Shared by : TampopotNasa elementary pa lang ako noon, nang may dumating na bagong kasambahay. Natatandaan ko ang pangalan nya ay Grace, 20 years old pa lang sya. Mabait, magalang, masayahin at pala ngiti sya kaya magaan agad ang loob namin sa kanya. Mahilig siyang kumanta habang naglilinis ng bahay, masipag at may itsura sya, yung nga lang hindi masyado marunong mag-tagalog si Ate Grace,
Siguro 3 buwan pa lang siya nakatira samin nang may nangyaring kakaiba sa kanya, yung grace na kilala naming pala kanta at masayahin ay biglang nagbago, naging matamlay, di na namin sya naririnig kumakanta, o tumatawa, o nanonood ng tv, laging nasa terrace tumatambay, feeling namin may hinihintay lagi, dumating na sa point na kinausap na sya ng lola ko if may bf ba sya or na-homesick na. puro iling lang ang sagot ni Ate Grace non.
Isang linggo na ang lumipas, napapansin pa rin na tahimik si Ate Grace, kahit sa pagkain wala na rin siyang gana. lagi siyang natutulog, iniisip nga ni lola baka daw buntis, pero alam namin wala siyang bf.
Sumunod na week ganun pa rin, tahimik pa rin si Ate Grace, di na rin sya nagtatrabaho sa bahay, palagi na lang siyang nakahiga. Kinausap na sya ni lola kung gusto na nya bumalik sa bayan nila papayagan naman sya, pero puro iling pa rin lang ang sagot nya.
Kinabukasan, aakyat ako sa room namin, may napansin akong kakaibang usok mula sa hagdan galing sa taas, bumababa yung usok, parang fog pero sa may hagdan lang meron at mejo makapal sya kesa sa fog, isa pa di naman malamig ang panahon non at hapon pa lang, isang step pa lang ako napansin kong may anino sa dulo ng hagdan, si Ate Grace pala, nakatayo at walang kakilos-kilos, nakatingin lang sya sa akin, tinawag ko sya kasi nagulat din ako sa itsura nya, basang-basa sya. pero di nya ako pinansin, bagkus nakatayo lang sya dun na parang wala sa sarili.
Tinawag ko si lola, pagpunta ni lola sa tabi ko, umalis na si Ate Grace sa hagdan bumalik na sa tulugan nya malapit sa terrace. Umakyat kami ni lola, sabi ko dapat magpalit sya ng damit at basang-basa nga sya pero di pa rin sya kumilos, nagtataka si lola kasi di pa naman daw bumababa si Ate Grace para maglaba o maligo, bakit basang-basa sya, sabi ko baka yung banyo sa taas ang ginamit, pero matagal ng walang gumagamit ng cr dun kasi nga di kayang umakyat ng tubig.
Pinilit ni lola na ibangon si Ate Grace para magpalit ng damit, pero sobrang bigat nya na di sya kaya ni lola, so ginawa ko tinulungan ko si lola, dalawa na kami di pa rin namin sya kaya. Pinagtulungan na lang namin siyang bihisan ng nakahiga. Habang binibihisan namin sya, nagsasalita si Ate Grace pero di namin maintindihan, di ko alam if bisaya ba yun para kasing kakaibang salita.
Buong araw nakahiga si Ate Grace, wala namang lagnat, basta nanlalamig lang sya at parating basang-basa sya. para siyang nagbuhos o naligo sa ulan sa basa nya.
Naririnig namin, umiiyak sya ng madaling araw, pero paglalapit si lola tumitigil at pag tinatanong naman sya di sya sumasagot.
Kinaumagahan, nagulat kami kasi nasa sala si Ate Grace, dun sa sofa sya nakahiga, bigla na lang siyang umupo ng makita kami. Kinausap sya ni lola tinanong kung ok na pakiramdam nya, di nya sinagot si lola, tumayo sya at naglakad, pero laking gulat namin, kasi habang naglalakad sya, para syang kuba na, o parang matandang hirap na maglakad. Pumasok sya sa banyo tapos bumalik sa sofa ganun pa rin ang lakad nya, parang uugod-ugod na.
Naisip na ni lola magpatawag ng albularyo o magtatawas dahil kakaiba na nga kinikilos ni Ate Grace.
Nang dumating ang albularyo, tinawas nya agad si Ate Grace at nakita sa tawas yung hugis ng isang matandang kuba. May pinahid sya na langis sa katawan ni Ate Grace at pagkatapos tinusok sya ng palito sa dulo ng daliri, biglang sumigaw si ate, sigaw na nasasaktan, pero nakakapagtaka, diretsong tagalog ang salita nya at iba ang boses nya, boses ng matandang babae, tinanong sya ng albularyo, bakit nya pinapahirapan si ate, sumagot si Ate Grace, habang nakapikit pero umiiyak at sumisigaw na wala daw respeto si Ate Grace, binuhusan sya ng tubig, at nabasa daw sya. Tinanong ng albularyo saan sya nabasa, tinuro ni Ate Grace yung direction ng papunta sa dirty kitchen kung saan si Ate Grace naglalaba sa madaling araw.
Humingi ng tawad ang albularyo sa ginawa ni Ate Grace at nangakong di na uulitin ni ate, di pumayag yung boses na lumalabas kay Ate Grace, isasama daw nya si Ate Grace sa lugar nya at gagawing alipin. tinusok uli ng palito ang mga daliri ni Ate Grace at muli siyang nagsisigaw sa sakit, nagwawala at nanakot di nya iiwan ang katawan ni ate.
Naka-ilang pahid pa uli ng langis, tusok ng palito at dasal saka tumahimik si Ate Grace, bumangon siya at biglang naglakad. Ok na uli ang lakad nya, bumalik na sa dati. kinausap sya at tinanong ni lola, ngumiti lang sya, naglakad uli sya papunta sa dirty kitchen, pagbalik nya nagulat kami bigla na lang siyang tinapik ng albularyo, mahinang tapik lang sa balikat ang ginawa sa kanya at bigla na lang siyang bumagsak.
Sabi ng albularyo, nagpanggap lang daw yung matandang nasa katawan ni Ate Grace, gusto nya lang umalis na yung albularyo. Akala namin bumalik na sa dati pero di pa pala. Muling nagdasal yung albularyo, this time pinasabay na rin nya kami, pagkatapos nun, bigla na lang dumilat at nagising si Ate Grace, uhaw na uhaw, binigyan ni lola ng tubig, at tinanong kami anong nangyari sa kanya at bakit kami lahat nasa sala.
Akala nya nakatulog lang sya sa sofa, sabi ni Ate Grace, sa panaginip nya, nasa isang kweba daw sya, nakahubad daw sya at takbo ng takbo, di daw nya alam saan at pano sya lalabas ng kweba, ginaw na ginaw daw sya dahil nakahubad nga sya at mausok yung paligid nya. Di na nya alam ang gagawin, sumisigaw sya pero wala namang sumasagot sa kanya. Kinuwento namin na halos mag-2 linggo na siyang maysakit, di sya makapaniwala alam nya kakatapos lang nya maglaba at nakatulog sya after nya magsampay.
Kinabukasan pinasama na ni lola sa kamag-anak nya si Ate Grace para umuwi na sa bayan nila at dun na lang magpahinga at saka para malayo na rin sa kung anumang elementong nagalit sa kanya. Bago umalis si Ate Grace nakita ko pa siyang umikot sa buong bahay namin, at tapos nagpaalam sa amin, masaya na sya uli, nagpasalamat sya samin, niyakap ako ni Ate Grace, pero iba pakiramdam ko, sobrang lamig ng katawan nya.
Habang naglalakad sila palayo ng bahay ng tiyahin nya, nakita pa naming masaya at patalon-talon pa kung maglakad si ate, pero nung pumasok na si lola sa bahay, naiwan pa rin ako sa labas at tinitignan ko si Ate Grace, napansin ko habang papalayo sya, kumukuba na naman sya habang naglalakad, kinilabutan ako, pumasok na ako sa bahay, sinabi ko kay lola, kinabukasan, nagpadala kami ng sulat sa tiyahin ni Ate Grace at sinabi ni lola na maghanap ng pwede pa rin tumingin kay Ate Grace.
After a month, nakatanggap kami ng sulat galing sa kamag-anak ni Ate Grace sa probinsya, namatay na daw si Ate Grace, nakita na lang nilang nakahiga at basang-basa ang buong katawan.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)