Entities (Plural yan ha!)

111 2 0
                                    


Shared by : baredevil696

Hay heto na nga ba ang sinasabi ko eh.

Backgrounder muna: I live in a big old compound full of big trees like mango and balete. The compound is quite old, the houses are post-war but mostly still in good condition.

Anyway, matagal ng alam ng lahat ng nakatira dito na may mga resident guests ang bawat bahay at pati na rin ang common areas like our shared quadrangle, the basketball court, and of course the gardens. We do our best to co-exist and usually yung mga baguhan lang naman dito ang pinararamdaman nila.

Anyway, last night my friends and I went to a Halloween costume party. So sa bahay kami nagbihis before going out. One friend of mine, who can feel entities but not see them (unlike my other friends who can actually see), was with me waiting for our third friend to arrive. So masaya kaming nagkukuwentuhan about this and that while waiting, until our third friend finally arrived.

Nung nagpapalit na siya into the usual boring angel outfit, napansin ko na parang nag-iba ang demeanor nung unang friend ko. Bigla siyang napatahimik at parang tumamlay, whereas just a few minutes earlier we had been laughing like crazy. Tapos sabi niya "Yoyosi muna ako" and sabi ko pwede namang magyosi sa loob ng house. Pero ang insistent niya and went out to the garden to smoke as my other friend and I finished prepping.

Knowing na uumagahin kami, I asked if he wanted to sleepover sa house na lang, but he was very insistent na "Hindi, kailangan ko nang umuwi." At biglang ayaw na niyang sumama sa party. Weird, right. Eh o sige, pinahatid ko na lang siya sa driver sa sakayan niya.

Cut to kanina: we caught each other on FB and I chastised him kasi sabi ng driver nagkuwento daw yung friend ko sa kanya na kaya daw ayaw niya matulog sa bahay ay may naramdaman siyang entities. Yung driver ko naman eh sanay na sa mga yan so tawa na lang siya. Anyway, sabi ko sa friend ko, "Hala, magkuwento ka na, dali. Sabi ko na nga ba, eh."

Sooooooo....

Nung dumating yung third friend namin, nagpalit na nga siya into his angel costume, wings and all. It was at that point that my other friend said na naramdaman niya yung pagaspas ng "costume" ng entities (take note, plural, not singular) na humahampas sa mukha at likod niya. Kaya pala tumamlay siya at biglang gustong magyosi na sa labas.

Earlier that night, nung nag-cr siya, paglabas daw niya may kinakahulan ang aso ko sa harap ng pinto, pero wala namang tao. Napag-isip ko na tama siguro rin yung haka-haka ko na may ibang nakita si doggie kasi nung naka-costume na rin ako earlier that night, I went up the stairs to get something sa room ko, and he started barking angrily at me. Naka-semi costume pa lang naman ako, meaning no mask or cape or anything na hindi ako makikilala ng dog ko. Quick as a flash, my thought balloon was "May nakikita siyang ibang sumasabay sa akin paakyat" (I just got goosebumps typing that now.)

But I dismissed the thought kasi nga maaga pa and hindi pa naman nakakaramdam ng masama yung friend ko.

Di ko tinanong kung negative o positive yung naramdaman niyang entities. Lalo na mag-isa ako ngayon sa bahay.

Sabi lang nya "Naka-costume din sila. Parang gustong maki-Halloween."

Ngek.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon