Kulam / Barang (Sinong may kagagawan?)

147 3 0
                                    


Shared by : mayang

After the orasyon pinakain sa amin ang mga foods pero di dapat itapon ang bones. nilibing yung mga bones nung baboy kasama ang bayad na 7,7++. nakalimutan ko na pero may butal na 25 cents and mga 10 cents. ang nakakatakot sa lahat is yung naglagay ng uling sa bao and parang tuyong dahon para umusok. pero yung usok inuutusan ng albularyo! sabi nya dumiretso kayo kung saan dapat ilibing ang buto at pera. mga sis maniwala man kayo o hindi, naka-on ang electric fan pero yung usok pumunta against sa elecric fan. ako, hindi ako maniniwala kung hindi ko nakita. palabas kasi ng bahay since sa grotto pumunta yung usok. dun sya nag-stop malapit sa grotto and dun nilibing yung bones and money.

Yung albularyo hindi nagpabayad. pero pinilit nila papa and mama na bigyan ng bigas kasi sobrang utang na loob namin sa kanya. after a week, natanggal mga balat ni papa ng parang ahas na nagbabalat. nagpalit yung balat nya mula sa face papuntang talampakan. tapos bawal magpapasok sa bahay ng tao especially pag galing sa lamay, sugal or nag-sex. kasi for sure daw kakati ang buong katawan ni papa. eh ang driver namin nakalimutan nya. may dinaanan pala syang nagto-tong-its sa kanto. ayun! nangati si papa and to battle this, gumupit ng konting buhok nung driver and nilagay sa uling and pina-usukan si papa.

Until now kapag may napi-feel kami na di maganda, nagpapatingin muna kami dun sa albularyo. he will tell you kung para sa kanya ang nararamdaman mo or pang doctor. I was there when may mag-asawa na nandun. yung lalaki is may cancer. kasama nilang mag-asawa ang anak nila and yung pinsang lalaki nung may cancer na husband. tandang-tanda ko pa yung conversation nila.

Albularyo: "Talaga bang hindi mo sasabihin sa mister mo?"
Wife: "Sasabihin po ang alin?"
Albularyo: "Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. sabihin mo na at hindi na aabutan ng dalawang araw yang asawa mo."
Wife: "Wala po akong alam na sasabihin"
Albularyo: "Misis maawa po kayo sa asawa nyo. pag hindi nyo sinabi, ako ang magsasabi"
Wife: (speachless pa nung una) "Wala po akong sasabihin"
Albularyo: "Tutal ayaw mong sabihin, ako na lang. pinakulam mo ang asawa mo kasi may relasyon kayo ng pinsan nya na kasama mo ngayon. Biyernes ngayon at hanggang Linggo na lang ang itatagal nya. pag hindi mo binawi yung pinagawa mo sa ibang albularyo, matutuluyan ang asawa mo!"
(biglang nag walk out si wife and biglang sinabihan ni albularyo yung anak nung mag-asawa)
Albularyo: "Hija, sundan mo ang nanay mo. pakiusapan mo at siya lang ang pwedeng magpatigil sa nararamdaman ng tatay mo."

Hinabol na nung anak ang nanay nya and naawa ako sobra dun sa husband kasi umiyak sya ng todo sa harap namin. the albularyo knows kung ano ang iniisip mo while you're there. alam nya din kung naniniwala ka sa kanya or hindi. pag hindi ka naniniwala, di ka nya matutulungan. one time, nandun ang yaya namin kasi nagsuka ng blood ang mother ng yaya namin pero normal naman ang BP and xray. sabi ng albularyo sa kanya, "huwag mong problemahin ang bigas at dadating yun mamayang alas kwatro ng hapon." eh ang iniisip pala nung yaya namin is yung bigas from her sister. true to his words, 4pm nga dumating yung padalang bigas. madami pa akong na-witness na weird stuff dun sa house ng albularyo pero sobrang haba na ng kwento ko.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon