My Abilities

147 3 0
                                    


Shared by : Skye_Phoenix

Magse-share ulit ako, pero hindi kasi ito nakakatakot eh, weird lang.

1.) Dalawa lang kami ng brother ko sa bahay namin, bukas yung pintuan dahil nakatambay samin yung isa naming kapitbahay (girl). Umakyat ako sa taas dahil may kukunin ako, pagpasok ko sa kwarto namin ng sister ko, naramdaman ko na may umakyat at pumunta sa kwarto ng mga brothers ko. Siyempre akala ko yung brother ko yun tapos tinanong ko kung bakit siya umakyat, walang nag-respond. Nung lumabas na ako sa room namin ng sis ko, tinanong ko ulit yung brother ko, tapos sinilip ko na rin siya sa kabilang room, pero walang tao. Pagbaba ko, nandun siya, tinanong ko siya kung umakyat ba siya, sabi niya hindi raw, eh naisip ko baka niloloko lang niya ako, kaya tinanong ko rin yung kapitbahay namin kung umakyat yung brother ko, sabi din niya hindi naman daw.

2.) Bata pa ko nito, sa dati naming bahay. Naglalaro kami ng syato sa tapat ng bahay namin, hapon nun, nung time na yun walang tao sa bahay namin pero bukas yung front door, sa tapat ng pintuan nandun yung sofa. Tapos maya-maya sabi ng kalaro namin nawawala daw yung isang kahoy na ginagamit namin sa syato, yung mahabang stick. Habang nagtatanungan kami kung nasaan na yung stick, may narinig akong sumitsit mula sa bahay namin, paglingon ko, may nakaupo sa sofa namin na parang clay face, mapayat na version at parang medyo gold ang kulay, tapos sumenyas siya na parang tinatawag ako, tapos nawala na din siya, eh hindi ako takot, kaya pumunta ako sa lugar kung saan ko siya nakita, tapos nakita ko dun yung syato stick na hinahanap namin, tapos bumulong ako ng thankyou.

3.) Eto naman di ako sure kung guni-guni ko lang eh. Anyway, one time may mga bisita stepfather ko, nag-iinuman sila, dahil masikip na, sa hagdan na lang ako naupo habang nanood ng tv. Tapos maya-maya namalayan ko na may parang usok na papunta sa mukha ko, di siyempre itinaboy ko ng kamay ko, pero parang hindi naman tinatamaan ng kamay ko papalapit pa rin sa mukha ko, tapos biglang nawala. Tiningnan ko yung mga bisita kung may nagyoyosi nung time na yun, wala naman. At yung usok ang weird kasi hindi siya parang usok ng yosi, medyo blue siya na naggo-glow. Hanggang ngayon, di ko alam kung ano yun.

4.) Last. Dati sensitive ako sa mga mumu, natanggap ko na, na may 6th sense ako, at sobrang nasanay na ako na hindi na ko natatakot sa kanila. May habit ako na magbasa ng bible pag wala akong magawa at mapanood sa tv, favorite ko yung Revelation, tapos sa bandang huli ng Revelation diba may nakasulat dun na parurusahan ang mga fortune tellers or something like that? Tapos parang tinamaan ako, napaisip talaga ako ng sobra dahil alam ko, dun ako papunta sa pagiging psychic. At dahil hindi ako matahimik sa nabasa ko, dahil nung umpisa at dahil na rin sa mga napapanood ko, naniniwala ako na gift from God ang 6th sense ko. So one day, nagdasal ako kay God, sabi ko kung totoong galing sa kanya itong abilities ko I'll make sure not to use it in vain, pero kung hindi sa kanya galing ito, if he can then take it away from me. And then nakalimutan ko na yung tungkol dun sa dasal ko na yun, times past, at college na ako ng bigla kong maalala na matagal na pala kong walang experiences regarding paranormal, kaya isip ako ng isip kung kelan nga ba yung last paranormal experience ko, then naalala ko yung tungkol sa request ko kay God. Kaya ayun, dun ko na-realized na hindi nga talaga galing kay God yung abilities na yun, pero minsan meron pa ding nagpaparamdam pero hindi na sila nagpapakita, paramdam lang. Ayun, the end.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon