Bintana sa Classroom

130 3 0
                                    

Shared by : jctheman

Share ko another story of mine. This happened sa same school sa nauna kong nakwento.

Nasa 2nd floor kami nun, I think 1st year college ako. So here it goes.

Usually kasi yung oras namin nun sa class umaabot ng 8pm ng gabi. So madilim na usually pag nakakauwi kami. Naalala ko minor subjects yung dini-discuss samin nun. Psychology yata. Mahilig ako umupo sa may bintana talaga, ganun ako. Sakto naman yung bintana na sa kaliwang bahagi ko e katapat ang isang napakalawak na damuhan. Wala talagang bahay o anuman doon. Kaya pag gumagabi nakakatakot tumingin doon kasi parang horror movie ang dating ng lugar.

So nagdi-discuss yung prof namin sa harapan nang makaramdam ako na parang kakaiba sa bintana. Yung tipong alam ko may hindi kanais-nais na tumitingin sakin. Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko talaga, nakakainis yun kasi ayoko namang ipakita na balisa ako in the middle of our discussion e ang tahi-tahimik ng klase. Hindi talaga ako mapalagay kasi lalong tumitindi ang pakiramdam ko na may nakatitig sakin.

Naglakas loob akong tumingin sa bintana kung ano ba meron doon,
nagulat ako sa nakita ko. Isang pugot na ulo na lumulutang sa ere ang nakita ko na nakatitig sakin. Halos di ako mapakali at napatayo ako at nag-excuse nalang na magsi-CR pero ang totoo gusto ko lang umalis sa inuupuan ko. Nagulat ang mga kaklase ko dahil don. Pagbalik ko dun na ako sa may pintuan malayo sa bintana umupo di ko na nga kinuha mga gamit ko until end of class na. Wala na rin yung ulong pugot na babae.

2nd yr college.

Same batchmate. 1 year nang nakakalipas, naikwento ko sa classmate ko yung tungkol sa room na yun. Na may nagpapakita sa bintana doon. Nagulat ako kasi yung isa kong babaeng classmate na nakakakita din pala alam niya yung tinutukoy ko. Nakita na rin daw niya yun pero that time hapon daw tapos nakita niya may parang buhok ng babae nakadungaw sa bintana pero nang tiningnan nila sa baba wala naman hagdanan. Kaya hindi na kami naglalagi dun sa bintana na yun.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon