Matandang Babae sa NICU

126 4 0
                                    


Shared by : dylandarkk8

Share ko lang another story ko.

This happened when I was having my clinical duty nung 4th year college. Na-assign kami sa NICU (yung para sa mga bata na bagong panganak). 3-11pm shift kami nun so most likely gabi na yun nung time na yun. Ako kasi mahilig mag-isa, Yung mga kagrupo ko nasa loob ng isang quarters, nagchichikahan sila while yung iba nasa NICU mismo nagbabantay sa mga bata. Ako naman since di ko pa turn nun at break yata yun namin umupo lang ako sa labas ng quarters mag-isa. Tahimik yung lugar. Kita ko yung NICU unit sa kabilang banda and kita ko din yung pintuan na papasok sa wing namin sa kabila (yung tipong two huge doors na may salamin na pansilip sa door).

Napansin ko may dumaan sa labas ng pintuan. Isang Ale, matanda binalewala ko na baka kasi papunta siya sa ibang ward. Pero natatandaan ko yung itsura niya. Then mga ilang minuto nakita ko yung ale sumilip sa may bintana ng pintuan. Baka meron siyang gustong itanong sakin kasi ako lang yun mag-isa sa hallway at madilim pa kasi pinatay yung ilaw. Light lang sa NICU at sa kabilang hallway sa labas ng pintuan ang may light.

Tinanong ko siya kung may kailangan ba siya. Pero di siya sumagot nakatingin lang sakin. Tapos umalis na rin. Sabi ko sa sarili ko baka hindi dito yung punterya niya. Mga nag-30 minutes na, naisipan kong lumingon sa NICU side. Wala dun yung mga classmates ko. Pero napansin ko yung mga bata nag-iiyakan. At ang ikinagulat ko yung ale nandun sa tapat ng mga bata. Nakatayo lang siya. Iyak ng iyak ang mga bata talaga, lahat sila. Then pinuntahan ko na sa NICU kasi bawal magpapasok ng relatives dun unless kung authorized sila. Nang dumaan ako sa pintuan at pumasok sa NICU nagulat ako wala na yung Ale, yung classmate ko din pumasok na ng NICU.

Tinanong ko sila kung may nakita ba silang matanda sa loob ng NICU. Sabi nila wala daw. Kagulat naman. Pero parang mali na sa pakiramdam ko.

Then nakita ko sa mata ng CI ko na matagal na nagwo-work dun yung pagtataka sakin.

Sabi niya ano daw ang nakita ko. ni-describe ko naman. Nagulat yung CI kasi talagang ayaw niyang sabihin samin ang totoo. Eto daw kasi ang story pag nagdu-duty yung mga nurses. Lagi daw may nagpaparamdam sa NICU na kapag sabayang umiiyak lahat ng mga bata, minsan may nakikita silang matandang babae na pinapakialaman yung mga bata.

Nagulat naman ako dun. Then sinabi ko kakakita ko palang sa kanya kanina dun sa may pintuan sa entrance and pinakita ko pa nga sa kanila yung bintana may marka ng lips at ilong. Na tipong may huminga sa salamin.

Natakot kami syempre.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon