Doppelganger Stories

340 5 0
                                    




           

©KMJS

nangyari na ito sakin nung pumasok akong kasambahay dalawa kami ng kasama ko, may 2nd flr kasi ung kailangan dalawa saka tatlo ung alagang bata nandun kami sa baba natutulog, ung kwarto namin paglabas may cr tapos malapit sa lababo. Umaga nun umalis na ung alaga namin so maglilinis na kami ng kasama ko sa bahay, nasa kwarto ko nun eh biglang tumawag bf ko e di sinagot ko naman tapos sinabit ko sa leeg ko ung cp may tali kasi maikli lang naman so maririnig nya pa ko so un nga habang nag uusap kami ng bf ko sa phone. lumabas ako ng kwarto namin ng ksama ko. Aakyat ako sa 2nd flr kasi nakita ko ung ksama ko nakatayo sa lababo naghuhugas yata ng pinggnan, nakatalikod sya di ko na sya kinausap kasi paakyat na ako sa taas. Pinatay ko na cp ko kasi maglilinis na ako. e di nung nasa taas na ko nagulat ako kasi nauna pa sya sa taas. sabi ko sa kanya "hala, nakita kita sa baba nasa lababo ka ganyan din suot mo" sabi ko sa knya tapos sagot nya sakin, "kanina pa ako dito, si ate nananakot" tapos sabi ko "anung nananakot? nakita talaga kita nakatalikod ka ganyan talaga suot mo tapos kulot din buhok" kinilabutan na ako non. kaya sabi ko sa kanya "dito na muna tayo sabay na tayong bumaba mamaya natatakot ako" sabi ko. tapos nung pagkatapos namin maglinis bumaba na kami wala naman tao dun. so winalang bahala na lang namin. next day naman, yung kasama ko naman na experience ng doppelganger na yan at ako naman daw yon. so next day na dalawa naman kami naiwan  umaga ulit eh nasa kwarto ko nagtutupi ng mga damit tapos sya naghuhugas ng plato sya na talaga yun ha. habang naghuhugas daw sya sa gilid ng mata nya  nkita nya daw ako. lumabas ng pinto tabi lang kasi nang pinto ung lababo pero may ref na nakaharang pero kita parin kung may lalabas so un na napansin nya daw ako lumabas tumunog pa ung pinto narinig ko din, akala ko naman siya. tapos tuloy ako sa pagtutupi narinig ko sya sumigaw tinatawag ako. sabi nya "ate, ate saan ka pupunta?" sabi niya tapos lumabas sya nakita nya daw ako lumiko sa gilid ng bahay tapos sinundan nya daw ako, pagdating sa harap ng bahay wala ako sabay balik nya, takbo sya pumasok sa loob ng kwarto namin.

***

Yung ate kong kasama ko sa house dati, kpag nagsi cr sya,pag lumabas sya, nakataas lagi ang damit nya, then one time, nagpupuyat yung isa pa naming kasama kasi graduating na sya sa college nun, mga 1am, naalimpungatan sya kasi napaidlip na sya sa study table nya, nakita nya si ate na lumabas galing cr, nakataas ang damit, then nung dumaan na sa pinto si ate biglang nalaglag yung salamin na para bang nasagi ni ate nung dumaan sya, e di pinulot ni kolehiyala, habang pinupulot nya daw,napaisip sya kasi medyo malayo naman sa pinto ung salamin at hindi masasagi kahit malaki pa ang dumaan, tas hinanap nya si ate, pagtingin nya sa higaan,tulog na tulog si ate.. napagtanto nya na di talaga si ate yun kasi kung si ate yun sana tnulungan sya pagpulot nung salamin at nung mga abubot na kasama nun.. wala lang, naalala ko lang.. marami kasi tlagang weird sa bahay na yun e

***

na experience kona din yan, kase nung nagtatrabaho kami sa may resort ng bestfriend ko ganyan yung nangyari sakin, mga 12 na ng gabi (night shift kami) tumambay muna kami sa may guard house para na din mag smoke tapos andun ako sa labas ng guard house tas yung bespren ko name janine is nandun naman sa loob nakahiga sa may upuan na mahaba. tapos mga 30minutes na kaming ganun nilingon ko siya tapos nakita ko siyang nakadapa lang (akala ko tulog)  tapos nagpapatugtog gamit yung cellphone niya diko alam kung bakit pero gustong gusto ko siyang kausapin nung oras nayun pero walang lumalabas na boses sakin so binalewala kona lang, tapos maya maya lang habang nagbabasa ako ng kwento dito din sa spookify tapos bigla siyang lumabas at sabi niya pumasok na daw ako kase kanina pa ako dito sa labas so nagtaka ako sabi ko sakanya A:kanina kapa ba sa loob bessy?(kase nakita ko talaga siya na nakahiga lang dito kasama ko) S:oo kanina pa diba nag paalam ako sayo na iihi ako, bakit?

so ako naman kinilabutan so ibig sabihin hindisiya yung nakita ko dahil sa takot ko napabalikwas ako sa kinauupuan ko tas pagpasok namin sa loob dun ko kinuwento sakanya na nakita ko talaga siyangnakahiga dun at nagpapa soundtrip pa, tapos ni hindi ko man lang narinig o namalayanna nagpaalam siya sakin kase akala ko nakatulog na siya dahil pagod din taposyun nga kinuwento ko din kay manong guard sinabi niya samin na may nang gagayadaw talaga dun, kaya ayun yung naging reason bat kami  umalis na lang dun sa trabaho namin dahilnapaka rami namin naranasan na nakakatakot doon yun lang k bye >

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon