Lola's Stories

169 2 0
                                    


Shared by : etnabAxeRt

Share ko rin itong nangyari sa lola ko.

Story #1

Mga early 1960s nangyari ang lahat. Kasalukuyang ipinagbubuntis ng lola ko ang pang-apat na anak nya. Nakatira sila sa bandang norteng probinsya ng Pilipinas. Nung mga panahong iyon, nandun din ang mga lolo't lola ko (kapatid at hipag ni lola) saka mga anak nila para bumisita. Para daw kasing pyesta that time kasi dumaong ang isang American Naval ship sa puerto. So gabi-gabi daw sa may ciudad, parang may pyesta. Ang daming Amerikanong sundalo at buhay na buhay ang mga kalye. That time daw, bago pumunta ang mga kano dun sa province namin, galing sila sa Visayas. May mga sinama daw ang ilang sundalo na mga babae galing dun, kaya yun kasama nila mamasyal sa lugar nila lola.

Kwento nila, halos gabi-gabi daw may nakikita sa buong bayan na may mga lumilipad na mga nakabestida minsan mga malalaking ibon daw. Yung kapatid ni lola pinagmumura daw yung mga aswang na yun at ang ibang tao naman sinisindihan ng kwitis kaya makikita mo daw talaga na nagliliparan sila. Isang gabi umuwi yung kapitbahay nila galing sa panonood sa sine. May nakita daw silang 3 malalaking ibon sa bubong nila lola. Kinaumagahan winarningan na nila si lola na magtabi ng gunting sa kama. Eh si lola skeptic sa mga bagay na yan sabi pa nya "Sa panahonn ngayon naniniwala pa kayo sa mga aswang!" Kaya yun, nung kinagabihan uli may narinig daw sila na kaluskos sa bubong tapos bigla daw sumakit ang tyan ni lola. Sigaw daw ng sigaw sa sakit. Kaya nagtawag na sila ng hilot. Ayun nung nilabas ang bata, babae, may nakitang kulay violet na pasa sa dibdib. Sabi ng manghihilot, naaswang daw si lola. Ang dami rin buntis sa lugar nila ang na-aswang at namatayan ng anak. Nung umalis na ang barko ng mga Amerikano, wala na din mga nagpapakita at lumilipad lipad sa province namin.

Story #2

Eto naman experience ng family namin.

Umuwi kami sa province ng dad ko somewhere in Bicol. My dad, mom, my sister and my dad's aunt. I was just a teenager that time. Nung panahon na yun, medyo rugged terrain pa ang ilang parts going to Bicol kaya ang biyahe namin ay mga 10-11 hours on our van. I was sitting at the right side sa 2nd row katabi ng bintana. Ang tagal ng biyahe kaya inabot na kami ng madaling araw. Sa isang portion ng daan, malapit na sa town ng dad ko, di pa sementado yung dinaanan namin. Bandang alas 3 na ng madaling araw yun kasi natatandaan ko nakarating kami sa bahay ng 3:20 na yata. So yun, habang nagddrive si dad, halos lahat kami gising pa dahil sa kwentuhan at takutan. Mga ilang metro sa amin, nakita ko may mga 5 or 6 na lalakeng naka-formal na suot. Long sleeves yata or barong. Yung itsura nila yung mga parang wala sa sariling wisyo. May 1 na may dalang gasera, tapos yung parang di man lang sila nagkwekwentuhan or kanya-kanyang lakad lang. Ako yung nasa window side kaya tinignan ko. Diretso lang tingin nila at ang bagal maglakad. di man lang sila nag-uusap sa isa't isa. Akala ko naman mga lasing lang or galing sa kasalan or graduation kasi March noon. So wala sa isip ko na kung anuman. Pero makikita mo sa mga itsura nila yung parang zombie ang kilos. Nung lumagpas kami, saka lang kami nagkabiruan na baka mga multo mga yun. Wala kasi sa isip namin yun, pero napansin lang namin na malayo pa ang ibang bahay at liblib yung dinaanan namin. Dun na kami natakot. Nakarating naman kami sa pupuntahan namin. Kumain saglit at natulog na. Nung kinaumagahan, dinaanan namin yung daan na yun. Tantsado namin yung layo at yung terrain. Makita-kita namin yung lugar na may nakita kaming mga naka barong na lalaki... Sementeryo pala!

Story #3

Nagtrabaho sya dati sa Philippine Navy nung binata pa sya. Sila yung in charge na bantay sa isang bodega sa port. Naka-assigned daw sya as graveyard shift for 2 months tapos mag-isa lang. Yung lugar is parang lumang warehouse na isa lang ang bumbilya dun sa pwesto nya. May history of sightings na daw dun sa lugar. Dati habit na daw nya iidlip 1 hour bago matapos ang shift nya. Yung tinutulugan lang nya daw ay isang pahabang bangko na gawa sa kahoy. Yung tipikal na ginagamit sa tindahan pag inuman. So yun ang routine nya lagi, tutulog ng saglit bago umuwi tapos gigisinging na lang sya ng karelyebo nya na manggagaling pa sa taas at bababa sa hagdan na bakal.
Isang gabi daw nung dumuty sya, same routine tulog daw sya dun sa bangko na yun. Matatapos na duty nya medyo mababaw pa tulog nya at nakapikit pa. Narinig na nya ang steps ng kasama nya pababa ng hagdan. Bilang na bilang pa daw nya ang pag-apak sa hagdan na bakal. Nakapikit at nakatihaya pa rin sya that time dun sa bangko at naririnig nya yung steps nung kasamahan nya papalapit sa kanya. Tapos naharangan yung liwanag ng bumbilya sa mukha nya. Inaantay daw nya na tapikin sya or gisingin or batiin ng kasamahan nya pero wala daw, so minulat na nya mata nya. Akala kasi nagbibiro lang kasi isang minuto daw na nasa tapat nya. Nung pagmulat nya ng mata di pala yung karelyebo nya yung nasa tapat ng mukha nya. Inches away from his face daw, ang nakita nya ay naaagnas na mukha ng isang sundalong hapon. Kalahati intact pa yung mukha, kalahati, kita daw yung decaying flesh, bones and teeth. Tumagal daw yun ng ilang segundo dahil di sya makagalaw. Finally, nagalaw daw nya ang toe nya at yun binangga nya at kumaripas na sya ng takbo paakyat. Ilang araw din syang nilagnat. Simula nun, nag-resign na sya sa trabaho nyang yun.

Story #4

Baka sa panahon natin ngayon wala ng aswang.

Yung tito ko nakakita daw talaga sa probinsya nila. Yung bahay kasi nila sa likod gubat na. Madaling araw daw umiihi daw sya dun sa may sagingan. Tapos sa di kalayuan may nakita syang babae na hubad tapos may nilalagay daw sa katawan. Eh alam nya aswang yun. Kaya tumakbo sya pabalik sa bahay. Tapos may narinig syang dalawang pagaspas daw. Yung tunog daw ng malaking plastic bag na ihahampas mo sa hangin. Pagtingala nya malaking paniki daw na may mahabang buhok.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon