Sari-saring Istorya

128 5 1
                                    


Shared by : Cheesy_Mosa

May ise-share din ako.

I have friends who are nurses kaya medyo madaming kwento. Sa awa ni Lord, wala pa akong na-encounter sa mga ghosts. Meron akong experiences sa mga elementals.

STORY 1

Yung friend ko who is a nurse supervisor sa isang hospital (this was long time ago), sumakay sya at isa pang employee sa elevator. They were night shift sabi nung employee sa supervisor "Ma'am!" (may halong takot ang boses) at sabi ng friend ko "Oo alam ko, tumahimik ka." pagbukas ng elevator, nagtakbuhan sila palabas kasi yung kasabay nila sa loob ay nakalutang ang paa.

STORY 2

Yung friend ko na bagong nurse sa isang hospital at of course, night shift, magpapalit sana sya ng IV fluid o "swero" sa pasyente nya. Laking gulat nya na bago ulit swero at sinabing may nurse daw na nagpalit. Tinanong nya sa mga kasamahan nya kung sino ang nagpalit. Walang umamin pero ang sabi ng secretary nila na "Ay baka si ____ (name ng isang girl). March kasi at death anniversary nya." Yun pala, every March, may nagpaparamdam na isang nurse na pinatay ng BF bago pumunta ng US.

STORY 3

Ang sabi ng nurse friend ko, may nagsabi sa kanya na respiratory therapist na kapag "nagre-revive" (CPR) ng pasyente, wag magtawanan o pagtawanan ang pasyente kasi may third eye ang respiratory therapist at nakikita nya yung soul ng pasyente na nakatayo sa tabi ng bed habang naghi-hingalo ang "earth body" nya.

Ang asawa ko, marami ring experiences na naikwento. matatakutin pa naman yon.

STORY 4

Taga-Bulacan kasi ang asawa ko at minsan naglalakad sya ng mga past 6pm sa Barrio nila. Meron daw syang nakasalubong na matanda na nakatakip ng belo ang ulo. Bilang paggalang, nag-"magandang gabi" sya tapos laking takot nya na pagtingin sa kanya nung matanda ay biglang kumislap ang mga mata. Tumakbo na raw sya ng mabilis.

STORY 5

Yung lolo nya ang naka-confine sa ospital at sya ang nakatoka na magbantay. Minsan nagkamali sya ng pasok ng kwarto at napunta sya sa kabila. Pagbukas nya, ang dami daw tao kaya nahiya naman sya at lumabas agad. Anyway, nung dumating ang nurse ng lolo nya, nabanggit nga nya na madaming bisita sa kabilang kwarto pero ang sabi ng nurse "bakante ang kwarto sa kabila at walang tao."

STORY 6

Minsan nasiraan ng sasakyan silang magpipinsan at galing yata sa handaan. Yung nagtutulak na sila, may lumapit daw na dalawang lalaki sa kanila at nag-offer na tumulong sa pagtutulak. Napansin nya na naka-barong yung 2. Okay naman daw at nagkukwentuhan pa sila nung biglang umandar na ang sasakyan. Pasasalamatan na sana nila ang 2 lalaki pero biglang nawala.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon