Kasama ko?

147 6 0
                                    

Shared by : geekybride

Nangyari sa 'kin 'to before, pero hindi sa bahay, sa office. mahilig kasi ako magpagabi kasi mas alert ang brain ko sa gabi. heheh. one time, mga 11:30 pm na ata yun. may narinig akong magandang boses na kumakanta sa corridor. hum lang, walang words. medyo umeecho pa nga, kasi ganun talaga acoustic sa corridor namin. tapos when I checked, wala namang tao. so tumawag na ko sa night guard para samahan na ako lumabas (nagpapasama kasi sarado na lahat ng ilaw, except sa workstation ko). just for curiosity's sake, i asked the night guard kung may iba pa bang tao sa floor namin, wala na daw, ako na lang. ngiiii. 

Hindi pa pala tapos ...

Paglabas ko ng building, pumara na ko ng taxi. tapos yung taxi driver, sabi niya, "akala ko, ma'am, sasakay din yung kasama niyo." eh wala naman akong kasama. kasi empty na yung streets. sabi ko, "nge, manong, niloloko niyo naman ako eh. wala naman akong kasama eh." sabi niya, "hindi ma'am. yung babae na nakapaldang puti. nakangiti pa nga eh. akala ko nagkukwentuhan kayo."

The next day, kinuwento ko sa night guard. ayun, nagclick agad sa kanyan. sabi niya, madalas daw sya may hinahabol na girl na nakaputing palda pag gabi sa floor namin.  hinahabol, para kunin ang pangalan (nirerecord kasi nila yung mga nag-O-OT). pagdating niya dun sa kuwartong pinasukan nung nakaputing palda, wala palang tao. hehe. mumu pala.  sabi ni manong guard, "baka, ma'am, isinakay lang kayo ng taxi!"

waaaaaaaah!!!!

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon