Kulam

147 3 0
                                    


Shared by : jctheman

Nangyari ito sa anak ng tiyuhin ko. Doon sa lugar nila may sarili silang sari-sari store at yung tiyuhin ko nagbi-business ng vegetables galing sa farm nila sa Bulacan. Meron silang kapitbahay na nakaaway, Yung babae na nakaaway ng tiyuhin ko eh tipong matindi ang inggit sa katawan kasi nga nakikitang ok yung business ng tiyo ko eh may mga kinakalat siyang tsismis na kesyo drugs daw ang business at kung anu-ano pa. So syempre di naman yun napalampas ng tiyo ko at since lehitimo siyang taga doon sa lugar na yon. (wala kasi kaming province kundi dito sa Caloocan na).

Nagsagutan sila ng babaeng yun na eventually nagkamurahan pa. Isa pa sa source ng away nila eh yung mga basura ng babaeng nakaaway nila eh doon lagi natatambak sa property ng mga tiyo ko. Nagkabaranggayan pa nga. All the while akala namin ok na ang lahat sa barangay at nagkabati na.

After 1 week yung anak ng tiyo ko na babae, dalaga pa yun eh umurong ang dila as in hindi makapagsalita then laging mataas ang lagnat. Pinatingnan nila sa doktor kaso walang makitang sakit tumagal ng 3 days yun na ganun then nakita sa xray na yung dila nya unti-unting bumabara sa lalamunan hindi na makakain yung biktima at hirap huminga. Nagpunta sila sa Lucban sa isang manggagamot na kakilala ng mother ko. Dinala nila yung pinsan ko doon. Noong una nga pumipiglas pa yung pinsan ko at ang lakas. Ilan kaming lalaki na nakahawak sa kanya pero ang lakas talaga.

Nag-orasyon na yung manggagamot at sinabing nakulam nga daw yung pinsan ko. Kinausap niya yung pinsan ko at eto ang wierd boses ng lalaki ang lumalabas sa bibig nya. Tinanong "Sino ka? bakit mo pinahihirapan ang bata?' sagot "Wag kang makialam sasamain ka din." Ginawa ng manggagamot kumuha ng isang susi at naglabas ng isang black book. Yung book ipinatong nya sa susi ng nakatayo kung baga nakatayo yung susi at nakatayo yung book sa ibabaw ng susi. para bang may humahawak pero naka-suspend lang yun sa ere at yung susi nakapatong lang sa sahig sa tapat nung biktima.

Nagsindi ng insenso yung matanda at nagtanong ulit. Yung pinsan ko naman makikita mo nangingitim na parang nawalan na ng dugo at patay na. Pero malakas pa rin pumiglas. Ask nung manggagamot "Ikaw ba ang may galit sa bata?" sagot: "Di ako, binayaran lang ako." "Sino ang nagbayad sa iyo?" sagot: "Si ___________ (name nung babaeng nakaaway ng tiyuhin ko na kapitbahay nila). Binigyan ako ng anim na libo." Tinanong pa "Nasaan ka?" sagot "Nandito ako sa Visayas." Tapos sinabi ng manggagamot, "Tigilan mo na yang ginagawa mo at sinisiguro ko sayong babalik lahat sayo yan kapag hindi ka tumigil." Pumiglas pa rin yung pinsan ko kahit nangingitim na tapos sumisigaw, ang laki ng boses parang possessed siya ng mangkukulam na yun. pinahiran ng mangagamot ng langis sa noo yung pinsan ko at sa magkabilang palad at sa paa. Then kinuha niya yung black book na kanina pa nakapatong sa ibabaw ng nakatayong susi at pinatong sa dibdib ng pinsan ko. Ayun sumigaw talaga ng malakas then biglang nawalan na nang malay yung pinsan ko. Hawak-hawak namin yun ha kasi nga piglas ng piglas, tumulong na nga sa pagpigil yung iba pang lalaking taga doon, mga 6 kaming pumipigil.

Then natahimik na yung pinsan ko tapos bumula na yung bibig. akala ko nga patay na. Then sabi ng manggagamot, Ayan na lumalabas na yung kulam sa kanya. Mga 2 hours ding walang malay pinsan ko, nang magkamalay siya uhaw na uhaw naka-4 na baso ng tubig tapos sabi nya ang dilim-dilim daw ng pinanggalingan niya, may lalaki daw na pumipigil sa kanya na maitim itinali daw siya sa isang puno at yung dagta ng puno na yun ang pinahid sa katawan niya. sabi ng manggagamot ang actual na nakatali daw doon eh yung picture ng pinsan ko at yung isang piraso ng damit niya.

Yun pala kinunan ng kaaway ng picture pinsan ko at kinuha ang nakasampay na damit sa bakuran nila. Magmula noon binenta na lang ng tiyuhin ko yung property nila doon lupa't bahay at nangungupahan sila ngayon. sabi ko nga ba't ibinenta eh sarili nila yun tuloy sila pa ang nangungupahan ngayon.

Bale nagbayad sila ng 3k doon sa manggagamot na yun. Ngayon ok na yung pinsan ko. Pero matinding kulam talaga yun. Ang plano pa nga eh barang ang gagawin kaso walang nakitang mangbabarang yung kaaway ng tiyuhin ko at pinakulam na lang. Di na nila binuweltahan pa yung babaeng nakaaway nila, Although sabi ng manggagamot pwede daw nila ibalik sa babaeng yun kung anuman ang ginawa sa anak nila.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon