Hallway at Classroom

110 5 0
                                    


Shared by : grievs

1st story.

When I was still in college, madalas na uwi ko ay 10pm-1am. Start ng class ko 7am pero pag nale-late ako kahit 5mins lang diretso na ako sa tambayan ko sa computer shop. Ragna adik at RPC player hehe. so, one time pauwi na ako galing computer shop near our school, around 11pm nakita ko open pa yung gate ng Adamson sa church so dun na lang ako dumaan since maliwanag naman sa hallway. kasi kung sa street ako dadaan eh baka makursunadahan pa ako ng frat na teritoryo yung street na yun if ever close na yung gate, no choice dun ako dadaan. so, dumaan nga ako sa hallway at ako na lang mag-isa. may guard naman dun sa unang gate na dinaanan ko pero sa hallway wala na. medyo mahabang lakarin din yun mga 5mins sa normal na lakaran. nung nasa bandang gitna na ako ng hallway, nagpatay sindi yung ilaw. paulit-ulit. na pa "sh*t" na ako at tuloy lang ang lakad. then tuluyan ng namatay ang ilaw. kinabahan ako syempre, parang gusto ko ng tumakbo papuntang dulo at makalabas na ng hallway. make it worse, may naglalakad din sa likod ko. gusto kong tingnan pero madilim talaga at baka may bumulaga sa mukha ko so huwag na lang. lakad lang ako pero feeling ko parang napakatagal ko nang naglalakad. pakiramdam ko halos nasa likod ko na yung naririnig kong yabag ng paa so binilisan ko lalo ang lakad ko. then nung nakalabas na ako sa gate, maliwanag na yun kasi Taft na un hehe, tiningnan ko yung hallway at nag-antay ng kaunti kung my lalabas pa sa gate, wala namang lumabas.

2nd story.

Kwento ng Filipino Teacher ko.

Start ng class namin 6:30pm so medyo gabi na din yun. nagkataon na yung topic namin is about multo. hindi nakatiis si ma'am napakwento din nung pinilit namin kung may experience siya about ghost sa school.

Ayaw niya ikwento kasi pag naalala daw niya parang ayaw na niya ulit magturo sa gabi.

One night, nagtuturo siya sa klase na mga 10-15 students lang. so hindi lahat occupied, 1st and 2nd row lang. habang nagsasalita siya, napansin niya sa bandang last row may student pero hindi clear medyo transparent yung dating. kinutuban na siya pero dedma lang. tuloy lang siya sa pagsasalita at nakatingin sa klase niya then out of curiousity tumingin ulit siya sa last row, and you know what she saw?.

Ang dami na nila.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon