Inggit

154 5 0
                                    

Shared by : jctheman

I was about 8-10 years old then but I still vividly remembered what happened during that time. Medyo mahaba-haba po ito so please bear with me.

I would like to share what we have actually experienced, particularly with my mom. Nag-umpisa ang lahat sa pagbibigay ng pagkain ng kapitbahay namin. Hindi naman kami nag-iisip ng kahit na ano since matagal na namin silang kapitbahay at wala naman kaming makitang dahilan para gumawa sila ng masama para sa amin. And then suddenly at some point in time, may naramdaman ng sakit ang mom ko. At first we all thought it was a regular illness. So my father brought my mom in the hospital for consultation. And as you expected, walang makitang sakit ang mga doctors. We have tried several hospitals and all of them didn't find anything that would describe her illness. But physically, my mom's condition was deteriorating. Buto't balat na sya literally but no doctor could explain her illness since walang makitang findings. So after all of that, my father decided to go to an alternative medicine/albularyo.

Maraming pinagdalhan sa mom ko, and I will tell the story as best as I can. The first one confirmed na nakulam nga ang mom ko, albularyo siya somewhere in Laguna. I wasn't there during the session but this is what happened when they got back home. May dala-dalang maliit na bote ang mom ko, and we asked her kung ano yun. Nung Makita namin ang laman, may tatlong garapatang buhay sa loob. Ang sabi nya, galling daw yun sa kanya, sa loob ng katawan nya at sinuka nya daw yun nung ginagamot na sya. That's the time na na-confirm nga na nakulam sya.

Akala namin na magagamot na sya nung time nay yun pero hindi kinaya ng albularyo. Masyado daw malakas ang nangkulam sa kanya. We have no choice but to look for another albularyo. At least alam na namin ang sakit ng mom ko. Habang tumatagal lalong lumalala ang sakit ng mom ko, may mga times na nagwawala sya ng walang dahilan. Ang ibang albularyong pinuntahan namin sumuko dahil di nila kayang gamutin ang mom ko. Until may nag-recommend sa amin na family friend. Meron daw syang kilala, marunong daw manggamot. So again, we went to see them. I can tell you what happened exactly kasi kasama na ako this time.

.................

Ako ang pinasama ng father ko since he cannot go with us kasi he needs to work. Since ako ang panganay, ako ang isinama. My mom and I went to my tita (my mom's sister), kasi andon na daw yung manggagamot. When we arrived, nandon na rin ang family friend namin na nag-recommend. So nakita ko yung manggagamot, she was an old lady all dressed in white, with a very very long gray hair and she was blind. At my age that time, wala pa kong pakialam sa nangyayari. Di ako nagtatataka or natatakot. I was just there to be with my mom, yun lang ang alam ko. Finally, they decided to start the medication. Pero hindi daw doon sa bahay ng tita ko magagawa kundi sa lugar ng manggagamot. My mom then agreed to go with them (mangagagamot and the family friend) and they asked me if I wanted to come, so sumama ako.

Dinala kami somewhere in Pampanga, sa paanan ng Mount Arayat. Doon, may isang compound na nababakuran ng mataas na twig. Hindi makikita ang labas pag nasa loob ka at pag nasa labas ka, hindi makikita kung ano ang nasa loob. Maraming maliliit na bahay sa loob, it was like a small community. All the people living there are all dressed in white. Bata, matanda, babae at lalaki. Napansin ko din na hiwalay ang tulugan ng babae sa lalaki kahit mag-asawa sila. At first pinipilit din nila akong ihiwalay sa mom ko pero ayaw ko. Since bisita lang kami doon, pinagbigyan nila kami. Ang pagkain nila ay dalawang klase lang, kangkong at lugaw, wala nang iba. Gumigising sila ng 3AM everyday tapos pipila sila na parang may flag ceremony, again hiwalay ang babae at lalaki. During those times, sumasamba sila, kumakanta at nagdadasal. And guess who they are praying to. It was Jose Rizal. Yes, mga Rizalista pala sila. There are times na hinihiwalay nila ako sa mom ko tapos nagdadasal sila at kung ano pang orasyon ang ginagawa nila. They were doing these regularly hanggang sa pag-uwi namin after 3 days.

Pag-alis namin sa compound nila, binigyan pa kami ng isang sakong kangkong, pasalubong daw. Kasama din namin ang matandang babae at ang family friend namin. While on our way back to my tita's house, while we are traveling, bumubulong sakin ang mom ko. Sabi nya, demonyo daw ang matanda. Tapos galit na galit at nanlilisik ang mga mata ng mom ko. Ang pangit daw ng matanda at may sungay daw. Nakaupo kami sa bandang likod ng bus at nasa bandang harap naman ang matandang kasama namin. Habang bumubulong ang mom ko, medyo lumilingon naman ang matanda sa amin na para bang alam ang pinag-uusapan namin. At isa pa, bulag sya, pano nya nalaman na nandon kami sa pwesto namin. Anyway, it goes on habang nasa byahe kami. Along LRT station in Monumento, parang lumalala na ang condition ng mom ko kasi parang hysterical na sya. Habang nasa unahan namin ang matanda kasama ang family friend namin na naglalakad, nagpapaiwan kami ng mom ko sa likod para makausap niya ako. Sabi nya na huwag daw kaming sumama sa matanda tapos ang dami nya daw nakikitang demonyo sa paligid, tapos ang sako ng kangkong na bitbit ko, amoy patay na tao daw kaya iwan na lang daw namin sa kung saan. Ako naman inaamoy ko nga, pero amoy kangkong pa din. Dahil sa takot ko, iniwan ko na din lang. Hindi ko maintindihan nung time na yun, pero dahil mom ko sya, sinusunod ko kahit anong sabihin nya. Habang nasa LRT kami umiiyak na ang mom ko, so ako kahit di ko alam ang nangyayari at my early age, umiyak na rin ako with my mom at palagi nyang sinasabi na demonyo daw ang matanda.

..........................

Hanggang sa dumating na kami sa bahay ng tita ko. Doon na nangyari ang di inaasahan. Nagwala na ang mom ko na parang na-possessed na sya. Umiiyak sya at nagwawala. Hindi namin mapigilan ang pagwawala nya at hindi namin maintindihan kung bakit. Ang ginawa ng tita ko, kumuha sila ng holy water at hinalo sa isang baldeng tubig para ipaligo sa mom ko habang sinasabayan naming magdasal. While everything is happening, nakita ko yung matanda na nakaupo sa may kusina at nakangiti lang sya na parang walang nangyayari. After some time, humupa na ang mom ko. Tuloy pa rin ang dasal namin at pinagpahinga na sya. Kinuha ang mga damit na suot nya at inilibing sa likod ng bahay ng tita ko. Di ko ito maintindihan pero sabi nila ganun daw ang ginagawa pag may na-possessed ng demonyo.

Nang makapagpahinga na ang mom ko at matino na sya, tsaka namin tinanong kung ano ang nangyari. Sabi nya parang may bumubulong daw sa kanya nung time na yun tapos lahat ng mga picture sa wall ang tingin nya mga demonyo daw, lalo na sa matanda. Di namin kinausap yung matanda hanggang sa umalis na lang kasama ng family friend namin hanggang sa bumalik na kami sa bahay namin.

Hindi pa doon nagtatapos ang paghihirap ng mom ko. Gabi-gabi tuwing natutulog sya, nananaginip daw sya na may humihila sa mga paa nyang nakaputing damit tapos pilit syang sinasama. Madalas din nung time na yun, may para bang bumabagsak na malakas or malaking tao sa bubong ng bahay namin. May time pa na parang may malaking ibon na lumilipad sa paligid ng bahay. There was even a time na bigla na lang bumangon at humagulgol yung mom ko kasi may nakitang matang nakasilip sa bintana nila at nanlilisik daw. E yung bintana nila halos dalawang tao ang taas mula sa ground. Kaya madalas nagsusunog ng gulong ang father ko tapos nagsasaboy ng asin palibot sa bahay during midnight. Kasi madalas mangyari yung mga bagay na yun sa hatinggabi e.

My mom's physical condition really deteriorated. Tapos kung anu-ano pa ang na-i-experience nya at kaming pamilya nya. It was really a hard time for all of us. Then may inalok na namang albularyo ang isang relative namin. Sabi nya yung albularyo daw is magaling manggamot. He was an old guy from Bicol. So pinasundo namin sya dahil kailangan nya daw gawin yun sa bahay namin and it will take several days or weeks bago nya mapagaling yung mom ko. So doon na sya natutulog sa bahay at everyday at 6PM nag-o-orasyon sila ng mom ko. Doon namin nalaman na nag-umpisa pala ang lahat sa pagkain na binibigay sa amin ng kapitbahay namin. Doon din namin nalaman na kaya pala nagawa nila yun sa amin is dahil sa inggit din. Naiinggit yung kapitbahay namin kasi Masaya kaming pamilya at maayos ang pagpapalaki sa amin. Para bang wala kaming problema sa pamilya at sa bahay.

So tuloy-tuloy lang ang ginagawang orasyon ng albularyo at mom ko everyday. Hanggang sa unti-unti nang bumabalik ang katawan ng mom ko until she finally recovered. Masyado daw malakas ang nangkulam sa mom ko at buti na lang at hindi sya napuruhan. Doon ko napatunayan na malaking factor ang faith sa paggaling ng mom ko. Faith in everyone in the family and most of all, faith in God. Naging instrument lang ang albularyo pero ang talagang nagpagaling sa mom ko is faith.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon