Third Eye

119 2 0
                                    

Shared by : jctheman

Kaninang tanghali ka-YM (Yahoo Messenger) ko yung dati kong staff sa previous work ko sa Bulacan (Leather factory na may mga ghost page sa 80 ng thread). As I've mentioned before siya yung may third eye since 10 yrs old pa lang siya. Siya din yung halos araw-araw ay nakakakita ng mga ligaw na kaluluwa at mga elementals at maging sa pagtulog ay dinadalaw siya ng mag ito. kaya nung teenager na siya pinasara na niya yung third eye niya dahil na coma siya ng 1 week dahil dito. Pero magmula nuong 2004 nagbukas ulit yun dahil nawalan na daw ng bisa yung pangontra niya at yung Albularyong gumawa non ay namatay na. So ngayon kahit paano ay nakakaya na ng health niya ang mga ganoong sightings at mas naging religious siya para daw kahit paano makokontra niya. Muntik na siyang magkaroon ng possession last summer dahil daw sa isang babaeng lagi niyang nakikitang nakabigti sa isang puno sa highway ng Marilao going SM. Doon kasi siya laging dumadaan pag-uuwi at papasok sa trabaho. Mabuti na lng daw at naagapan at kung hindi daw eh maaring na-coma na naman siya. Hindi naman niya alam kung paano makipag-communicate sa mga ganoon at kung paano gagawing rituals kung sakali. Siya ata yung seer pero di medium.

Last month ago daw lagi siyang nananaginip ng isang bata na nasa ilalim ng ilog pero nakatingin sa kanya. Isang linggo daw na ganun ang panaginip niya. Then after 3 days namatay yung isang 8 years old na pinsan niya at nalunod sa ilog na tatawiran patungo sa barangay nila. bago ka kasi makarating sa barangay nila ay sasakay ka pa ng bangka. Hindi ko lang alam kung ano name ng lugar nila pero sa kabila lang siya ng Meycauayan at malapit sa McArthur Highway ang daan niya palagi.

Alam nyo siya din yung nagsabi sa akin noon na may 4 na entities akong kasama dito sa bahay ko. Kinuwento ko lang yung mga experinces namin dito then pumikit lang siya at na-describe na niya kaagad yung lugar namin dito kahit hindi pa siya nakakarating dito. At yun nga nakita niya yung apat n entities at according to her ay mga duwende daw.

A few weeks back pa yung isang katrabaho niya na nakaaway niya at panay daw ang paninira sa pagkatao niya ay inisip lang daw niya na sana ay tumigil na at ng matahimik naman daw siya, one night daw bago matulog naisip nyang sana daw ay magkaroon ng sakit yung babaeng yun para daw kahit paano ay makaganti siya. Kinabukasn daw panay daw ang sakit ng tiyan at mataas ang lagnat at hindi nakapasok sa trabaho. So nakonsensya naman daw siya at after work ay dumaan daw siya sa simbahan para ipagdasal yung babae. ayun ok na daw kaagad the next day. Ask niya ako kung coincidence lang daw sabi ko baka mamaya may kakayahan din siyang maglagay ng hex sa isang tao na hindi nya lang alam.

Ilang beses na rin siyang nananaginip ng ilang kamag-anak na kundi namatay sa panaginip eh naaksidente at 85% daw eh nagkakatotoo. Sabi ko huwag na huwag nya akong mapapanaginipan eh at baka madalaw ko siya.

Naghinga siya ng sama ng loob sa YM kaninang tanghali nahihirapan na naman daw siya sa nangyayari sa kanya wala daw siyang makitang pwedeng magsara ulit ng third eye niya. Payat yung girl na yun at mas malaki pa ang pinayat niya ngayon, nagkaroon pa ng TB. Naaawa na lang ako sa knya kaso helpless din naman ako sa situation niya. May itsura pa naman at maraming manliligaw kahit papaano.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon