Tiktik Story

148 3 0
                                    


Shared by : jindemi

It started when I was 3 months pregnant and I moved back in with my lola and her 2 new maids after being away for 2 months, nobody knew sa house na yon na I was pregnant.

My room there is on the second floor, likod na likod ng bahay, it's like another building. I work in a call center and wake up at around 9pm to get ready for work.

Napansin ko when I got back, I always wake up kasi ang ingay ng aircon ko. alam nyo tunong ng makina na sira? yung parang may sumasabit or something?

"tikitikitiktiktik" sobrang bilis at mataas un tono.

Anyway, for ilang weeks I always wake up hearing that noise around 7-8pm, isang beses pa I opened the glass window at sumilip ako sa labas para makita ang likod ng aircon kasi iniisip ko bakit ang ingay. tapos there are many instances na may naglalakad sa bubong, me and my hubby hears it pero dedma kami kasi iniisip namin pusa lang, pero the steps are heavy. tao talaga ang bigat. sinisilip pa nga namin paminsan.

Tapos on my 4th month, the maid's confronted me kung bakit daw ako lumalapad, and I proudly said na buntis ako. hehe. nagtinginan lang sila.

After 2 weeks na sinabi ko sa kanila na I was pregnant, one night at around 10pm I woke up na naman kasi ang ingay na naman nung aircon at yung bintana naiwan ko palang bukas kasi ang init pero may screen naman. yung isang maid sumisigaw from the bottom of the stairs at sinasabi nya na bilisan ko daw bumaba. syempre badtrip ako.

So when I went down, I saw her na super putla at tinatanong nya kung may nakikita ba daw ako o naririnig sa taas, knowing she was 16 yrs old, inisip ko baka natatakot sa multo. hehe, tapos she said they've been hearing the tiktik every day since I arrived, di nila sinabi sakin kasi ayaw nila akong matakot, kaya daw sya sumisigaw kasi they can hear the tiktik everywhere, paikot-ikot sa bahay, even sa mga bintana sa baba daw, naghahanap ng entrance.

Grabe tayo ng balahibo ko nun, pero parang di pa din ako naniniwala. untl I asked her kung anong naririnig nila. then she mimic the sound.

"tiktitktiktik" mabilis na mabilis.

Napasigaw ako kasi yun ang tunog na naririnig ko every night at a certain time at buong akala ko ay aircon!

Tapos pumasok yung isang matandang maid namin and she confirmed na may tiktik daw, kaya alam nilang buntis ako kahit di ko pa sinasabi noon.

Then she said na ang tiktik daw maririnig kung may malapit ng mamatay o kung may buntis, and my lola is healthy. kaya naisip nila ako yung buntis.

Anyway to cut the story short, the next day, isang kilong bawang at asin ang nilagay namin. and guess what. hindi na talaga bumalik. Sabi din ng matandang maid na minumura daw nya at dinadasalan ng latin para umalis yung tiktik noon.

After non, we told my husband's side. di rin daw nila sinasabi. pero they can hear the tiktik din sa house nila pag nandun daw ako. katakot!

And we live 30 mins away from them. ngayon I'll be giving birth na via cs on Dec. 1. excited to see my baby!

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon