen. then , i heard someone turning the stove on twice so naisip ko baka magpapainit ng tubig ang hipag ko. bumangon ako agad at lumabas ng room. pagtingin ko sa stove, patay ito. hinanap ko hipag ko at nakita ko sya sa labas ngwawalis at hindi pa daw sya pumunta ng kitchen. so ako, deadma na lang. at least umaga na, hindi na nakakatakot.

Shared by Plasmatics13

Share ko lang.

2 weeks ago, mga 12mn, habang natutulog ako may narinig akong malakas na boses ng babae na parang nalagutan ng hininga. Para kasing imposible ko syang marinig kasi kung matulog ako nakatagilid ang ulo tapos may unan sa taas ng tainga ko kaya dapat wala akong maririnig. Grabe ang tibok ng puso ko nun sobrang bilis at pinagpawisan talaga ako ng malamig. Hindi ako dumilat baka kasi kung ano ang makita ko. Mahirap na. hehe.

Last week.

Eto na naman. Ginambala na naman ang pagtulog ko. Same time din 12mn. Ganon pa rin posisyon ko. Bigla akong may narinig na hinga ng hinga sa may harapan ng mukha ko. Malakas na naman ang tunog kahit nakatakip ang dalawang tainga ko. Mga isang oras syang hinga ng hinga. Badtrip na badtrip ako nun. Gusto kong dumilat kaso baka kung ano ang sumambulat sa mukha ko e. hehehe. Tapos mga 2:30am na ako nakatulog. Next day bago ako matulog pinagdasal ko yung kaluluwa nya na huwag na akong gambalain at pumunta na sa langit. Ayun hindi na siya nagparamdam pero putol-putol naman ang tulog ko. Hehe.

Sensya na ang pangit ko magkwento.

Shared by jen_buga

Share ko lang ito. this incident happened some years ago.

May pinsan kami na nagpakamatay dahil sa problema sa puso. Now before makarating ng bahay sa probinsiya namin madadaanan muna namin yung bahay nila. During that time, may mga bali-balita na dahil daw hindi matahimik ang kaluluwa nitong pinsan namin at parating nagpaparamdam.

Isang hapon, umuulan noon bandang 6pm na, medyo na-late ako ng uwi from school dahil malayo pa ang panggagalingan ko sa kabilang bayan pa. So syempre, wala akong choice kundi dumaan sa tapat ng bahay nila and during that time, pag pumatak na ang 6pm lahat ng mga tao nasa loob na ng mga bahay nila.

Paglampas na paglampas ko sa bahay nila, may nadaanan na akong kakaiba. naririnig ko na may tumatawag sa pangalan ko na parang galing sa kailaliman. nagtatakbo ako sa sobrang takot at sa malas mga 300 meters pa ang bahay namin mula sa kanila at ang sama pa nito dadaan ka sa kabukiran na wala ring kabahay-bahay.

Patuloy ang pagtawag sa pangalan ko palapit ng palapit. sa sobrang takot ko, hingal kabayo. Damn! sa pagmamadali ko nadulas pa nga ako. and yes, another damn! may babaeng nakasuot ng puti na lumulutang-lutang sa hangin habang papalapit ako sa destinasyon ko papauwi.

Nanginginig ako sa takot, nagsimula akong magdasal sa sarili kong isip, and yes, nadaanan ko ang babaeng lumulutang sa hangin. hindi siya nawala kahit kumurap ako at ang masama hanggang sa makalampas ako sa kanya hindi pa rin siya tumitigil sa pagbanggit sa pangalan ko. patuloy pa rin ako sa pagtakbo. pagdating ko sa bahay, takot na takot ako and yes di na ako kumain nung gabi dahil sobrang natakot ako. ininda ko ang pangyayaring iyon ng medyo matagal at kahit na isang kilometro ang lakarin ko, di bale na basta may mga bahay.

may isa pa akong kwento. mamaya ko na ita-type.

Shared by beautyki2

Hi! Newbie here. Interesting ang mga stories. Share ko rin yung sa akin. For me hindi ko siya mako-consider na scary but more on naaawa ako.

Year 1993, kakauwi lang namin ng twin sister ko from practice for Christmas presentation sa school nang i-inform kami ng parents namin na namatay sa isang hit and run accident yung wife ng uncle namin (father's side) sa Lucena. Nagtitinda ng leche flan yung tita ko nang mahagip siya ng car. Nakaladkad yung tita ko pababa sa sidewalk. Dead on arrival siya. And yung driver naman tumakas na lang, ewan ko lang kung nahuli siya dahil wala na rin naman kaming naging balita and hindi na rin naghabol ang tito ko dahil wala na rin namang magagawa, nangyari na and kung magsasampa pa sila ng kaso, hindi rin nila makakaya ang gastos. Sabi nga daw ng mga witness baka lasing ang driver dahil walang direksyon yung pagda-drive niya kaya napaakyat sa bangketa at nadala ang tita ko. Sabi ng daddy ko beyond recognition na daw si tita. Naulila niya yung 6 cousins ko na noon ay 10 years old pa lang ang eldest at 11 months old naman ang youngest.

Ilang days bago nangyari yung accident, kwento ni mommy napanaginipan pa niya ang tita ko na nakasuot ng off-white dress and naka-lipstick pa daw ng bright orange pati nail polish bright orange din, and nakayapak Iba rin ang pagkakaayos ng hair, nagpa-bangs ang tita ko. Tinanong pa daw siya ni mommy kung kaninong party ang pupuntahan bakit daw walang shoes pero ngumiti lang daw ng tipid. Day nung accident hindi maintindihan ni mommy kung bakit kabado siya pagkaggising pa lang niya that morning hanggang pagpasok niya sa office. Napa-half day siya sa work nang in-inform siya ng dad ko sa nangyari.

Hindi na kami pinasama ng parents ko sa wake ng tita ko dahil may presentation kami sa school kaya sila na lang ang umuwi ng Lucena. Siguro para hindi rin kami matakot that time dahil ibang-iba daw ang itsura ni tita. Wala daw resemblance sa dati niyang mukha na dating payat ay naging bloated. Sabi nga ng pinsan ko hindi daw niya mommy yun. Pero ang nakakakilabot pa is kung ano ang pagkakakita ni mommy sa dream niya, ganoon din daw ang itsura ni tita especially sa ayos ng hair niya and damit minus the bright orange lipstick and nailpolish and obviously walang suot na sapatos dahil na rin sa pamahiin. Tinakpan ng bangs yung basag na forehead ng tita ko hanggang sa mata niya (parang sideswept). And kwento pa nung isa kong tita na may third eye, tinatabihan daw ng tita ko yung baby niya sa pagtulog. Hanggang ngayon kahit malalaki na ang mga pinsan ko at yung iba ay may sarili ng family madalas daw magparamdam especially sa panaginip. May time daw na nakikita ng tita ko na sinusundan yung youngest cousin ko kahit papuntang work. Para bang kahit sa ganoong way ay mabantayan yung pinsan ko na hindi na niya naabutang lumaki.

Shared by Force-G

I haven't seen any ghosts pero may "ghost experience" na ako. Eto yung "ghost na sumasagot."

The building where I used to work is notoriously known to house a lot of "engkantos" (not ghosts) because it is most of the time deserted and nasa forested area. One night our division was working overtime kasi we were preparing for a symposium. All of us were in the auditorium at one end of the building. My officemate asked me to accompany her to our office (at the other end of the building) so sumama ako. We were walking towards the Payroll section (takot na kami, actually), which is halfway, when we heard a knock behind the glass window. We didn't see anybody behind the glass. So we just looked at each other and made a crack, "Sino yon?" asked my friend. "Multo siguro," I answered. We both laughed nervously. We haven't finished laughing yet when it knocked again. This time we ran towards our office, realized no one was there, and ran back to the auditorium. I guess, I was fortunate (or she was fortunate) because there were two of us at that time.

I have an officemate who have seen three different kinds of engkantos and he'll scream every time he sees them (according to him, one woman, one man and one that looks like a priest). I brought my yaya to that building one time because she claims that she's clairvoyant (sort of testing her, I know I'm wicked). She saw one of the engkantos my officemate saw. Their descriptions are exactly the same. But my yaya not just saw but heard the engkanto at the same time, saying, "Halika, sumama ka sa akin." And he was knocking. Yeah, it's a he and super, super, mega guwapo daw talaga. My yaya never returned to that building but I didn't learn the story 'til three months later when she was not scared to talk about it anymore.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon