Hospital Room

115 6 0
                                    


Shared by : Crazy_Piggy

Doon sa ospital kung saan ako na-confine dapat hindi pa ako ire-release nagpumilit lang ako, 2 days+nights lang ako nag-stay kahit may bantay ako, hindi na keri ng powers ko.

Layout ng room is rectangular, one side door papuntang hallway, the other end ng room is banyo. pag pumasok ka from hallway left side mo TV, ref, yung table na lagayan ng food ng pasyente, then maliit na aparador then aircon. right side is patient's bed plus wall lamp then mga 3 feet lang space naglagay ang pinsan ko ng inflatable bed kasi di daw siya comfy sa sofabed provided para sa bantay.

Umaga ako na-confine under observation baka daw Dengue, first night biglang nag-on ang ilaw sa bathroom habang nanood kami ng TV Patrol ni insan, akala lang namin may problema lang sa electrical. later mga past 12mn nag-cr si insan, tapos ginising niya ako kasi daw paglabas niya sa banyo, may parang shadow hugis tao nakahiga dun sa tinabi niyang sofabed. bukas na lang ilaw namin sa kwarto the whole night.

2nd night, antok na talaga ko akala ko nurse yung sumilip, kasi white uniform, akala ko i-check lang yung VS (vital signs) ko, kaya pinilit kong gumising, pagtingin ko ulit sa pinto, sumasara siya mag-isa kahit wala namang tao sa labas. tapos nung pinilit namin ulit ni insan matulog, sumigaw siya bigla kasi yung remote daw para sa aircon nasa tabi ng TV, lumutang mga 4 seconds then bumagsak. ayun kinulit ko doctor ko kinaumagahan na mukhang hindi naman malala yung lagay ko kaya uuwi na lang ako.

Saan yung ospital? yung sa Ortigas Avenue. alam nyo na yun. sabi nung nurse na nag-push ng wheelchair ko nung uuwi na ako, kung may ibang vacant room daw hindi nila ako dun inilagay. walangya, alam na pala nila na may kakaiba dun sa room na yun di man lang nagsabi. kaya pala maya't maya pag-take nila ng VS ko lagi silang nagtatanong kung okay lang kaming 2 nung insan ko.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon