Shared by : einjhel_miguelWala naman pong masyadong nagse-share kaya ire-repost ko lang yung mga naipon kong ghost stories ko at pinagsunod-sunod ko sila. Para na rin po sa mga bago lang nagbabasa dito.
Matagal na akong nagbabasa ng mga kwento sa dito pero ngayon ko lang naisipang mag-register para makapagbahagi ng aking mga kwento. Marahil dahil sa araw ng mga kaluluwa ngayon kaya mas lalong naging interesante para sa akin ang pagbabasa at pagbabahagi ng mga kwentong nakakatakot.
Bata pa lang ako ng magsimulang makakita/makaramdam/makarinig ng mga kakaibang mga bagay.
Ito ang ilan sa mga karanasan ko.
Ang mga ito ay nangyari sa isang private school sa Novaliches kung saan ako nag-aral mula Grade 4 hanggang 2nd year high school.Grade 4 :
Tuwing klase namin ng T.H.E. pinalilipat ang lahat ng babae sa kwarto ng section namin at lahat ng lalaki sa kwarto ng kabilang section. Ako ay nakaupo sa pinakaunang row pangalawang upuan mula sa gitna.
Nung araw na 'yon pinapakopya ng guro namin ang mga nakasulat sa blackboard. Sa pagkopya titingin ka sa blackboard at yuyuko upang magsulat sa notebook. Sa tuwing yuyuko ako upang magsulat may nakikita akong dumadaan sa aking harapan. Paulit-ulit yun sa tuwing yuyuko ako, pabalik-balik. Anino lang ang nakikita ko dahil ang mata ko ay nakatutok sa papel. Pero pansin na pansin ko ang pagdaan ng kung sinuman o anuman sa harap ko.
Nang makailang ulit nang ganun ay naasar na ako at sinabi ko sa katabi ko. "ano ba?! Sino ba yung daan ng daan?!" Ngunit nagulat lang na humarap sa akin ang katabi ko at sinabing wala namang dumadaan sa harapan namin.
At sa pagkakasabi niyang iyon bigla na lang naggalawan ang sanga at mga dahon sa puno na matatanaw katabi ng kanang bintana ng aming kwarto.
---
Grade 4 pa rin. Sa parehong silid kung saan nangyari ang una ko nang naikwento.
Uwian na kaya't wala ng ibang bata sa aming classroom. Hindi ko na maalala kung bakit bumalik kami ng bestfriend ko doon sa kwarto. Basta ang naalala ko lang may tinitignan kami sa pader sa ilalim ng blackboard namin na bakas ng maliliit ng kamay (na animo'y kamay ng dwende). *Hindi ako masyadong 'naniniwala' sa mga dwende, kapre, etc dahil hindi ako nakakakita ng mga elementals* dahil napakabata ko pa nung panahon na yun ay ipinagwawalang bahala ko lang ang mga ganung bagay. Interesante pero hanggang dun na lang.
Sa iba pang araw sa nasabi ring silid.
Nakatayo kami ng bestfriend ko sa bungad ng pinto papasok sa kwarto umihip ng malakas ang hangin at mula sa puno ay may nahulog na puting tela o papel. Ang nakapagtataka ay dahan-dahan ang kanyang pagkahulog at hindi man lamang nagsu-sway sa pagbagsak kundi diretso at dahan-dahan ang pagbaba niya. Hindi nanamin pinanood pa ng bestfriend ko ang pagbagsak niya sa lupa. Umalis na lamang kami sa silid.Sa parehong paaralan sa Novaliches.
Grade 4, Araw ng sabado o linggo. Cheerleading practice.Naiihi ang bestfriend ko nun. Nagpasama siya sa akin sa CR malapit sa faculty room. Ang mga CR namin nun ay puro single CR lang. Hindi yung may mga cubicle. Brownout nung araw na yun kaya nagpasama siya sa akin hanggang sa loob ng banyo Iniwan naming nakaawang ang pinto para may pumasok na kahit bahagyang liwanag galing sa labas (wala kasing bintana yung CR). Pareho kaming nakatanaw sa labas para makita agad namin kung may ibang tao sa labas na gagamit din.
Pero iba ang nakita namin. May nakita kaming babaeng nakapalda na dumaan. Sa style ng palda at hugis ng babae ay malalaman mong matanda na siya. Ngunit ang kinatakot namin ay hindi siya naglalakad sa pagdaan niya, lumulutang siya. Wala na kaming nagawa ng bestfriend ko kundi humiyaw at magtatakbo palabas sa field.
Hindi namin nabanggit kahit kanino. Ngunit nagobserba kami kung meron sa mga kasamahan naming ang nakapalda nung araw na yun. Pero wala isa man ang nakapalda at wala na ring ibang tao sa school nung araw na yun.
*Minsang nakapasok ako sa loob ng faculty room may nakita akong larawan ng isang babae sa ibabaw ng estante (or grand piano - hindi ko na masyado maalala). Hindi man malinaw ang nakita naming lumulutang na babae ng makita ko ang mukha at suot ng babe sa larawan ay malakas ang pakiramdam ko na siya iyon. Kaya nagtanong tanong ako kung sino yung babae sa larawan. Sabi ng aming guro, yun daw ang nagtatag at nagmamay-ari ng aming paaralan. At matagal na daw itong namayapa.
---
Sa parehong paaralan pa rin.
Grade 4, 2nd floor sa tapat ng classroom ng mga Grade 5.Nakatambay kami ng bestfriend ko doon sa corridor kung saan tanaw ang kalsada para sa oras na dumating ang aming school service ay makikita namin agad.
Nagkukwentuhan kami ng bestfriend ko habang naghihintay. Pero sa kalagitnaan ng pagkukwento niya ay biglang akong may narinig na boses maliit, matinis at malambing at ang sabi "einjhel**, aalis na ako" (**hindi po yan ang tunay kong pangalan. Ang binanggit ng boses ay ang totoo kong pangalan).
Sa pagkakarinig kong yun ay bigla akong napatayo upang tignan kung dumating na ba ang service namin. Pero wala pa naman ito. Naiinis akong humarap sa bestfriend ko. Sabi ko bakit niya ako niloloko eh wala pa naman ang service. Nagtataka siya sa inasta at sinabi ko. Kaya sinabi ko sa kanya kung anong narinig ko. Sabi niya wala siyang sinasabing ganun dahil busy nga siya sa pagkwekwento sa akin.
Nagmadali na lang kami sa pagbaba dahil mukhang napaglalaruan na naman ako ng kung ano.
Sa parehong paaralan pa rin.
Grade 4, 2nd floor sa tapat ulit ng classroom ng mga Grade 5.Ako lang mag-isa nung araw na yun. Sa unang batch ng service yata sumabay yung bestfriend ko. Dumating yung ate ng isang kaklase kong lalaki. Hinahanap siya. Kaya nagvolunteer ako na hanapin siya.
Nung mapatapat ako sa classroom ng grade 5 (kung saan nangyari yung nauna kong kwento) pinilit kong aninagin kung may tao sa loob. Baka kasi pinagtataguan ako ni Rodolfo. Jalousy ang bintana at nakasara kaya tinakpan ko ang dalawang gilid ng aking mata gamit ang aking kamay at sumilip. May nakita akong puting pigura tumatakbo sa gitna ng classroom paikot ikot na animo'y sumasayaw.
Ang sabi ko sa sarili ko "huli ka ngayon Rodolfo nagtatago ka pa ha". Pagbukas ko ng pinto ay walang tao sa loob ng classroom. At nakaayos ang mga upuan kayat paano magiging posible ang pagtakbo ng paikot sa classroom ng hindi ka mababangga sa mga upuan?
Nagmadali na lang ako ng pagbaba pagkatapos noon. Buti na lang matapang akong bata. Haha
Ang limang kwento na yun lamang ang naaalala kong naging karanasan ko sa paaralang yun. Hindi ko alam kung bakit sa mga sumunod na mga taon ay hindi na ako nakakita/nakarinig/nakaramdam muli ng mga kababalaghan.
Akala ko tuluyan nang nawala ang abilidad ko o mas kilala sa karamihan na 3rd eye or sixth sense. Hindi ko na muli naisip namaari pang mangyari muli sa akin ang mga ganoong karanasan. Ngunit umpisa lang pala yun.
Mas marami pa akong kwento ng mga karanasan ko.
Noon ay hindi ako basta bastang nagkwekwento tungkol sa mga ganito dahil hindi lahat ng tao ay naniniwala sa multo/aswang/dwende, atbp. Baka mabansagan lang ako freak or nababaliw. Pero sa pagtanda ko ay nakahanap ako ng mga kasagutan kung totoo ba o hindi ang mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
УжасыDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)