Shared by : NeoDynKahapon yung katabi ko sa parlor ay nagkukwento tungkol sa trabaho ng mister nya. Driver ng express train. Matagal na sa trabahong yun. Yung way na laging dinadaanan ng kanyang minamanehong train ay ilang beses ng may nagsu-suicide. Laging yung lugar na yun dahil sa parehong magkabilaang gilid ng riles ay madamo na kapag padaan na ang train, may biglang susulpot na magsu-suicide.
Nalipat sa night shift yung mister nya. Eh di padaan na naman sa lugar na yun ang train ng bigla daw may humarang ng tao sa train at di na nga kayang magpreno dahil ang takbo palagi ng express train ay inaabot ng 300kmh kaya na-shock daw ang mister nya at na-experience nya na may masagasaan pero hindi daw nawalan ng loob yung mister nya at nakatawag pa sa emergency call at pinapapuntahan yung lugar na kung saan may nasagasaan sya. Mga ilang oras daw, yung mga pulis ay hinalughog yung lugar, ni isang dugo o bangkay walang nakita. kaya yung mister nya ay nagpalipat ng ibang route dahil kapag daw napapadaan dun laging nagkakaroon ng goosebumps. tapos yung ibang colleagues din pala ay na-experience na rin yun na minsan daw pag dadaan yung train ay sa mismong salamin sa harapan ng train sumasalpok yung parang tao.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorreurDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)